Normsantadia
MIGUEL
"Nasaan na kaya ang prinsesa ang itinakda?" rinig ko sabi ni Andrei.
Kaya napalingon ako. Yes matagal na namin hinahanap ang itinakda at hanggang ngayon wala pa rin nakakita sakanya. Maging ang Reyna Jasmine ay ayaw sabihin samin kung nasaan ang nawawalang prinsesa ng Ainabridge.
Base sa kwento ng mga magulang ko noon daw ay nakatanggap ng banta ang reyna kaya napilitan siyang ilayo ang prinsesa dahil ayaw niya itong mapahamak ngunit sa susunod na buwan ay tutungtong na ito sa wastong gulang.
Makikita mo na sakanya ang mga kakaibang lakas na minana niya sa kanyang Ina at Ama.
Tsk nasaang lupalop ba yun?
"Di matatahimik ang academy na ito hangga't di nagbabalik ang prinsesa." sambit naman ni Joshua.
Nandito kami ngayon sa Dorm ko. Oo dorm ko nakikitambay na naman yang tatlo na yan sa dorm ko. Napatingin ako kay Keiron na tulala at mukhang malalim ang iniisip.
"Ikaw Kei sa palagay mo nasaan ang prinsesa." tanong ni Andrei sakanya kaya sinamaan siya ng tingin ni Keiron napakasungit talaga nito.
"Malay ko wala akong pake sa tulad niya." sabi ni Keiron tsaka tumayo at lumabas ng dorm ko. Napakasungit.
"Ano problema nun?" natatawang tanong ni Joshua.
"Baka meron kaya nagkakaganyan." natatawang sambit ko tsaka humagalpak kami lahat.
"Maiba tayo Miguel totoo bang nililigawan mo si Catana." napakunot ang noo ko sa tanong ni Andrei.
Ligaw? Catana?
Who was the hell say that.
"Fake news." tanging sagot ko. Diko gusto yun nun not on everyone dreams diko type ugali nun. Napakamaldita kaya pano ko liligawan yun sino naman abnormal nagpakalat nun?
"Naloko na sino nagpakalat nun? Galing naman buti pa sa chismis may kasintahan ka HAHAHAHHA." seryosong tanong ni Joshua.
Napakuyom ang kamao ko dahil naiinis ako. Wag kang magpapakita sakin bilang na mga araw mo kung sino ka man.
"Gago ka!" inis na sambit ko sakanya at medyo natawa din ako sa naging itsura nung binato ko siya unan na nadampot ko.
"Pinsan naman, malapit ko na isiping bading ka eh. Aba wala akong nababalitaang nililigawan mo ah." natatawang sagot ni Joshua sakin.
"Sa gwapo kong to, iisipin mo talaga akong bading? Wag mo ko gaya sayo na napakababaero. Itigil mo na yan please lang, kung ayaw mong masermunan ni Jinri alam mo naman yung kapatid mo batas." natatawang sagot ko sakanya. Kaya natawa din siya at napailing.
Nagpatuloy lang kami sa pag-aasaran pero di mawala sa isip ko yung sinabi niya kanina. Lagot talaga sakin yung babaeng yun.
CRISZETTE
Nagpapalit-palit lang ako ng tingin kay Stacey at Kuya na ngayon ay nagbabangayan sa harap ko. Nakadekwatro ako sa sofa namin sa sala habang yung dalawa panay sigawan sa mismong harap ko nakatayo sila kaya natatabunan nila ang TV. Paano ako makakapanood nito?
"Ursula ano ba? Anong pumasok sa kukote mo at naisipan mong magluto ng kare-kare na pwedeng ikamatay namin." gigil na sigaw ni Stacey at nanlalaki pa ang mata.
"Stop calling me 'Ursula' that's not my name for the pete sake malay koba sa pagluluto eh sa wala si Manang kaya ako nagluto kasi panay reklamo ka na nabitin ang pagkain mo kanina." naiinis na sagot ni Kuya na tumakbo sa kabilang side.
Para silang tanga na naghahabulan sa harap ko.
Damn nakaharang sila sa tv magsisimula na yung pelikula na inaabangan ko.
"Eh sa kasalanan mo naman talaga." mataray na sagot ni Stacey.
5
"What the fuck? At talaga sinisi mo nga sakin." sobrang frustrated na sigaw ni Kuya at napasabunot na sa buhok.
4
"Oo bakit may iba pa bang nagtext sakin kanina." inis na tanong naman ni Stacey at nagtaas ng kilay.
3
"Eh sa walang cellphone si Zette kaya ikaw ang naisipan kong itext." tiim-bagang at pagrarason na sigaw ni Kuya.
Sige ipagpatuloy niyo lang.
2
"Kasalanan mo pa din kung bakit nagutom ako." nakabusangot na sigaw ni Stacey.
Di talaga kayo titigil ha!
1
Magsasalita na sana si Kuya ng ibinagsak ko ang remote. Nagsisimula na kasi yung inaabangan kong palabas.
Kaya napalingon sila sakin pareha na parehong nakakunot ang noo.
"Tinitingin-tingin niyo diyan. Umalis kayo diyan nanonood ako." wala pa ding emosyon sa sambit ko tsaka sumandal sa sofa at nagcross-arm.
Halos parehang di makapagsalita ang dalawa.
"Umalis sabi kayo eh nagsisimula na yung palabas. Nakaharang kaya kayo." sabi ko kaya pareha silang napaalis sa harapan ko.
Kung di pako magsalita at magdabog di pa sila makakaramdam.
"Ano ba kasi yung sasabihin mo 'Kuya' at pinauwi mo pa kami." talagang may diin ang kuya kasi wala lang trip ko lang.
Di bagay sakin maginarte duh!
"Oo nga pala eto kasing si Stacey galit na galit mula pagdating kanina kaya nakalimutan kona yung dapat kong sabihin." nagkakamot sa ulo na sabi ni Kuya.
"Tsk." rinig kong bulong ni Stacey.
Di nalang eto pinansin ni Kuya tsaka ipinagpatuloy at tumabi sakin sa upuan ganun ginawa ni Stacey bale ang pwesto nasa gitna ako.
"Spill it, Kuya I want to rest myself." boring na sambit ko habang nanonood padin at tutok sa TV.
"Hmm. Mommy decide na magtransfer tayo sa Ainabridge Academy dahil dun tayo nararapat." sabay kaming napatingin kay Kuya ni Stacey.
Ainabridge Academy? What the hell is that?
"Bakit naman tayo magtatransfer dun ayos naman school natin dito ah." nagtatakang sambit ko at tinaasan ng kilay si Kuya.
"Teka bat kasama ako?" nagtatakang tanong ni Stacey. Maging ako ay nagtaka rin. Oo nga noh bat damay si Stacey.
"Malalaman niyo rin sa tamang panahon sa ngayon ihanda niyo muna sarili niyo at magimpake na kayo dahil may dorm dun at magiistay tayo dun." sabi ni Kuya tsaka tumayo.
"Oh saan ka pupunta?" tanong ni Stacey sakanya.
"Magpapaorder ng pagkain for lunch tapos magaayos ng gamit kasi bukas na bukas bago pumatak ang liwanag aalis na tayo." sagot ni Kuya.
"Teka alam ba nila Mommy to." pahabol na tanong ni Stacey.
"Yes. Eto na kasi ang tamang panahon para bumalik tayo sa lugar kung saan tayo nararapat." nakangiting sambit ni Kuya tsaka umalis na.
Anong ningiti-ngiti nun? Para siyang tanga. Well matagal na naman talaga.
Di na ako magkapagsalita dahil di pa nagsink-in sakin lahat. Lalo na ang kung anong klaseng Academy yun at bakit kami doon nararapat?
"Uni..este Criszette sa tingin mo ano kayang meron sa school na yun." nagtataka at halos mahina na bulong ni Stacey sa tabi ko.
Di ako makasagot. Nawala na lahat ng senses ko all I know was naglalabo ang paningin ko.
And everything became black and blur. And lost my conciousness.
"Z-zette?"
BINABASA MO ANG
The Cold Princess of Ainabridge Academy
Fantasía(Completed) Book 1 of TCPAA: Most Impressive Ranking #3 Fantasy Genre As she steps into the academy, a wave of unfamiliarity engulfs her. "Why am I here? Are they insane?" she ponders. Though she feels she belongs elsewhere, she complies reluctantl...