Dalawa

12 1 0
                                    

Natigilang saglit ang aking apo. Parang nadagdagan pa umano ang kanyang kuryosidad sa sinabi ko. "Sino po si Eli?"




"Siya ang una kong pag-ibig." Katahimikan. Nakakabingi lalo na't magtatakipsilim na. May mga nakikita na akong nagsisiliparan na alitaptap. Mga mumunting ilaw na nagsisilbing liwanag sa dilim.




"Papaanong--"

"Sino---"

"Bakit---"




Naglakad-lakad ito sa aking harapan at aligagang nag-iisip ng malalim. Napailing nalang ako. Sa tingin ko'y wala naman sigurong pagtatalunan dito dahil ilang dekada narin ang nakalipas.



At hindi ko nga alam kung buhay pa si Elie o patay na.



Tiningnan ko ang mga liham sa aking harapan. Ang puting papel na aking sinulatan noon ay naging kulay-kape na. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko at kung maaari lamang na bumalik ako sa nakaraan ay gagawin ko para itama ang pagkakamali kong ito. Hindi pala---hindi pala lahat ng naging desisyon ko ay tama.



Ang mga liham na nasa harapan ko ay isang pagkakamali. Nagkamali akong ipagkatiwala kay ina ang mga ito. Akala ko'y ipinapadala niya ang bawat sulat. Akala ko'y iniaabot niya ang mga ito sa kartero. Akala ko naipahatid kay Eli ang lahat ng ito. Akala ko nabasa niya---akala ko---Tangina.



Hindi ko maisip na nagawa sakin ito ni ina. Alam kong tutol sila pero maski ang pag-asa kong lumigaya ay ipinagkait niya!



"La, ayos lang po kayo? Bakit natahimik po kayo bigla?" Hindi ko alam, hindi ako maayos. Parang tumigil ang mundo ko sa sobrang pagkabigo.



"Wala nang silbi pa ang lahat ng iyan. Bukas na bukas rin ay ipapasunog ko ito kay Chadeng." Lahat ng iyon ay kabaliktaran. Napakahalaga sa akin nitong mga liham ngunit wala naman nang magagawa kung damdamin ko pa na nabuhay lang pala ako sa kasinungalingan.



Nalungkot ang mga mata ni Eleanor na para bang nanghihinayang na sunugin ang mga ito. "Aha! Alam ko na!" Nagtataka akong tiningnan siya. Inilabas nito ang kanyang telepono at may kinulikot. "Lola, pipicturan ko lang po kayo kasama ng mga liham. Ipopost ko po ito sa Facebook at malalaman natin kung nasaan siya mismo ngayon. Pinakamabisang paraan 'to para manawagan sa publiko para mas madali nating mahanap si Eleazar."



Iba na talaga ang henerasyon ngayon.



"Apo, hindi mo naman kailangang gawin iyan. Wala na akong oras pa sa mga ganyang bagay. Baka nga taimtim na sa kanyang libingan ang hinahanap natin." Matagal ko nang tinanggap na malaki ang posibilidad na hindi na kami magkikita pa ni Eli. Otsenta singko na ako't sa ganitong edad ay mahina na, paano pa kaya si Eli na mas matanda sa akin ng limang taon.


"Paano po kung buhay pa siya?" Nagniningning ang kanyang mga matang tumitig sa akin. Kagaya ko noon na punung-puno ng pag-asang makabalik pa siya. "Lola, huwag kang mawalan ng pag-asa. Hindi pa huli ang lahat. Nafifeel ko talagang magkikita pa kayo ni Eleazar! I can't wait!"



Nagtatalon talon pa itong pumalibot sa akin. Napailing nalang ako.



Si Eli ang bakas ng nakaraan ko. Hanggang ngayon ay parte parin siya ng aking kasalukuyan at hinaharap. Sa oras kaya ng aming pagkikita, mukha niya ba ang aking masisilayan o kanyang puntod na nakahimlay sa tahimik na libingan?














A/N: Ibinibigay ko parin ang dedikasyon ko sa unang naging account ko sa watty. Ako parin ay nalulungkot dahil sa hindi ko mabuksan ito. :(

Mga Lihim na Liham para kay EliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon