Chapter 10:Wait and ill be back

1K 23 1
                                    

Zian's POV
I weeks has past at di ko naramdamang buhay pa ako dahil wala sa tabi ko ang taong mahal ko. Bakit ko kasi sya pinagsalitaan ng ganon? Pero naisip kong mapapadali ang paglayo nya kaya ginawa ko yon,tatlong araw ko syang iniwasan para masanay na akong wala sya at alam kong mangyayari talaga yon.

Isang linggo narin akong hindi pumapasok sa office ko dahil sobrang lungkot ko,galit ako sa sarili ko dahil nagalit sya sakin.

"Kuya ace! Bakit di ko nakikita si ate yesha? Isang linggo na syang wala dito ah." Sabi ni zein na nagcecellphone.

Linggo ngayon at wala silang pasok kaya andito lang sila nakatambay at ako ang ginugulo.

"She's bach to her province and its beacuse of me." Sabi ko.

Natigil sya sa pagcecellphone at galit na tumingin sakin. Ano namang problema nya? May ginawa ba ako? Ayy oo! Meron nga napakalaking kasalanan ang nagawa ko kaya nga wala na sya ngayon dito at di ko na sya nakikita o nahahawakan.

"Ano namang ginawa mo sakanya at bumalik sya sa province nila?! Tell me kuya!" Galit na tanong nya.

"I call her...powerless,worthless,whore,poor and gold digger." Mahina kong sagot.

Nagulat na lang ako ng bigla nya akong sinuntok sa braso ko.

Inis akong humarap sakanya. Ginawa ko sakanya?

"Sinabi mo yon?! Napakasama mo kuya! Naging malamig ka ng ilang araw sakanya tapos ganyan lang sasabihin mo?! Anong klase ka kuya?! Kung alam mo lang ang nararamdaman nya malamang nandito parin sya hanggang ngayon at kung nakikita mo lang sya palagi kapag aalis ka  malamang hindi umabot sa ganito!" Sigaw nya at umakyat sa kwarto nya.

Nalito ako sa sinabi nyang kung alam ko lang daw ang nararamdaman nya malamang andito pa sya at kung nakikita ko lang sya kapag aalis ako malamang din hindi rin umabot sa ganito.

Anong ibig nyang sabihin? Alam ko naman ayos lang sakanya ang pagiwasko pero meron pa ba akong hindi alam sa sitwasyon nya kapag wala na ako dito? Malamang meron katulad ng sinabi ni zein sakin.

Umakyat ako sa kwarto namin dati at nahiga sa kama namin. Miss na miss ko na sya,wala na akong kasabay sa pagtulog.

Sa sobrang katangahan ko nasasaktan ko na pala sya,ang bobo ko talaga,psh.

Pinipigilan ko ang sarili kong kumain kasabay sya lalo na kapag uuwe ako tuwing gabi. Gabing gabi na yon pero iniintay nya parin ako kasi nagluto sya ng ulam para samin pero lagi kong sinasabing kumain na ako sa labas kahit hindi pa.

Di ko alam na tuwing ginagawa ko yon nasasaktan ko sya pero pagtapos kong sabihin yon bigla na lang syang ngingiti at sasabihing ayos lang yon sya na lang daw ang kakai  ng niluto nya.

Pero dumating kami sa point na sobra ko na syang nasaktan.

Flashback...
Naglakad ako papasok ng mansion ng nakita kong nakabukas ang lamp shade sa sala at may nakahiga sa sofa,nung una akala ko si zein lang pero si yesha pala.

Gusto ko syang lapitan at yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka lalo lang akong mahulog sakanya.

Pataas na ako sana para kumuha ng makapal na kumot para sakanya kaso may humawak sa braso ko dahilan para mapatigil ako sa pagakyat.

Nakita ko si yesha na nakangiti sakin kaya umiwas akong tingin.

"Kumain na tayo may niluto ako para sayo,ang favorite mong menudo." Masaya nyang sabi at hinila ako papasok ng kusina pero tumigil ako kaya napatigil din sya.

Tumingin ako sa kanya ng cold,pinilit ko ang sarili kong wag ngumiti sa harap nya kasi ang cute nya sa panda-ng t-shirt at short nya. Binili nilang dalawa ni zein yon at favorite nya yon.

Binalik ko ang tingin sakanya atsaka hinila ang braso ko mula saa pagkakahawak nya. Nagulat sya at nangilid ang luha sa gilid ng mata nya.

"Who give you a permission para hilain ako?" Seryoso kunwareng sabi ko.

Pinipilit ko ang sarili kong magpakalambot dahil nakita kong umiiyak na sya at nakayuko.

"Tatlong araw na,tatlong araw mo na akong iniiwasan. Tatlong araw ka ng walang paramdam sakin,tatlong araw ka ng tahimik,tatlong araw na kong walang tingin na natataggap mula sayo at tatlong araw na akong nagaantay na bumalik ang dating zian. Zian na sweet,zian na mahilig akong pakiligin,zian na mahilig akong yakapin sa bewang,zian na lagi akong tinatawag na sweetheart,zian na lagi akong kinocorner sa pader at zian na lagi akong pinagbabawalang lumabas o sumama kahit kanino. Miss na kita...miss na miss." Mahaba nyang sabi habang naiyak.

"Matulog ka na." Tanging nasabi ko at tinalikuran na sya.

Di pa ako nakakalayo at naramdaman ko ang yakap nya mula sa likod ko.

"Miss na miss na kita,di ko alam kung anong dahilan mo para iwasan ako pero wala naman akong alam na ginawang kasalanan sayo. Bumalik ka na...tayo sa dati. Please...di ko kayang iwasan mo ako." Sabi nya pa.

Tinanggal ko ang braso nya sa pagkakayakap sakin at nanatiling nakatalikod. Kahit ngayon lang siguro.

"Napagtanto kong...iiwan mo rin ako katulad ng pagiwan sakin ng ex ko. Natatakot akong iwanan mo na lang ako basta sa ere kapag nakuha mo na ang gusto mo kaya ngayon palang ay lumalayo na ako para hindi masakit sakin kung sakaling aalis ka na at iiwan mo na ako." Paliwanag ko.

"Mali ang iniisip mo,hindi ako aalis katulad ng ex mo. Wag mo kong itutulad sakanya dahil may pagkakaiba rin kami. Pero kung ayan ang gusto mo...sige iiwan na kita. Kung ayun ang ikasasaya mo,gagawin ko." Sabi nya at nauna ng naglakad pataas.

Sobra akong nasaktan sa sinabi nya,lalayo narin sya kaya dapat matuwa kao pero kahit isang tawa wala akong narinig sa sarili ko. Nasaktan lang ako.

Its time to let her go.

End of flashback...

Ayon din ang dahilan kung bakit umalis sya at iniwan na ako.

Kumulo na naman ang dugo kong maalala ko ang sinabi nyang tatanggapin nya na ang alok ng papa nyang magpakasal sa anak ng boss nila.

Malaman laman ko lang talaga kung sino ang lalaking yon,mapapatay ko talaga sya. Wala akong pakielam kahit makulong pa ako basta babawiin ko ang pagaari ko at walang makakapigil sakin.

Yesha is mine,sakin lang sya at subukan lang nilang hawakan ang pagaari ko mapapatay ko talaga sila.

Yesha is my property.

Just wait my sweetheart and i surely you came back to me.

To be continued...

A/N:Ayan na! May mangyayari ng bawian! Haha! Babawiin na ni fafa zian ang pagaari nyang si sweetheart. Sana nagustuhan nyo ang chapter na to! Love you all lapid-ians! Keep support! Muah! >3

My Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon