Chapter 14

164 5 0
                                    

Chapter 14

Jasmine’s POV

                “Birthday niya ngayon!” kausap ko sa telepono ang kapatid ni Cloud na si Sky. Kakatapos ko lang umiyak, at kahit na alam kong nahahalata ni Sky na galing ako sa pag-iyak ay nakuha parin niya itong itanong.

                “Hindi ko na itatanong kung bakit ka humihikbi diyan, pero wag naman sana na kapatid ko na naman ang dahilan niyan?” bigla niyang naitanong, naisingit talaga niya ito pagkatapos niyang sabihin na kaarawan pala ni Cloud ngayon araw na ito.

                “Sorry Sky,” yun lang ang naisagot kosa kanya.

                “Wag kang humingi ng patawad sa akin, kasi wala ka namang kasalanan sa akin. Naiintindihan kita kaya nga ako pumayag sa gusto mo eh, kaso bakit ba kasi nagkita pa kayo? Bakit ba kasi pinagtagpo parin kayo ng tadhana?” hindi kaagad ako nakasagot sa sinabeng iyon ni Sky.

                “Hindi ko alam ang gagawin ko,” mahinang sagot ko sa kanya.

                “Magpaka-tatag ka. Alam kong galit parin yun si Cloud, at alam ko na huhupa rin yung galit nun. Ngayon pang alam niyang totoo ka talaga. Masyado kasi siyang napaniwala na hindi ka talaga nag-eexist na isa ka lang panaginip sa kanya, kaso masyado rin siyang nasaktan. Pero kilala ko yung kapatid kong iyon, at simula noong nakilala ka niya marami na siyang pinagbago, una sa lahat ay ang kilalanin ang tunay na sarili niya at hanapin pa ang mga sarili niya. At nagawa niya yun sa tulong mo. Sa totoo lang, malaki ang pasasalamat ko sa iyo dahil simula noong nakilala ka niya, mas nakikita ko na ulit siyang nakangiti. Yung ngiting matagal niyang pinagkait sa akin na kapatid niya.”

                “May sakit ako!” mali!

                “May Sakit ako, malalang sakit!” mali parin.

                “May Cancer ako!”baka naman tawanan niya lang ako at tanungin pa niya kung anong klaseng Cancer?

                “May Cancer ako, Liver cancer stage 4 na siya at dalawang taon nalang ang natitira sa buhay ko sa mundong ito.” Kinakausap ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Gaya ng dati itong salamin ko ang lagi kong nilalabasan ng mga masasaya at malulungkot na nangyayari sa buhay ko. Pero gaya ng isang simpleng gamit wala siyang magawa kundi ang tanggapin ang mga hinanakit ko, gaya ngayong ginagawa ko. Kawawang salamin, siguro kung nakakapagsalita lang ito, matagal na siguro ako nito minura!

                Salamin: Tama na ang pagiging tanga! Kotang-kota ka na!

                Ako: Ang hard!

                Nasapo ko ang ulo ko kasi bigla nalang itong sumakit, maya-maya bigla ring sumakit ang tiyan ko.  “Nayyyyyyyyyyy,” pasigaw kong tinawag si Nanay, namimilipit na ako sa sakit pero wala parin si Inay.

“Kamballlllllllllllllll,” sigaw ko sa dalawang kapatid ko nagmamakaawang baka marinig nila ang sigaw ko. Hanggang sa bumukas ang pintuan.

                “Anong nangyari sa iyo?” kinakabahang tanong ni Nanay sa akin.

                “Julioooooo,” tinawag pa ni Nanay si Tatay upang tulungan akong dalhin sa ospital.  Una pagsakit ulit ito ng aking tiyan pagkatapos ng unang Chemotherapy noong isang linggo. Sinabe ng doctor na kapag nakaramdam ako ng ganito ay kaagad akong dalhin sa ospital. Bitbit na ako ni Tatay at kaagad na mabilis na naibaba at pinasok sa loob ng kotse.

                “Arayyyyyy kooooo,” namimilipit parin ang tiyan ko sa sobrang sakit. Pinagpapawisan na ako, parang may nag-hahasa sa loob ng bituka ko. Ganun ang pakiramdam ko, sobrang sakit. Sa sobrang sakit nito hindi ko mapagilan ang mapaluha.

Abakada: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon