Kabanata 56

3.7K 105 1
                                    

ANDREA

'Anak magiingat, kayo ng kuya mo ha.'

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa mga boses na naririnig ko. Di ko alam kung ano yun? Pero isa lang ang alam ko. Parte ito ng pagkatao ko.

'Kuya iligtas mo na sarili mo nakikiusap ako sayo. Kailangan mong mabuhay kuya.'

Nararamdaman ko ang sakit na bumabalot sa ulo ko ngayon.

"Ayos kalang ba Andrea." nakayakap na sambit ni Stacey sakin.

"Argh." usal ko habang hinihimas ang ulo ko.

'D-drei pakiusap umalis kana.'

"Bakit andaming pumapasok na imahe saking isip pero lahat ay malabo." umiiyak na sambit ko.

"Drei umalis na kayo ng kakambal mo." sigaw ni Ama samin.

"Pero Ama paano kayo?" tanong ng Kuya ko habang hawak ako sa kamay.

"Drei wag mo na ko isipin matanda na ko. Kayo ang iniisip ko Drei kaya nakikiusap kong sumunod ka nalang sa sinasabi ko." umiiyak na ani ni Ama.

"Ama! Kuya!" naiiyak na sambit ko dahil sa di malinaw na imahe nila sa isip ko. "Bakit ganun? Bakit di ko kayo makita." umiiyak na dagdag ko habang patuloy naman si Stacey para patahanin ako.

"Sino ba ang tinutukoy mo Andrea." nag-aalalang tanong ni Coleen.

"Di ko sila maaninag.Bakit ganto?" sambit ko at napasabunot na sa sarili.
"Sino ba sila sa buhay ko? Sino si Ama at Kuya ko." umiiyak na sambit ko."Sino ang kakambal ko?"

"Kakambal? May kakambal ka." biglang tanong ni Keiron.

"Oo may kakambal ako. Pero di ko makita ng malinaw ang imahe niya." ani ko.

Ng biglang..

"Gising ka na pala." biglang sulpot ni Headmistress Grace.

"Ikaw?" naguguluhang turo ko sakanya.

"Ako?" nagtatakang turo niya sa sarili.

"Ikaw ang Ina ko diba? Ikaw yung nagpakita at malinaw na imahe saking isip." umiiyak na sambit ko.

"A-andrea." naluluhang usal niya. "Di ko akalaing buhay ka pa. Antagal ka naming hinanap ng kakambal mo. Halos isumpa kami ng kakambal mo dahil di ka namin natagpuan." umiiyak na sambit ni Headmistress Grace sakin.

Siya nga ang Ina ko.

"Paano ka nakasigurado na siya nga ang Ina mo Andrea." tanong ni Stacey sakin.

"Dahil kahit madaming alaala man ang nawala. Tanging puso at pagmamahal ang maglalapit sa mga pusong naghahanap at kalingang inaasam ay muling makakamtam." malungkot na paliwanag ko sakanila.

"Ang iyong mga binigkas ay pawang sa isang tao ko lang minsan narinig." biglang sulpot ni Prof. Mika. Umiiyak na sambit ni Prof. Mika.

Ng biglang may magflashback saking isip na scenario. Kaya agad akong napahawak sa ulo ko.

"Ina paano po kung yung isang tao nakalimutan niya ang pinagmulan niya o di kaya may nag-alis sakanya nito." tanong ng isang dalaga.

Tahimik na nakikinig ang dalawang batang paslit. Dahil gusto rin nila malaman.

"Palagi niyong tatandaan." sagot nung babae na tinawag na Ina kanina ng dalaga. "Madami mang alaala ang nawala o di kaya ay sinadyang tanggalin. Tanging puso at pagmamahal ang maglalapit sa mga pusong naghahanap at ang kalingang inaasam ay muling makakamtam." nakangiting dagdag ng babae na tinawag na Ina tsaka lumapit sa mga anak para isa-isang yakapin.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon