Tatlo

13 1 0
                                    

Nagising ako sa tugtog ng radyo. Isang napakagandang kanta ang aking narinig. Makaluma kung sabihin ng aking mga apo sa akin ngunit nasanay na ang mga ito na makinig sa mga nakagawian kong mga kanta. Idinilat ko ang aking mga mata at kulay puti ang bumungad sa akin.



Nasaan ako?




"Good morning, La. Alam niyo ba kung anong araw ngayon?" Masaya akong inalalayan ng aking apo na bumangon.



Akala ko'y nasa langit na ako.



"Hindi mo naman kailangang alalayan ako para bumangon apo. Malakas pa ako. Tingnan mo kaya ko pang magpush-up." Pabiro kong sabi dito. Kulang nalang kasi'y gawin akong bagong silang na sanggol.



"Inatake kayo ng alta-presyon kahapon, Ma. Sa susunod talaga hindi ko na ibibilin si Chadeng sayo pag gamot mo na ang pinag-uusapan." Nakakalungkot mang isipin ngunit isa na akong suki ng apat na sulok na kwartong ito. Oo, nasa hospital ulit kami. Napapadalas narin kasi ang pag-atake ng aking puso. Ganito na siguro kung palapit na ang expiration date. Hindi na matutumbasan ng gamot lang ang buhay na binabawi na sayo. Isang hiram lang ang buhay kaya wala tayong karapatan na ipagdamot ito.



"Eleanor, nasaan ang mga liham?" Nagtaka pa ang mga kasamahan namin dito sa kwarto ng hospital nang tanungin ko ang tungkol sa liham. Oo nga pala, dapat lihim lang namin ng aking apo ang tungkol sa liham.



Abala ito sa paglamutak ng kanyang kinakain at tinapunan ako ng napakatamis na ngiti. "Ipinadala ko na po sa address na nakasulat, Lola." Tiningnan ko siya ng masama na may kasamang pagbabanta. "Hihi, sorry pooooo. Peace!"



Hindi ko na dapat ito sinabi pa! Naalala kong nakalagay pa roon ang kumpletong address ni Eli ngunit sa pagkakaalam ko'y lumipat na sila ng tirahan.



"Ma, anong liham ang sinasabi ni Elea?"


"Liham, uhm yung tungkol sa subject namin ng Business Communication, mommy. Nagpapatulong kasi ako kay lola about business letters and you know naman, expert siya when it comes to it." Nakita ko pang kinindatan ako ng aking apo at nakahinga ako dun ng maluwag.


Pero lagot parin ang batang ire.


"Ganun ba? Osya, bantayan mo muna ang lola mo at malelate na ako sa trabaho. Ma, alis nako. Magpagaling ka."



Nginitian ko siya at hinalikan sa noo. "Salamat anak dahil hindi niyo ako pinapabayaan."


Napatingin ako sa kalendaryong nakasabit sa may pintuan. "Maaari ba akong dumalaw kay Facundo? "


"Pero Ma hindi pa kaya ng katawan ninyo. Kailangan niyo pang makarecover." Nagmamakaawa ko siyang tiningnan. Hindi pwedeng hindi ako makadalo sakanya ngayon dahil nakagawian ko nang dumalo sa puntod niya lalo na't kaarawan niya. Aminado akong nahihirapan akong huminga at mahina ang aking katawan ngunit kaya ko namang makipagsapalaran pa ng ilang taon. Kung oras ko ay oras ko na.



Binigyan niya lang ako ng ngiting nagpapaumanhin. Alam ko namang kaligtasan ko ang inaalala nila pero ayoko talagang nagkukulong dito sa kwartong ito. Kapag tatagal pa ako ay hindi magtatagal, malalagutan lang ako ng hininga.



"Lolaaaaaaaa!" Nagtitiling sigaw ni Eleanor sa akin habang hinahawakan ang aking kamay.


"Anong nangyayari sayo bata ka? Bakit nagsisigaw ka riyan? May masakit ba sa iyo?" Nakakagulat naman kasi dahil bigla nalang itong nag-iingay samantalang kanina ay abala ito sa pagkulikot ng kanyang cellphone na kung tawagin niya.



Nagpakawala pa ito ng impit na tili at ipinagpatuloy ang kanyang kwento. Para itong naiihi na hindi ko alam.


"May nakapagsabi na kung nasaan si Eleazar Sidon, Lola!" At doon na niya pinakawalan ang kaninang pigil niyang tili.



Nabuhay ang tulog kong diwa dahil sa aking narinig. Buhay si Eli?





At sa mahabang panahon, doon ulit tumigil ang mundo ko. Magkikita pa kami ni Eli. 

Mga Lihim na Liham para kay EliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon