Huling Mensahe

16 1 2
                                    

Hulyo 13, 1960



Sa nag-iisa kong anghel,




Masaya akong nakikitang masaya ang aking magulang kung kaya't labag man sa aking loob ay pumayag akong magpakasal kay Facundo. Matanda na sila para hindi ko pagbigyan kung kaya't isinakripisyo ko na ang sarili kong kaligayahan kapalit ng ngiti nila. Nawalan ako ng malaking parte ng aking buhay. Nawalan ako ng rason para maniwala sa hiwaga ng pag-ibig. Ilang taon akong humingi ng palugit kay Facundo tungkol sa kung papayag ba ako o hindi. Humingi ako ng ilang taon para sana antayin ang liham mo sa akin ngunit wala kang sulat pabalik. Paumanhin kung pati ikaw ay binitawan ko narin. Ang pagpaparaya sayo ay siya ring daan upang lumaya narin ako ng tuluyan. Napakasakit isipin na hindi kana babalik pa ngunit mas masakit isipin iyong nakikita ko ang sarili kong mamahalin kita hangga't kaya ko pa. Oo, mahal kita at hindi ko iyon alam kahit na si Facundo ang aking nasa harapan. Hindi ko rin alam kung hanggang saan aabot iyong pagmamahal ko ngunit nakasisiguro akong mananatili ka palagi sa utak at isipan ko dahil nangako ako sa sarili ko at sa Panginoon na ikaw ay mananatili sa akin. Marahil sa oras na tayo man ay magkikita ay may kanya-kanya na tayong buhay. Lagi akong nagdarasal sa iyong kaligtasan at wala akong ibang hangad kundi ang iyong kasiyahan. Ipangako mo sana na lagi mong hahanapin ang kasiyahan dahil nandoon ako palagi. Tandaan mo, malimot ko na lahat ng ipinasok ko sa aking utak ngunit kahit kailanman ay hinding-hindi ko malilimutan ang mga taong humawak sa aking puso. Mahal kita hanggang ngayon ngunit kailangan na kitang kalimutan, kailangan ko nang bitawan ang sarili kong kaligayahan. Mahal kita, walang magbabago.



Ito ay isang paalam ngunit hindi ibig sabihin ay itinatapon ko na ang lahat ng sa atin. Mamahalin kita hangga't kaya ko pa. Hanggang sa muli, Eli. 





Bumibitiw,


Lolita Cuevas

Mga Lihim na Liham para kay EliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon