Epilogue

343 10 0
                                    

Epilogue

Jasmine’s POV

                Pagkalabas na pagkalabas ni Elize, ay doon naman pumasok si Cloud. Nasa likuran niya ang mga magulang ko, kitang kita ko parin ang inis sa mga mata ni Papa ng minutong iyon. Nabasa ko ang senyas ni Mama na okay lang raw sa kanila, saka pumasok sa loob si Cloud. Dahan-dahan niyang sinarado yung pintuan ng kwarto. Kinuha niya ang isang upuan at ipinuwesto ito sa aking harapan.

                “Kumusta ka na Jazz?” yun kaagad ang una niyang tinanong niya sa akin. Hindi pa niya muna inabot yung bulaklak na bitbi niya. Tanga talaga!

                “Baka gusto mo munang ibigay sa akin yang bulaklak na dala mo,” napakamot siya sa ulo niya saka na niya inabot yung bulaklak.

                “Pasensya na, kinakabahan lang ako. Kinakabahan lang ako na baka-ireject mo na naman ako. Pagod na pagod na ang paa ko, pero hindi pa pagod ang puso ko. At sana wag naman sanang umabot pa doon Jasmine. Papasukin mo naman ulit diyan sa puso mo.”

                “Di mo kasi naiintindihan, Mamamatay na ako Cloud. Makakayanan mo parin bang mahalin ang isang tulad ko? Kahit na wala kang assurance kung ilang taon, buwan, araw, o minuto nalang ako na kasama mo sa buhay mo? Ayaw ko. Ayaw ko na Makita kitang sinisisi ang sarili mo, ayaw kong Makita na araw-araw kang nagsisisi. This is to much, maraming salamat sa pagmamahal mo, pero…” tumayo siya at niyakap niya ako ng mahigpit.

                “Please don’t let me go. Okay lang sa akin, promise. Okay lang sa akin kahit anong mangyari, tanggap ko na. tanggap ko na bilang nalang ang mga araw na magiging Masaya tayo. I don’t care. I really don’t care, basta gusto ko lang na makasama ka. Makasama ka sa mga araw mong iyon. Gagawa tayo ng mga masasayang ala-ala Jasmine, please naman. Parang awa mo na.” I can’t believe for the second time na ata? O di ko na mabilang na umiiyak siya sa harapan ko. At sobrang sakit sa damdamin ko na Makita siyang ganyan. Aarte ka pa Jasmine? Mahal na mahal ka ng lalakeng yan. Napakatanga mo kung pakakawalan mo pa siya.

                “Pakasalan mo ako,” sinabe ko sa kanya.

                “Ano?” nagulat siya sa sinabe ko.

                “I said, if you love me. Pakasalan mo ako,” pag-uulit ko pa sa sinabe ko kanina.

                “That’s actually my plan.” Masayang sabi niya sa aking harapan.

                “Then do it, immediately baka kasi….” Tinakpan niya ang bibig ko ng isang matamis na halik na galing sa knayang labi.

                “Hindi ka pa mamamatay okay? Marami pa tayong masasayang ala-ala na bubuuhin. Kasama ng baby natin.”

                “At talagang sinasabe mo na…”

                “Don’t tell me na ayaw mo?” saka siya ngumiti na parang aso.

                “Di ko gusto yang ngiti mo Mr. Cloud James Aragon Trinidad.” Saka ko siya pinandilatan ng mga mata. Muli siyang lumapit at hinalikan ang labi ko.

                “Mahal na mahal kita Jasmine.” Bulong pa niya.

                “I’m sorry sa mga nagawa ko. I’m sorry kung naging gago ako. I’m sorry kung naging selfish ako. I’m so sorry kung natakot ako. Sana patawarin mo ako,”

                “Palagi naman kitang pinapatawad, ako naman. Sorry kung naramdaman mo na hindi na kita mahal. Sorry kung naramdaman mo na hindi kita kayang mahalin kahit na may sakit ka. At di mo naramdaman na kaya kitang ipaglaban, na kaya kitang mahalin ng husto. Patawarin mo rin sana ako Jasmine.” Then he kiss my palm. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Abakada: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon