Kabanata 30 - Birthday Special 1

6.7K 149 3
                                    

History Regain and Secret Keeps

CRISZETTE

Sa pagmulat ng mata tumama sakin ang liwanag na nagmumula sa bintana ng kwartong ito.

Maligayang Kaarawan Criszette!

Nakangiti akong bumangon at humarap sa salamin. Napangiti ng mapait. Ito ang kauna-unahang pagdiriwang ng aking kaarawan na wala ang aking Ina. Maging si Kuya Christian. Tanging sarili ko lang kasama ko.

Pinagmasdan ko ang kulot na dulo ng aking Violet na buhok.

"Criszette ngayong mag-isa ka nalang kailangan mo maging matatag. Maligayang kaarawan." sabi ko tsaka umalis sa harap ng salamin at lumabas ng kwarto ko nakita ko si Stacey na animo'y abala at di maiistorbo ng kahit sino.

Parang di niya nga napansin na dumating ako at umupo sa harap niya.

Stacey?

Nalungkot ako ng tila di niya naalala ang kaarawan ko.

Siguro nga nakalimutan na nila lahat.

Malungkot akong tumayo at nilisan ang kwarto at dumeretso sa garden at nagmuni-muni.

"Maligayang Kaarawan Criszette tumatanda ka na. At ngayo'y kailangan mo maging matapang at malakas." sabi ko tsaka pinagmasdan ang mga ulap at liwanag na nagmumula sa kalangitan.

Pagkatapos ay tumayo ako at tumungo sa klase.

"Akin ngayong ituturo ang limang brilyante na meron dito sa Four A's batid kong alam niyo na ang apat na Four A's kaya gusto ko ipakilala sa inyo ang lima na brilyante. Ang una ay ang brilyante ng Amiandre ang brilyante ng puno at halaman ay hawak ng Amiandre." nakangiting sabi ng Prof.

Amiandre? Yun yung sinabi sakin ni Keiron nung isang araw ata.

"Ang sumunod naman ay ang brilyanteng hawak ng Aegisfling ang brilyante ng apoy at paghihinagpis."

Aegisfling?

"Ang sumunod naman ay ang brilyanteng hawak ng Amians ang brilyante ng hangin at kasiyahan. Dahil ang mga Amians ay lubos na masiyahin kaya di sila sinasakop ng Zaynadarks dahil di nila matalo ang taglay na lakas ng kasiyahan."

So ganun kalakas ang kaharian na yun? Amians uhm.

"At syempre di papahuli ang kaharian ng Ainabridge sa pagkakaalam ko ay di ito hawak ng reyna dahil iniwan ito sa kanyang anak na matagal ng itinatago ng kanyang ina dahil wala kahit sino mang nakakaalam kung nasaan ang prinsesa. At ang brilyanteng ito'y kanyang lang mapapalabas sa pagtungtong niya ng edad na disiotso sa ganap na alas-dose ng gabi sa kanyang kaarawan." sabi niya samin.

Napaisip ako.

Eto ba yung sinasabi sakin ng mga taong nakakasalamuha ko sa panaginip na prinsesa.

Ang Prinsesa Jewel.

"Ngunit bakit may ikalima kung apat lamang ang kaharian." tanong ni Coleen kay Prof.

"Ang ikalimang brilyante ay hawak din ng Ainabridge kaya ganun nalang ang kagustuhan ng Zaynadarks na kunin ito. Ang dalawang brilyanteng hawak ng Ainabridge ay ang brilyante ng lupa at kabutihan at ang isa pang brilyante ay ang brilyante ng tubig at katuwiran."

"Kung ganun na kanino ang isa pang brilyante." tanong ni Joshua.

"Ang isa ay nasa bunsong anak ng Reyna na wala din nakakaalam kung anong wangis at itsura nito dahil inilayo din siya sa kaharian ng kanyang ina dahil batid niyang ito'y hahanapin ni Israel ang hari ng Zaynadarks."

The Cold Princess of Ainabridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon