Kabanata 21

6.8K 160 1
                                    

KEIRON

Mukhang nakatulog na siya kaya tinanggal ko siya sa pagkakabaon ng mukha niya sa balikat ko. At binuhat siya pahiga sa kama niya.

First time ko siya nakitang umiyak?

Di ko din alam kung paano ko nalaman na malungkot siya ang tanging alam ko lang narinig ko siyang umiiyak gamit ang telepathy.

Nakalimutan niya ata isarado ang telepathy niya kaya narinig ko ang iyak kaya mabilis pa sa flash akong pumunta sa kwarto niya at ayun nga umiiyak siya.

Di ko din alam kung bakit bigla ko siya niyakap at sinabi ang kung ano-ano sa kanya kanina ang tanging alam ko lang ng mga oras na yun kailangan ni Criszette ng karamay.

Ng maihiga ko siya sa kama niya nakita ko ang cellphone niya sa higaan niya.

Oo naman alam ko ang cellphone noh minsan na kong pumunta sa Mortal World pero si Serena di pa nakakatungtong yun sa Mundo ng mga Mortal.

Kinuha ko ito ang nakitang may nilalaro siya. Tsk weak!

Grandmaster na ko dito eh.

At oo alam ko tong laro na to. Kaya kami pumunta ng Mortal World nun ay para bisitahin ang pinsan kong doon nakatira kasi mas pinili nila tita doon na tumira.

And that time nilalaro niya to kaya nakilaro ako at tsaka pinahiram niya ko ng ipad niya at dahil sa sobrang bait ng pinsan ko pinadala niya sakin ang ipad dito sa immortal world and don't get me wrong huh! Di pa nakikita ni Serena yung ipad na yun kasi minsan ko lang gamitin.

Pero kahit minsan ko lang magamit nakakapaglaro parin ako ng Mobile Legends at ayun Grandmaster na ko.

Iniwan ko na siya sa kwarto at yung cellphone niya nilagay ko sa ibabaw ng side table niya. Maya-maya lang nagdatingan lahat sila. Oo andami nila.

"Oh Keiron ano ginagawa mo dito?" bungad na tanong ni Stacey.

"Kayo ha! May hindi ba kami alam sa inyo ni Criszette?" pang-aasar naman ni Joshua.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Kaya ayun tumigil siya.

"At dahil nandito na rin naman kayo may mahalaga akong sasabihin." seryosong sabi ko sa kanila.

"Ano naman yun?" sabay-sabay na tanong nila.

"Sabing wag kayong maingay tulog si Criszette." sabi ko tsaka sinamaan sila ng tingin isa-isa maliban syempre kay Andrei at Jarret kalahi ko yan eh. Tumango naman sila bilang pagsang-ayon. Kaya nagpatuloy ako.

"Gusto ko tulungan niyo ko sa paghahanda ng birthday ni Criszette we will make it special." sabi ko kaya halos manlaki mata nila.

"Teka ikaw ba talaga yan Kuya." nagtatakang tanong ni Serena. Kaya sinamaan ko lang din siya ng tingin.

"At tsaka eto pa gusto kong hanapin niyo si Christian." sabi ko tsaka walang emosyon na tumingin sa pinto ng kwarto ni Criszette baka kasi biglang magising mabulyaso pa yung plano.

"Ako na bahala sa Ursula na yun." sabi ni Stacey habang nakasandal kay Jameson ang gilid ng ulo sa gilid ng balikat ni Jameson.

Sakit nila sa mata grabe.

"So dahil diyan all set. Ilang araw nalang natitira so sana makipagcooperate kayo lahat." sabi ko tsaka iniwan na sila.

I'll make that day very special, Criszette. I will make sure that day will be one of your unforgettable day in your life.

COLEEN

Paanong? Si Keiron ba talaga yun.

"Tengene si Kei ba talaga yun." gulat na tanong ni Joshua.

"At paano niya nalaman na malapit na birthday ni Criszette?" tanong naman ni Stacey. Oo nga noh eh kami palang naman ni Serena ang sinabihan niya.

"At anong ginagawa nun dito." seryosong tanong ni Miguel. Napansin ko na din ang pagiging tahimik nito mula ng dumating si Jarret.

"Dami niyong tanong. Mabuti pa at magsi-uwi na tayo inaantok na ko eh." biglang sabat ni Andrei aba sa wakas naisipan mo ding magsalita.

Walang sali-salitang umalis si Andrei pero bago siya tuluyang makaalis humarap siya ulit samin.

"Serena let's go. Ihahatid pa kita sa dorm mo." yaya niya kay Serena kaya walang nagawa si Serena kundi sumunod.

"Sige na guys see you all tomorrow." paalam ni Serena tsaka ngumiti samin.

"Serena dalian mo." maawtoridad na sigaw ni Andrei na mula sa labas.

"Eto na wait lang." sigaw pabalik ni Serena pero ngiting-ngiti ang gaga.

Kaya kami nalang naiwan dito. Si Stacey,Jameson,Jarret,Miguel at Joshua.

"Ah guys alis na din ako." paalam naman ni Joshua tsaka dali-daling umalis. At dahil uwing-uwi na din ako at gusto ko na matulog nagdesisyon na kong umalis.

Buti nalang di sumunod si Jarret sakin habang naglalakad sa hallway naramdaman kong may sumusunod sakin noong una hinayaan ko pero habang tumatagal nakakaramdam ako ng takot.

"Kung sino ka man please lubayan mo ko." sigaw ko sa kawalan.

Nagulat ako ng biglang nasa harap ko na si Jarret.

"What the hell?" sigaw ko dahil sa gulat.

"Tsk. Ingat ka alam ko namang ayaw mo magpahatid eh. Goodnight." sabi niya tsaka biglang nawala sa harap ko.

Tsk he use his mafi again.

Nagsimula na ulit ako maglakad bakit ba kasi ang layo ng dorm ko dito nakakainis. Nagulat ulit ako dahil may sumulpot na naman.

Miguel?

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Shit bakit nagkakaganto ako pagnasa harap ko siya.

"Di ka man lang ba magugulat?" ang sungit naman nito. Aba malay ko ba kung bakit di ako nagulat?

"Tsk paano ba magulat? Nakalimutan ko kasi." bored na sabi ko sakanya.

"Ano ba naman yan? Coleen kahit man lang magulat di mo alam." halos ipagdiinan niya pa ang pagbanggit sa pangalan ko. Di ko alam kung bakit biglang nagwala ang buong sistema ko.

"Ano bang problema mo at gusto-gusto mong magulat ako." mataray na sabi ko sakanya.

"Tsk. Manhid." bulong niya tsaka bigla ng nawala sa paningin ko.

Di man lang nagpaalam. At ako manhid baka gusto niyang sapakin ko siya. Patay ka bukas saking Miguel ka makikita mo hinahanap mo.

Nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad ng biglang may nagtakip ng panyo sa bibig ko.

"The hell was waiting for you Coleen." huling beses na narinig ko hanggang sa mawalan ako ng malay.

Miguel?

Huling taong pumasok sa isip ko at tsaka ipinikit ang mata.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon