CRISZETTE
Nakangiti akong bumalik sa dorm ko matapos ihatid si Andrea sa Guest Dorm na meron dito sa campus at sinigurado kong di na siya muling makukuha ni Israel.
Pagpasok ko sa dorm ko unang bumungad sakin ang litrato namin ni Stacey.
Ilang linggo na ang nakaraan bes. Kamusta kana?
Umupo ako sa sofa na meron sa dorm na to. At dinukot sa bulsa ang cellphone. Napatingin ako sa date ng cellphone. Nagulat ako ng mabasa ko na December 23 na sa mundo ng mga tao.
Magpapasko na pala. Kamusta na kaya si Stacey? Agad akong nalungkot dahil ito ang kauna-unahang pasko na di ko siya kasama. Maging si Kuya ay ilang araw ko ng di nakikita.
"Gusto gusto mo talagang nag-iisa noh." biglang sulpot ni Keiron sa mismong harap ko.
Di ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagmumuni-muni.
"Anong ginagawa mo dito." wala sa mood na tanong ko."Pwede bang umalis kanalang gusto ko mapag-isa." naiinis na sabi ko.
"Inaaraw-araw mo naman ata yan." sarkastikong tanong niya.
"Ano bang pakialam mo?" singhal ko sakanya
"Criszette di mo kailangan gawin to dahil nandito kaming mga kaibigan mo."
"At kailan pa kita naging kaibigan."
"What? I mean sina Coleen at Serena."
"Yun naman pala eh ikaw ba sila?"
Di ko maiwasang ang pagiging sarkastiko dahil naiinis na talaga ko sa presensya niya.
"Criszette wag mo ibahin ang usapan masyado mong nilalayo eh." frustrated na singhal niya.
"Bakit nilalayo koba?"
"Ay hindi nilalapit mo kaya nga napansin ko diba." badtrip na talagang sabi niya.
Bakit ba naiinis to? Ano bang ginawa ko dito? Aba nanahimik ako dito eh.
"Oh ayun naman pala eh. Isa lang ang ibig sabihin nun ayaw kitang kausap kaya umalis kana kung ayaw mo maging hayop ng wala sa oras." galit na talaga na singhal ko ata napatayo pa sa upuan.
"Paano kung ayaw ko di ako natatakot sayo."
Ang tigas talaga ng ulo tsk.
"Pwede bang iwan mo muna ako Keiron gusto kong mapag-isa."
"Kaya ako pumunta dito dahil hinahanap ka ni Andrea." agad naman ako napatayo sa upuan pagkarinig ko ng Andrea.
Takte andami-dami kasing sinasabi di nalang ako diniretso kaasiwa tong gunggong na to.
"Bakit ngayon mo lang sinabi takte nakipagtalo pa ko sayong bwisit." nanggigil na sabi ko.
"Paano kasi inuunahan mo ko." bored na sagot niya.
"Paanong inuunahan kita. Ikaw tong andami-dami pang sinasabi. Bwisit ka talaga sa buhay ko." iritado na talagang singhal ko sakanya.
"Ang init ng ulo mo." nakangising sabi niya sakin.
"Matagal ng mainit ang ulo ko sayo Mr. Amoratta kaya wag mo kong susubukan baka matusta ka ng wala sa oras."
"Inuulit ko di ako natatakot sayo." nakangising sabi niya tsaka naglakad papalapit sakin.
Biglang nagflashback sa utak ko yung birthday ko yung gantong eksena din.
Flashback
Maya-maya pa'y umalis na siya at biglang sumulpot naman si Keiron sa harap ko at nakatitig sakin.
BINABASA MO ANG
The Cold Princess of Ainabridge Academy
Fantasy(Completed) Book 1 of TCPAA: Most Impressive Ranking #3 Fantasy Genre As she steps into the academy, a wave of unfamiliarity engulfs her. "Why am I here? Are they insane?" she ponders. Though she feels she belongs elsewhere, she complies reluctantl...