Chapter 8:Meet his family

1.1K 22 0
                                    

Yesha's POV
Napabangon ako ng may marinig akong naguusap at nagtatawanan. Akala ko nasa sala parin ako nandito na pala ako sa kwarto—kaninong kwarto to? Hindi to sakin ah.

Nilibot ko ang paningin ko at nalaman kong kay zian pala ang kwartong to. Kulay blue at black ang pader pati an ang mga gamit.

Tumayo ako at pumunta sa pinto para malaman kung sino ang naguusap at nagtatawanan kaso biglang may nagbukas ng pinto at tumama ang ilong ko don kaya napaupo ako. Ang sakit ng pwet ko.

"Oh im sorry! Sweetheart."

Tinulungan nya akong tumayo at pinaupo sa kama nya. Hinilot hilot ko yung ilong at noo ko kasi masakit ang pagkakatama.

"Masakit ba?" Tanong nya at hinihilot din ang noo ko.

Tumango lang ako. Ang sakit naman non. Feeling ko natanggalan na ako ng ilong at nagkabukol pa sa noo.

"Im so sorry." Sabi nya pa at hinalikan ako sa noo at ilong.

Pinapakilig nya ba ako? Kung oo,congrats. Dahil feeling ko pulang pula na ang mukha ko sa pinaggagawa nya.

Tumayo sya at may kinuha sa study table na paper bag. Inabot nya sakin yon at tumingin ako ng nagtataka.

"Take a bath and wear that,someones want to meet you." Sabi nya.

Lalabas na sana ako ng pigilan nya ako.

"Dito na ka maligo." Simpleng sabi nya.

"Bakit? May cr naman sa kwarto ko kaya doon na lang ako." Sabi ko.

"Basta dito ka na maligo aantayin kita."

Pagkasabi nya non ay umupo na sya sa kama nya kaya wala akong ibang ginawa kundi dito na nga sa kwarto nya maligo. Nakakailang nga kasi boss sya at personal maid nya ako at dito nya pa ako pinaligo,seriously? Doon pa ako talaga naligo sa kwarto ng boss mo at sya nagsabing don ako maligo.

Pagtapos kong maligo tinignan ko muna ang laman ng paper bag at nagdalawang isip pa ako kung susuotin ko kasi off shoulder at high waist to. Hindi rin ako sanay na magsuot ng ganito,baka magalit si mama sakin kapag nakita nyang ganito ang susuotin ko.

"Sweetheart? Andyan ka pa ba? Kanina ka pa dyan baka pasukin na kita dyan at ako ang magpaligo sayo."

Narinig kong sabi ni zian at kinakatok ang pinto. Wala na akong nagawa kaya sinuot ko na lang,di naman siguro malalaman ni mama kung magsusuot ako ng ganito.

Paglabas kong cr nakita kong nakasandal malapit sa pinto ng cr si zian at mukhang inaantay na ako.  Paktay ka! Mainipin pa naman sya at baka sigawan nya na naman ako.

Dahan dahan akong lumapit sakanya ng nakayuko,natatakot kasi ako sakanya. Masama pa naman syang magalit.

"S-sorry k-kasi nagtagal a-ako sa c-cr. H-hindi k-kasi ako sanay na m-magsuot ng ganitong d-damit." Kinakabahang pagpapaumanhin ko.

Nagulat na lang ako na bigla nyang hapitin ang bewang ko habang nakatitig parin sakin. Ayan na naman ang magaling kong puso,nagwawala na naman sya.

"You look beautiful."

Literal na napanganga ako sa sinabi nya. Seryoso ba sya? Maganda ba talaga ako? Parang hindi naman.

"Wag mo na akong bolahin,alam kong napipilitan ka lang." Sabi ko.

Tuluyan nya na akong niyakap at binaon ang mukha nya sa leeg ko.

"Im not joking,you really look beautiful." Sabi nya pa.

My Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon