Chapter 3

222 7 0
                                    

Chapter 3

                “Goodmorning Teacher Jasmine,” masayang bati ng mga students niya noong papasok palang siya sa loob ng classroom.

                “Aba? Parang iba ata ang kinain niyo ngayon mga students ko ah? Ang babait niyo ata ah?” nakangiting bati niya sa mga students niya. Ngumisi ako, kinakalabit pa ako ng isang babaeng estudyante at may inabot na papel sa akin.

                “Pwede ho ba kitang maging boyfriend?” pangiti-ngiti pa ito habang binabasa ko sa aking isip ang sulat na ibinigay niya sa akin. Kung sana ganito ako noong highschool siguro marami na akong naging kasintahan, pero hindi eh, mahiyain talaga ako. May sinulat ako sa papel bilang sagot ko sa kanya.

                “Kung magiging cumlaude ka, magiging boyfriend mo ako.” Ibinigay ko sa kanya ang papel saka balik ulit ang tingin kay Miss Teacher.

                “Mam may poging bisita po kayo,” bungad pa ng isang babaeng nasa harapan na hindi maiwasan ang kilig noong sinabe niya ang ‘poging’ salita! Tamang-tama lang talaga sa akin ang salitang iyon.

                Nakita kong kumunot ang noo niya, at hindi ko maiwasan matawa kasi takang-taka siya.

                “Wala akong inaasahang bisita, at isa pa? pogi? Wala akong kaibigang pogi!” sagot niya sa estudyante niya.

                “Boyfriend niyo raw po!” sagot nang lahat sa kanya.

                “Sino? Boyfriend ko?” pasigaw pa niyang tanong. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagka-taka!

                “Siya,” sabay silang nagturo sa bandang dulo na kung saan ako nakaupo, doon na ako tumayo at inayos ko pa ang bagong ayos ng buhok ko. Bago kasi ako pumunta school na ito, nag-ayos ako ng buhok ko. At isinuksok ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pantalon na suot ko. Pogi-pogi ang pose ko ng minutong iyon.

                Kitang-kita ko sa mga ni Jasmine ang pagkagulat. Alam kong hindi niya inaasahan ang pagpunta ko ngayon araw na ito. At mas lalong hindi niya inaasahang na mahahanap ko pa siya after noong nangyari sa school na ito at sa mall.

                “Ikaw?” inis na tono na pagduro nito sa akin.

                “Oo ako!” sagot ko sa kanya, saka dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. At noong malapit na ako sa kanya, ay mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa kanya, rinig na rinig ko ang kaba ng kanyang dibdib ng minutong iyon. Kahit na ang pagpilit na hindi niya paghinga, nararamdaman ko rin. Pinagpawisan kaagad siya, at iiniwasan magtama ang mga mata naming dalawa.

                Tinulak niya ako palayo sa kanya. Pero naghiyawan ang mga estudyante niya, dahil sa ginawa niya. “Wow Mam, LQ?” tanong pa ng isa, kinindatan ko siya. Kinilig naman siya, naglumpasay sa kinauupuan niya, yung bata!

                “Magsitigil nga kayo, at ikaw? Umalis ka na dito, inisira mo ang araw ko.” Inis niyang sabi sa akin na may kasama pang panduduro sa mukha ko.

                “Ang sweet mo talaga sa akin Mine,” saka ko hinawakan ang kamay niya pero kaagad niya itong tinabig.

                “May exam kayo ngayon, I’ll be back after 30 minutes.” Sabi pa nito saka niya hinilaang kamay ko.

                “Magde-date lang kami ng Teacher niyo for 30 minutes guys, kaya mag-review na kayo ah!” kaway-kaway ko pang sabi sa kanila, pero mas lalo na akong hinila nitong si Jasmine palabas ng klasroom niya.

Abakada: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon