STACEY
Ilang araw na siyang tulog dahil labis siyang nanghina nung lumabas ang brilyante sa kanya.
Hanggang ngayon ay bakas pa ding ang pamumutla ng buo niyang katawan.
"Bat kailangan humantong ka sa ganito bestfriend." umiiyak na sambit ko habang hawak-hawak ang kamay niya.
"Pumasok tayo na maayos dito pero bakit kailangan mong maranasan ang ganto.First day pa lang laman ka na ng clinic.Tapos sumabak ka pa sa mga training na ikaw lang gumagawa.Madalas ka pang magmukmok sa kwarto mo sa pangungulila mo sa presensya ng kuya mo.Criszette tama bang pumasok tayo dito." humahagulhol na sambit ko.
"Uy bumangon ka na diyan. Madami pa tayong kalokohang gagawin.Diba sabi mo noon pupunta tayo sa mundo ng mga tao para bisitahin mga magulang ko."
Di ko napigilan ko ang sarili ko at sunod-sunod na nagbagsakan mga luha ko.
"Di ko na kasi alam gagawin ko Criszette.Ayokong nakikita ka na nasa gantong kalagayan.Ayoko ng ganto Criszette.Para unti-unti akong dinudurog na nakikitang nanghihina ka."
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.
"Alam mo ba Criszette alam ko na ang mafi ko dahil sa mga training na ginagawa namin.Kaya bumangon ka na diyan at magyayabang pa ko sayo." natatawang sambit ko sakanya.
"Magyayabangan pa tayo diba." sabi ko tsaka marahang tumawa.
Maya-maya pa'y sumulpot si Serena sa tabi ko maging si Coleen.
"Stacey." rinig kong tawag ni Serena sakin.
"Bakit kayo nandito?Para ano para pilitin akong kumain at matulog.Kaya pwede bang umalis na kayo.Di ko iiwan si Criszette dito." singhal ko sa kanila.Actually ilang araw na nila kong kinukulit na umuwi muna sa dorm para kumain at matulog.
"Stacey. Nakikiusap kami sayo." nagmamakaawang sabi ni Coleen.
"Hindi.Hindi ko iiwan si Criszette dito." sabi ko sakanila.
"Stacey di lang ikaw ang nag-alala sakanya kami din pati Kuya niya. Pero Stacey may iba ka pang dapat gawin. Di mo kailangang ihinto ang mundo mo kasi alam nating gigising din si Criszette nanghina lang talaga katawan niya." sabi ni Serena.
"Diba ikaw healer ka bakit di mo pagalingin si Criszette. Bakit di mo gamitin sakanya diba?" singhal ko kay Coleen kaya napatungo lang siya.
"Stacey huminahon ka." pigil ni Serena sakin.
"Sabihin mo nga sakin Serena kung paano ako hihinahon habang nakikita ko ang bestfriend/sister ko na nahihirapan at namumutla sige paano ako hihinahon.Isa-isahin mo ngayon sa harap ko."
Pareho silang natahimik.
"Mula pagkabata magkasama na kami ni Criszette.At halos lahat sabay naming nalagpasan.Dahil di ko kakayanin pag nawala si Criszette dahil siya nalang ang isang tao na handang isakripisyo ang buhay para sa iba.Si Criszette yun wala siyang ginawa kundi protektahan ako.Ayaw na ayaw niya akong nang-aaway gusto niya siya lang makikipag-away.Alam kong di niyo ko maiintindihan dahil wala kayo sa posisyon ko. Kaya nakikiusap ako iwan niyo na ko. Pasensya na." sabi ko tsaka umiyak ulit.
Bagsak ang balikat na umalis sila at iniwan ako.
Pasensya na!
Napahugot ako ng malalim na hininga. At muling sinulyapan si Criszette.
Mga ilang minuto lang ang nakaraan ng makarinig ako ng pagsabog.
Cedusa!
Mukhang natunugan na ng mga Zaynadarks ang nangyari nung nakaarang araw.
BINABASA MO ANG
The Cold Princess of Ainabridge Academy
Fantasía(Completed) Book 1 of TCPAA: Most Impressive Ranking #3 Fantasy Genre As she steps into the academy, a wave of unfamiliarity engulfs her. "Why am I here? Are they insane?" she ponders. Though she feels she belongs elsewhere, she complies reluctantl...