CRISZETTE
"Wtf? What is the meaning of this?" tili ng babae na batid kong si Andrea yun. Holy shit! Di ko na kaya to. At ayan na naman ang nagkakarerahang tibok ng puso ko.
Di tama to shit.
Sabay kaming napalingon ni Keiron sa pinto at tama nga ako ng hinala si Andrea nga yun at kasama niya ang iba pa.
Oo as in lahat sila at lahat ay gulat ang mga mata sa nakikitang posisyon namin ni Keiron. Wala kahit isang nakapagsalita maging ako ay natahimik. Dahil sa hiya.
Kaya agad kong tinulak si Keiron na nagulat pa sa ginawa ko.
"Stupid." bulong ko tsaka bumalik sa upuan na kinuupuan ko kanina.
Act normal, Criszette!
"Ah eh! Zette nasaan nga pala si Christian?" biglang tanong ni Andrea.
"Andrea buti naman at nakabalik na dito." biglang sulpot ni Kuya.
Speaking of the devil.
Napalingon si Andrea at sinalubong ng yakap si Kuya na di pa man nakakahakbang sa pinto ng dorm namin ni Stacey.
"Tsk. Natuto pa kaming magsinungaling ni Stacey dahil diyan sa kaabnormalan mo." sabi ni Kuya tsaka binatukan si Andrea.
"Ih ayoko lang kasi mag-alala si Criszette sakin."
"So pag sa amin ni Stacey ayos lang ganun."
"Oo naman. Di naman kayo katulad ni Criszette na nag-aapoy pagnagagalit." nakangising sabi ni Andrea.
Ayos tong mga to kung mag-usap parang wala ako e.
Nagulantang ako ng biglang tumingin si Kuya sakin.
"Ano yan?" sabi ni Kuya sabay turo sa kamay namin ni Keiron na magkahawak.
Wait! What?
Kaya sinamaan ko siya ng tingin saka dali-daling binitawan ang kamay ni Keiron.
At pareho kaming nag-iwas ng tingin.
"BAKIT BA NANDITO KAYO SA DORM KO." singhal ko sa kanila.
Kaya lahat sila napag-iwas ng tingin. Maliban kay Kuya na nakataas ang kilay na nakatingin sakin.
Problema nito?
At nagpasalin-salin siya ng tingin samin ni Keiron. Wag mo sabihing pinag-iisipan kami nito ng masama. Tatadyakan ko talaga to. Magsasalita na sana ako para singhalan si Kuya ng biglang may nauna ng gumawa ng eksena.
"Anong tinitingin-tingin mo sakin? Did I know you." singhal ni Andrea kay Andrei na di nagpatinag.
"Yeah you know me? But yeah you forget who I am." sabi ni Andrei tsaka umalis.
Wtf?
"Baliw na ba yun?" napapailing na tanong ni Andrea.
"Di mo ba talaga siya kilala Andrea?" tanong ni Serena sakanya.
Mga abno ba tong mga to? Paano makikilala ni Andrea si Andrei eh sa pagkakaalam ko walang kapatid yun.
At tanging si Kuya lang kaibigang lalaki nun.
Pero bakit ganun nalang reaksyon ni Andrei kay Andrea?
"Hindi eh. Pero parang pamilyar siya pero di malinaw saking isip." pagpapakatotoo ni Andrea.
"Paanong pamilyar eh sanggol ka palang ng dalhin ka sa mundo ng mga tao. At ayun nga inalagaan ka ni Tita Gemma at Tito Genesis. At sa pagkakaalam ko may nakalagay na Andrea sa kwintas mo nung dalhin ka dito kaya ayan Andrea pangalan mo pero nasaan na nga pala ang kwintas." paliwanag ni Kuya at tanong niya at hinanap sa leeg ni Andrea ang sinasabi niyang kwintas.
"Naiwala ko ito nung limang taong gulang ako sa paaralan." sabi ni Andrea.
"Yun ba yung time na umiiyak ka kasi may naiwala ka." biglang tanong ko. Bagamat bata pa kami ay malinaw pa ito saking isipan.
"Oo ayun yun at di ko na alam kung nasaan na yun ngayon kasi di ko na rin naman siya nahanap noon."
"Ah kaya pala di ko na muling nakita iyon noon sa leeg mo." nakapameywang na sabi ni Kuya.
Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang sumulpot si Headmistress Grace kasunod si Prof. Mika.
"Andrea maaari ka ba naming makausap." pakiusap ni Headmistress kay Andrea.
"Pero di ko po kayo kilala." napapailing na sabi ni Andrea.
"Kung ganung di mo sila kilala Andrea bakit ganun nalang kung sigawan mo sila kanina." tanong ni Coleen sakanya. Kaya napaisip din ako bigla.
Napakamot sa ulo si Andrea.
"Pasensya na po sa iniasta ko kanina gumawa lang po talaga ako ng eksena para makaalis at makalaya sa kamay nung Israel na yun." natatawang sabi niya at tsaka napatungo ng ulo dahil sa kahihiyan.
"Ah ganun ba? Pero maari ka ba naming makausap ni Ina." tanong ni Prof. Mika sakanya.
"Ah wala naman pong masama kung makikipag-usap ako sa inyo. Sige po kung ganun." pilyang sagot ni Andrea.
Tsk. Napakapilya talaga nito.
Ewan ko ba kung bakit ganyan yan. Minsan nakakarindi talaga siya.
"Mabuti kong ganun. Tara na dahil madami akong katanungan sa iyo." yaya ni Headmistress sakanya.
Lumingon muna samin si Andrea at ngingisi-ngisi na tiningnan ako.
"Madami ka dapat ikwento sakin Criszette." nakangusong sabi niya tsaka nagpasalin-salin ng tingin samin ni Keiron.
"Cedusa/Gresca Andrea." sabay halos na sigaw namin ni Keiron.
Kaya umakto pa si Andrea na nabibingi.
"Ooopss. Chill lamang kayong dalawa iba iniisip niyo eh." natatawang sabi ni Andrea.
"Ano ba sa tingin mo iniisip namin." sarkastikong sabi ni Keiron.
"Kayo na bahalang mag-isip basta ako iba tinutukoy ko." sabi niya sabay talikod at sumunod kay na Headmistress.
"Gresca." tanging bulong konalang.
Agad ko silang nilingon lahat.
"Hindi pa ba kayo aalis. Inaantok ako kaya gusto kong matulog." nakataas na kilay na sabi ko sa kanila.
"Bakit ba ang init ng ulo mo." tanong ni Kuya sakin.
"Wag mo ng alamin baka di kita matantsya at makalimutan kong Kuya kita." iritadong singhal ko sakanya.
Napailing nalang siya.
"Tsk tara na guys iwan muna natin siya. Mukhang pagod na pagod eh." diin ni Kuya at tsaka nauna ng naglakad palabas.
"Sige na Criszette pumunta lang naman kami dito para ihatid si Andrea eh." sabi ni Coleen kaya tumango nalang ako bilang sagot.
Sunod-sunod na silang lumabas hanggang sa maiwan si Keiron.
"At ikaw wala ka ba talagang balak umalis." singhal ko sakanya.
"Tsk ang init ng ulo mo. Palamigin mo nga muna yan." sabi niya tsaka lumabas na din ng dorm.
Sa wakas katahimikan.
Pero biglang pumasok muli sa isip ko yung nangyari sa illusion ko na halos magpatayan si Stacey at Andrea. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot. Di naman siguro magkakatotoo yun.
At hindi ko ito hahayaan na matupad.
Ayoko. Pero nasaan na nga ba si Stacey hanggang kailan niya hahanapin sarili niya.
Hanggang sa nakatulog nalang ako sa kakaisip.
BINABASA MO ANG
The Cold Princess of Ainabridge Academy
Fantasy(Completed) Book 1 of TCPAA: Most Impressive Ranking #3 Fantasy Genre As she steps into the academy, a wave of unfamiliarity engulfs her. "Why am I here? Are they insane?" she ponders. Though she feels she belongs elsewhere, she complies reluctantl...