Ikaapat

15 2 0
                                    

Pebrero 25, 1955


Aking Eleazar,


Hindi ko alam kung anong patutunguhan ng aking nararamdaman para sayo sa kabila ng aking halos tatlong taon nang paghihintay ngunit isa lang ang bagay na sigurado ako, iyon ay ang magkikita pa tayo. Pinanghahawakan ko parin ang pag-asang buhay ka pa at ligtas sa anumang trahedya na haharapin mo. Matapang ka kung kaya't lubos akong naniniwalang kakayanin mo ang bawat laban na mayroon ka. Marahil nga'y sa oras na magkikita tayo ay limot mo na ang lahat. Ang ating pinagsamahan, mga tawa, mga drama, mga tampuhan, kwento, mga pangako, pangarap nating dalawa at maging ang aking mukha. Alam kong balang araw ay malilimutan mo rin ang bawat sandaling inilaan natin para sa isat-isa dahil maging ang mga alaala ay nagagawang itapon ng isang taong kahit kailanman ay hindi ito pinahalagahan. Minsan, naitatanong ko sa sarili ko kung alin ba doon ang katotohanan. O kung may katotohanan ba lahat? O kaya naman lahat ng iyon ay pawang pagpapanggap lang upang ika'y makalimot sa taong nanakit sa iyong puso. Naikwento ko ang hinagpis mo kay ina noong isang araw at ang sabi niya'y kalimutan nalang daw kita dahil ginawa mo lang akong libangan upang makalimutan ang nakaraan mong naghihinagpis. Aaminin kong nasaktan ako sa sinabi ni inang isa lang akong libangan mo. Aaminin kong umiyak ako gabi-gabi dahil sa sakit ngunit may pananalig parin ako mula sayo na hindi iyon totoo---na isa kang tapat na tao dahil nakita ko mismong may mabuti kang kalooban--na hindi mo kayang manakit ng ibang tao para lang makalimutan mo ang masakit na nakaraan mo. Dumaan ang linggo at mas pinipili ko parin ang desisyon kong paniwalaan ka kaysa sa mga sinasabi nila ama at ni ina dahil tutol sila sa ating pag-iibigan. Kaya't kung nasasaktan ka man ngayon ay sana nasa tabi mo ako para gamutin ka dahil ang kagustuhan ko lang ay ang maging maayos ka sa lahat ng pagkakataon. Huwag mo nang isipin ang aking nararamdaman dahil noong oras na piliin kita ay itinapon ko na ang aking pagmamataas. Mahal kita, hindi pa iyan nagbabago. Hindi ko nga alam kung magbabago pa dahil sa bawat araw na lumilipas ay ikaw parin ang nasa aking utak. Nalimot ko na't lahat lahat pero ang mukha mo, ang mga pinagsamahan natin ay hinding-hindi. Kaya't habang natatandaan ko pa lahat ay mas mabuting isulat ko ito bilang alala na hindi pwedeng mawaglit. Mahal kita ngunit napakalayo mo sa akin. Sana, sana magkita na tayo dahil marami na akong naipong kwento. Sana maisip mong sa mga oras na iyon ay may isang taong handa paring tanggapin at mahalin ka. Ikaw ang lalaking nais kong maging una at huli ko. Ikaw na siyang magpapatigil sa bawat patak ng luha. Ikaw na siyang dahilan ng aking muling pagngiti. Ikaw ang lahat ng dahilan ng isang ako. Ikaw lang, wala nang iba. Magkikita tayo, pangako.




Umaasa,


Lolita Cuevas

Mga Lihim na Liham para kay EliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon