Chapter 15

192 4 0
                                        

Chapter 15

Cloud’s POV

            Ang sakit lang Makita na yung taong mahal mo ay gusto ka nang isuka. Ni ayaw ka na niyang Makita, o makasama. Naiinis ako sa sarili ko, bakit ba kasi pinatagal ko pa yung panahon na dapat ay hinanap ko siya, dapat hinanap ko yung dahilan kung bakit niya kailangang lumayo sa akin. Nasa tabi ko nga siya ngayon, pero parang wala naman akong magawa, ni mahawakan siya ay hindi ko magawa. Panay ang tingin ko sa kanya, habang siya ay nakatitig lang sa labas ng kotse. Pinagmamasdan ang mga lugar na bawat dinadaanan namin sa aming pagbabalik sa maynila. I decided to bring her back to her parents, alam kong magagalit sa akin ang pamilya niya sa pagkuha ko sa kanya. Alam kong nakakasama sa kanya at masama sa kanya ang magbiyahe ng malayo dahil, sa kalagayan niya. Pero I just can’t help myself, I want to be with her, forever. Pero mukhang hindi na ata mangyayari yun.

            “Gusto mo ba talaga akong lumayo?” mahinang tanong ko sa kanya, lumingon siya sa akin na namumugtong ang mga mata. Tinitigan niya lang ako, hindi siya sumagot. Saka muli siyang bumalik sa pagtitig nito sa labas. Hindi na ako nagnais pang magsalita o magtanong sa kanya, ilang oras pa ang lumipas nakatulog na siya, patago kong pinagmasdan ang mukha niya, naalala ko pa noong una ko palang siyang Makita, natatawa ako sa sarili ko, kasi hindi ko talaga siya gusto. The way she talks, the way she delivery herself, the she walks. Pero lahat ng mga iyon ay biglang nagbago noong nakilala ko siya, yung totoong siya. Nagustuhan ko ang lahat-lahat sa kanya, pati na rin yung pagiging kakaiba niya sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. Nasa harapan na kami ng Makati Med. Gising na siya ng minutong iyon, at hindi parin niya makuhang tignan ang mukha ko. O harapin man lang ako. Hinawakan ko ang kamay niya, pero tinabig niya ito.  

            “Kung yan ang gusto mo, ibibigay ko sa iyo ang kalayaan na gusto mo.” Tinanggal ko ang seatbelt sa pagkakakabit nito sa katawan ko. At saka ko binuksan ang pintuang ng kotse ko at saka ko binuksan naman yung sa kanya at nilalayan ko siyang lumabas. Tinanggal ko ang suot kong jacket ng minutong iyon at inilagay sa balikat niya para hindi siya lamigin. Pero muli na naman niyang tinabig ito. Pinulot ko ang jacket ko, maya-maya nakita kong sinalubong na siya ng pamilya niya. Lumapit sa akin ang Papa niya at sinapak ako nito sa mukha, tumalsik ako sa isang gilid, pinigilan siya ng Nanay ni Jasmine. Tinulungan ako ng mga guard na tumayo ng minutong iyon at inawat narin yung Papa ni Jasmine ng mga guard, pinunasan ko ang tumutulong dugo sa gilid ng pumutok na labi ko. Saka ako muling pumasok sa loob ng kotse. At umuwing luhaan sa bahay.

            “Are you okay?” sinalubong ako ni Jena, nakatapis ng makulay na tela ang paanan niya habang nakaupo sa wheel chair. Kinabahan ako, wag naman sana…

            “Oh? Bakit? Ka umiiyak?” nakangiting tanong niya sa akin. Lumuhod akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. Saka ako tumingin sa mga mata niya, ang saya-saya niya. Nakangiti siya ng minutong iyon. I can’t believe this, paano niya nakukuhang ngumiti sa ganitong sitwasyon? Ganun ba siya katatag?

            “Oo, wala na ang mga paa ko, pero it doesn’t mean na nawala narin ang pag-asa kong mabuhay, buhay pa naman ako Cloud, at pwede mo parin naman akong asarin, awayin, at higit sa lahat kulitin. Pero hindi na nga lang kita mahahabol kapag tinakbuhan mo ako,” bigla akong napayakap sa kanya ng mahigpit. Saka bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. Doon ko nakita sa likuran niya si Sky na may bitbit na prutas. Doon na kumalas sa pagyakap sa girlfriend ng kapatid ko. Pinunasan pa ni Jena ang luha sa aking pisngi, saka niya pinisil ng marahan ang mga ito.

            “Kung nakayanan ko, alam kong makakayanan mo rin.” Sabi pa niya, lumapit na si Sky sa kasintahan niya, saka niya ito hinalikan sa noon.

Abakada: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon