Yesha's POV
3 days,tatlong araw ng cold sakin si zian at hindi man lang ako kinakausap. Litong lito na nga ako at hindi ko pinapahalatang nalulungkot ako.Andito ako sa kwarto namin ni zian,oo tama kwarto namin kasi pinalipat nya ako dito at take note hindj nya parin ako kinausap kay zein lang sya nagpasabi. Gabi gabi kaming magkatabi pero lagi syang nakatalikod sakin.
Minsan di ko maiwasang umiyak kapag wala sya dito. May pasok narin si zein at zach sa school nila kaya ako lang ang naiiwan dito kasi napasok din sa office si zian habang wala paring paramdam.
Katulad ngayon,umiiyak na naman ako. Sabado ngayon at dapat day-off niya pero wala sya dito umalis parin sya.
Patuloy parin ako sa pagiyak habang nakadapa at yakap ang unan nya. Ang sakit kasi,feeling ko tuloy wala na syang pakielam sakin. Kapag gabi magluluto ako para samin pero di sya kumakain laging sa restaurant sya nakain.
Ayaw nya ata ng luto ko,sabi ni zein at zach masarap naman daw.
Kapag magkakasalubong kami iiwas kaagad sya at di parin ako tinatapunan ng tingin. Kaya iiyak na lang ako bigla.
Bigla kong pinunasan ang luha ko ng may narinig akong nagbukas ng pinto,akala ko si zein lang o si zach pero alam ko ang amoy nila at si zian ang naamoy ko. Ang obsession ng calvin klein ang pabango nya.
Anong oras na ah? Gabing gabi na kaya pero ako gising na gising parin. Nagmumukmok sa di malamang dahilan.
Sinilip ko sya at nakita ko syang nakaupo sa sofa at nagcecellphone. Nainis ako bigla kasi nakangiti sya pero kapag magkikita kami walang ngitian.
Alam kong galit sya sakin pero lumapit parin ako at inagaw ang cellphone nya. Tumingin sya sakin ng cold parin. Wala na ba syang ibang gagawin kundi maging cold sakin? Nakakasawa na at nakakasakit na.
"Akin na yang cellphone ko."
Sumaya ako ng konti ng magsalita sya pero cold parin. Ayoko ng ganito,ayokong maging cold sya sakin.
Nasasaktan ako dahil mahal ko sya.
"Gabing gabi na ah! Bakit di ka pa matulog? Atsaka wala kang pasok ngayon bakit ngayon ka lang?" Tanong ko.
Umirap sya at sa ibang direksyon tumingin.
"Wala kang pakielam sa kahit anong gusto kong gawin." Sabi nya.
"Akala ko ba girlfriend mo ko kaya may pakielam ako! Ipapakilala mo ako sa pamilya mong girlfriend mo ko tapos magiging ganito ka sakin kung ganon aalis na lang ako." Sabi ko.
"Do what you want. I don't have a goddamn care kahit magpakamatay ka pa at magparape sa kalye. And correction,you are just my fake girlfriend. A powerless fake girlfriend,ang poor fake girlfriend,a whore fake girlfriend,a worthless fake girlfriend and a gold digger fake girlfriend. Hindi ka umapela ng pinakilala kitang girlfriend ko at isa lang ibig sabihin non,kapag naging close pa tayo sa isa't isa nanakawan mo na ako ng pera o kaya uutuin mo ako para lang sa pera ko."
Dahil sa sinabi nya nasampal ko sya.
"Ganyan pala ang tingin mo sakin edi sana simula pa lang di mo na ako tinanggap bilang personal maid! Pero mali lahat ng iniisip mo! Hindi ako powerless,whore,worthless at gold digger! Kung poor oo tama ka mahirap nga kami kaya nga nagtratrabaho ako para sa magulang ko pero ni minsan di ko naisip na dumikit sa mayayaman para lang magnakaw!" Sigaw ko.
Napaupo ako sa sahig at napahagulgol. Ang sakit ng mga sinabi nya,hindi ako katulad ng mga naging maid nya na whore at gold digger.
"I don't have a bullshit care about to your trash life." Sabi nya pa.
