Kabanata 27

6.4K 181 2
                                    

CRISZETTE

Hys. I really miss the days na kasama ko pa sila. Bakit kailangan mangyari to? Bakit kailangan humantong sa ganito. Tengene naman ih. Di ko naman masisi si Stacey kasi di nga siya aware na may gusto si Kuya sakanya.

Kasalukuyan na kong nasa training room as usual mag-isa ako. Mga kaibigan ko? May matatawag pa ba kong ganun.

Mga kaklase ko? Nasa training ground sila. Kasi etong pinagpwepwestuhan ko eh parang isang room lang siya kaya training room to medyo maliit lang tong lugar kung nasaan ako ngayon. While sila malaki yun kasya buong klase.

Pumikit ako dahil sa araw na to ang kapangyarihan ko na illusion ang pag-aaralan ko at kokontrolin.

"Neva Scorta." bulong ko at naramdaman ko nalang ang sarili ko na wala na sa training room. Dahil mga huni ng ibon at tunog ng tubig ang naririnig ko pagmulat ko.

Anong ginagawa ko sa gubat?

Nasa ganun akong sitwasyon ng may lumapit sakin. Andrea?

"Criszette kanina ka pa namin hinahanap saan ka ba nagsusuot." nakangiting sabi niya. Bakit nandito siya anong ginagawa niya dito?

"Ha?"

"Criszette ayos ka lang ba tara na naghihintay na sila Stacey satin." sabi niya tsaka hinila ako.

Gusto kong maniwala sa nakikita ko. Kasi sa wakas nasa harap ko na si Andrea pero may nagtutulak sakin na may dapat akong gawin.Pero parang biglang nawala ito sa isip ko.

Sa isang iglap nabura ang alaala ko.

"Alam mo Zette halos mabaliw na si Kuya Christian kakahanap sayo. Tapos si Tita Shami halos di na alam ang gagawin tapos si Stacey kinawawa na yung halaman na nasa harap niya sa sobrang pag-aalala sayo." nakangiting sabi niya.

Kusa akong nagpadala di ko alam kung bakit? Sa totoo lang namiss ko si Andrea namiss ko siya.

"Uy magsalita ka naman." natatawang sabi niya. "Tsk. ano teh speechless ka. Aba wag ganun." sabi niya kaya napatawa din ako.

Hanggang sa matanaw na namin si Kuya at Mommy tsaka si Stacey. Di pa man kami nakakalapit nanakbo na ako para mapabilis at niyakap ko agad si Mommy.

"Mommy I miss youuuu." naiiyak na sabi ko. Sobrang saya ko kasi nasa harap ko si Mommy nasa harap ko siya totoong nayayakap ko siya.

"I miss you too Criszette parang kanina ka lang nawala ah." natatawang sabi ni Mommy.

Nawawala? Paano ako nawala? Bat wala akong maalala.

Nilingon ko si Kuya nakangiti samantalang si Stacey nakataas ang kilay.

"Sa wakas naman nakita na ang Prinsesa." teka si Stacey ba talaga to. Ano bang nangyayare?

"Ano ba Stacey? Bakit ba ang init ng dugo mo kay Criszette." biglang sulpot ni Andrea.

"Bakit ba ha? Totoo naman ah." mataray na sabi niya.

"Stacey ano ba tumigil ka." sigaw ni Kuya sakanya.

Inirapan lang ako ni Stacey tsaka parang bata na tumalikod at iniwan kami.Kaya sumunod nalang kami. Habang nasa daan may narinig kaming sumisigaw.

"Mommy." boses ng isang bata at nanakbo papunta kay Stacey.

Mommy?

Ng makita ako ng bata nanakbo siya papunta sakin.

"Tita Zette." sabi niya tsaka ngumiti ng matamis.

"Ano ba James? Layuan mo yang tita mo. Sinabihan na kita diba? Wag ka ng lalapit sakanya."

The Cold Princess of Ainabridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon