Chapter 13
Cloud’s POV
Jasmine?
Kumunot ang noo ko noong muli kong marinig ang pangalan iyon. Hindi naman ata siya yun, medyo maputi yung babaeng iyon tapos parang mahiyain. Yung kilala kong Jasmine ay hindi mahiyain, pinagpag ko yung damit ako at inayos ko ang sarili ko at hinarap ko na ang pamilya ni Mr. De Leon.
“Mr. Trinidad, this is my lovely daughter, she is Janelle De Leon.” Masaya pang pagpapakilala ni Mr. De Leon sa kanyang mahal na anak. Hindi ko inaasahan na ganito na pala kalala ang sakit ng anak niya, hindi ako sanay na makakita ng mga ganito. Pero hindi ko naman magawa na iwasang tignan ang anak niya, lumapit ako sa anak niya at hinawakan ang kamay nito at saka hinalikan. Nakita kong ngumiti si Janelle sa ginawa ko. Tapos maya-maya ay bigla nalang tumulo ang luha nito sa gilid ng kanyang mga mata. Napatingin ako sa magulang niya at saka ko binitawan ang kamay nito. At tumayo at lumayo sa kanya, doon naman lumapit ang Mommy niya at pawang pinakalma ito. Nasa gilid ko naman si Mr. De Leon at nakita ko rin ang pagpunas nito sa kanyang mga mata. Alam ko na nahihirapan na rin sila sa sitwasyon ng anak nila. Tinapik ko ang balikat ni Mr. De Leon ng minutong iyon para iparamdam sa kanya na magiging maayos din ang lahat.
“Weird ah?” ito ang sagot sa akin ni Sky habang kinikwento ko sa kanya ang nangyari sa akin kanina.
“Anong weirdo doon sa mga kiniwento ko?”
“Yung kay Jasmine,” bigla na naman niya binuksan ang issue tungkol sa babaeng iyon.
“Diba sinabe ko na sa iyo na…”
“Na ano? Naka-move on ka na sa kanya? Edi naka-move on ka na. bakit parang apektado ka parin sa tuwing binabanggit o naririnig mo yung pangalan niya?” bigla na naman sumingit itong si Jena, na bitbit yung mga inihaw nito sa may likod bahay na Barbeque.
“Shut up bitch,” sagot ko sa kanya.
“Cloud,” suway sa akin ni Cloud, I make a face.
“She’s right. Kung nakamove on ka na talaga sa kanya. Tanggap mo na sa sarili mo na kahit ilang beses mong marinig ang boses niya ay wala na sa iyo, diba?”
“Yeah right, gutom na ako. I don’t wanna here her name again, at please wag na kayong mag-insist na pag-usapan siya.”
“Hindi kami ang nag-open ng topic ikaw.” Pag-papaalala niya pa sa akin. God! Okay, ako na naman ang talo sa kanilang dalawa.
Jasmine’s POV
Tik tok tik tok
Nakapikit ako noong pinapakinggan ko ang tunog ng orasan. Bawat galaw ng kamay nito ay parang pag-usad ng buhay ng isang tao.
Ano nang susunod na gagawin ko? Tatlong buwan na ang nakakalipas pero wala parin akong plano sa buhay ko. Oo nag-take na ako ng Chemotheraphy test sa unang pagkakataon. Pero ano nang susunod doon? Lagi nalang bang ganun? Lagi nalang ba akong kukuha ng test at aatayin ko nalang bang maubos ang strands ng buhok ko? Gaya ng unti-unting pagkaubos ng oras na pananatili ko sa mundong ito?
Hanggang sa pumasok sa isipan ko ang mukha ni Cloud. Hindi ko man siya nakita kanina pero, yung boses niya. Hindi parin makapakali ang kidney ko sa tuwing naririnig nito ang boses niya. At nagmulfuntion ang utak ko kaya ako nadapa noong marinig ko palang ang pangalan nito. Ganun kalakas ng apekto nito sa katawan ko, sa buhay ko. Nauubusan na ako nang sasabihin, pero hindi ko parin ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Abakada: I Love You
Short StoryAbakada: I love you. Mahal kita, kaso nakakapagod na.