Chapter 6

228 5 0
                                    

Chapter 6

Jasmine’s POV

                “Gusto ko na ba siya?” nakatitig lang ako kanya. Siya ang nagsabi at nag-utos sa akin nalumapit sa kanya at hindi naman ako nagkamali, madali kaming naging close. Dati pangarap ko lang na makatabi siya, pero ngayon nakakausap ko na siya, I mean ibang level na yung kulitan namin. Nag-aasara at nagmumurahan kami nang harapan pero hindi ako nasasaktan sa mga pinagsasabi niya, madalas na rin niya akong ihatid sa bahay at ang alam ng tao sa bahay pati narin ng mga kapit bahay namin ay boyfriend ko siya. Pero ako? Wala pa kami sa ganung level. Ayan ka na naman jasmine umaasa ka na naman. Gusto mo na naman atang masaktan.

                “Anong gagawin ko?” tanong ko sa kanya, tinalikuran niya ako.

                “Uy, ano ba naman ito eh.” Sinabe niya na kailangan ko raw munang ayusin ang problema ni Cloud, dahil hangga’t hindi pa nakakamove on si Cloud sa kanyang nakaraan, isang malaking problema yun.

                “Anong gagawin ko? Anong dapat kong gawin?” umiling siya at bigla nalang siyang nawala. Buwisit naman ito oh? Kung kailan kailangan ko siya bigla naman siyang nawala. Hays! Napatingin ako sa monitor ng computer ko. Wall paper ko kasi ang mukha ni Cloud, napangiti ako. Ang gwapo talaga niya, ang gwapo talaga niya! Mag-isip, isip ka na Jasmine. It’s now or never! Sabi nang isip ko.

                “Aray!” biglang sumakit ang tiyan ko. Tinawag ko si Nanay at kaagad itong umakyat sa kwarto ko.

                “Ano?” tanong nito sa akin na may pag-aalala, hindi niya alam ang gagawin ko. Napapadalas na ang sakit ng tiyan ko simula noong nakaraang buwan. Hindi pa ako nagpapacheck-up sa doctor kasi, wala naman akong nararamdaman noon, tanga ka ba? Magpapacheck-up ka gayong wala ka naming nararamdamang sakit?

                “Dadalhin na ba kita sa hospital?” muling pag-aalala ni Nanay sa akin. Pero pinilit kong tumayo at sinabe ko nalang sa kanya na.

                “Baka po natatae lang ako, kasi po ilang araw na po akong hindi tumatae,” sagot ko sa kanya. Doon na siya nakahinga saka niya ako mahinang hinampas. Inutusan niya ang kapatid ko na nandoon sa gilid ng salamin na kunin yung gamot na para sa sakit ng tiyan. At pagkalipas lang ng ilang minuto ay nagbalik na siya, dala-dala ang medicine kit. Hindi raw niya kasi alam ang gamot sa sakit ng tiyan kaya dinala nalang niya ang lalagyan ng gamot. Ginulo ko ang buhok niya, uminom ako ng gamot at saka sinabe ni Nanay na magpahinga na raw ako, saka ako huminga sa kama ko at pilit kong ipinikit ang mga mata ko.

                “Mam, mukhang hindi na ata dumadalaw ang prince charming niyo Mam ah?” tanong sa akin ni Charee na estudyante ako at isa sa mga fans namin ni Cloud sa loob ng klase ko. Oo nga, napatingin ako sa may pintuan, doon sa may likod at sa may bintana. Nakikita ko ang imahe niya pero hindi ang totoo siya. Yuck! Namimiss ko ba siya? Nakakadiri ah!

                “Wag mo na pong isipin yun Mam, baka gumagawa lang yung ng surprise para sa iyo.” Dagdag pa ni Charee.

                “Baka naman po, gusto ka na niyang pakasalan,” satsat naman ni Diego.

                “Surpries? Papakasalan? Eh hindi ko naman boyfriend yung mokong na iyon.” Inis kong sagot sa kanila.

                “AT bakit hindi kayo nagsusulat ah? Mamaya may quiz tayo, kukunin ko ang note niyo after 30 minutes, okay?” sagot ko sa kanila saka ako lumabas upang maka-langhap ng hangin. Kaso noong lumabas ako, kakaibang hangin ang nalanghap ko. Or should I say, nakita at naramdaman ko.

Abakada: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon