Kabanata 5

11.3K 302 6
                                    

MIGUEL

Lahat sila nagkakagulo ang council maging ang mga headmasters. Kaya nagkatinginan kaming apat kalalabas lang kasi namin sa dorm ko yes doon natulog ang mga hinayupak.

"Ano merong at di magkagahol yung mga tao dito?" nakakunot na noo na tanong ni Joshua.

"Malay ko ba pre. Pare-pareha lang naman tayong kalalabas lang ng dorm." sagot naman ni Andrei kaya nagpantig tenga ni Joshua sa sagot ni Andrei at sinamaan eto ng tingin.

Ayan na naman sila magbabangayan na naman.

"Ang ingay niyo!" bored na sabat ni Keiron. Ang sungit masyado, daig pa may buwanang daloy eh.

Kahit kailan talaga to si Keiron eh.

"Teka magtatanong ako sa mga estudyante." presinta ko sakanila bago pa mauwi sa away sina Andrei at Joshua at tsaka naglakad at naghanap ng estudyante.

"Ah hi? Miss." nahihiyang sambit ko sa isang estudyante na tila naiiba siya sa lahat at di siya katulad ng iba na napakaiingay pag nadaan kami.

Bahagyang nagulat pa siya sa paglapit ko.

"Wah kinausap ako ni Sandiwu Miguel!" pulang-pula na bulong niya pero narinig ko pa din at tsaka ko nakita ang para ng kamatis sa pula na pisngi niya.

"Hmm.. alam mo ba kung anong meron at ang gulo ng Academy ngayon?" tanong ko sakanya tsaka siya ningitian.

"Ah kasi Sandiwu Miguel may darating daw, walang nakakaalam kung sino eh. Pinaghanda lang lahat ng estudyante kasi any minutes from now darating sila." sagot niya tsaka medyo nawala na pula ng pisngi.

"Thank youu Miss. Btw what's your name?" nakangiting sambit ko. Ewan ko ba pero nagagandahan ako sakanya eh. Di kasi siya yung tipo na sobrang malingkis samin okay na siya dun sa patili-tili lang noon ko pa siya napapansin ngayon lang ako nagkachance na makausap siya.

"A-ah ako si Coleen Tanfelix, Sandiwu Miguel." namumulang sagot niya kaya natawa ako sa sobrang pula niya.

Ganto ba epekto ng mga fangirl ko dito sakin. Aware naman ako na marami talagang babae ang kinikilig samin at humahanga at ang iba pa nga'y nagtitili pag nadaan kami.

"Erase the Sandiwu just call me Miguel okay? Nice to meet you Coleen." nakangiting sambit ko tsaka pininch ang ilong niya.

Ang ganda kasi talaga niya kasi kahit sino maattract sakanya.

Her cute braid hair na nahaluan ng medyo brownish pero karamihan ay black. Her brownish eyes wala akong magawa kundi titigan siya. Nakakaattract siya grabe.

"Ah Sa..este Miguel alis na ko ha may klase pa kasi ako eh. Nice to meet you too." sabi niya tsaka tumalikod na.

Bago siya tumalikod ay nagsalita ako kaya napatigil siya.

"Sana magkita ulit tayo sana di pa to ang huli Coleen." nakangiting sambit ko kaya napalingon sakin at tsaka ngumiti. Grabeng ngiti yun nakakainlove naman. At tsaka tuluyang tumalikod at umalis.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Di ko alam na interesado ka pala sa mga fangirl mo." biglang sulpot ng pamilyar na boses at dahil dun ay umakyat lahat ng dugo ko sa katawan ng marinig ko ang boses ni Catana the girl na pinakaayoko sa lahat ng babae dito sa Academy, sobrang off kasi ng ugali niya.

"Just leave Catana I don't need your f*ckin opinion for pete sake and don't talk to me. Alam kong ikaw ang nagpakalat na nanliligaw ako sayo. Ganyan ka na ba kadesperada to caught my attention, well you f*ckin failed because I don't like you and I will never like you." inis na sambit ko sakanya napansin ko ang pag nganga niya at nawala ang ngiti niya at napansin ko ang pagshift ng ngiti niya sa lungkot niya.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon