Kabanata IV

604 5 0
                                    

Kabanata IV: Imbitasyon


Hindi nagtagal ay umalis na rin sa itaas ko si Giann. Yung kaninang awkward naming estado ay lalo pang lumala dahil sa pangyayaring ito.

Habang binubuhat niya ako papunta sa aking kama ay hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya kahit alam kong nakatitig siya sa akin. Ibinaba niya ako nang dahan-dahan sa kama, ako nama'y tumalikod at humarap sa kabila dahil sa sobrang kahihiyan.

Narinig ko siyang bumuntong hininga na tila bang hindi alam ang gagawin.

"Uhm.. Viane, mauna na ako. Sunduin na lang kita mamaya para sa hapunan,." Tumango na lamang ako sa kanya bilang sagot dahil hindi ko alam at baka iba pa ang lumabas mula sa bibig ko.

Narinig ko na ang pagsara ng pinto hudyat na nakalabas na ng kwarto si Giann.

"AAAAAAAAAAAAAA!!!" wala na akong pakialam kung may makarinig man sa 'kin mula sa kabilang kwarto.

Hindi ko na kasi makontrol at maitago sa aking sarili kaya kinailangan kong ilabas. Bakit ba kasi ang daming nangyayaring ganito? Hindi ko na tuloy alam kung paano ko pa siya haharapin mamaya.

Inisip ko ulit ang mga nangyari kanina. Tila ba ang bilis ng lahat ngunit hindi ko mapigilang mapangiti. Pero bigla akong nakaramdam ng inis dahil paniguradong hindi naman ako ang unang halik niya.

Bakit naman ako maiinis? Kami ba? Hindi ko naman siya magugustuhan!

Ako'y nakatulog na sa pag-iisip. Buti na lang ay kaya ko nang maglakad kaya napagpasyahan kong maligo at magpalit ng damit. Alas-sais na rin naman kaya ako'y naghanda na rin.

Sabi sa amin ay alas-otso pa raw ang kainan pero gusto ko munang maglibot dahil hindi ko pa ito nagagawa. Lagi kasing may ganap sa tuwing susubukan ko kaya hindi natutuloy.

Nagsuot lang ako ng smocked na tube top at squarepants. Simple lang dahil kakain lang naman kami ng hapunan. Tinernuhan ko ito ng tsinalas na may maliit na laso sa gilid.

Kinuha ko na ang aking bag at ipinasok doon ang susi. Lumabas na ako ng kwarto.

Habang naglalakad papunta sa dalampasigan ay nakasalubong ko si Jasmine.

"Uy Jas!"

Napalingon siya sa gawi ko at kinawayan namin ang isa't-isa, "Vi! Kumusta ka?" Bumeso siya sa akin.

"I'm fine. Ikaw? Tagal din nating di nagkita."

"Yeah, naging busy kasi ako lately. Ikakasal yung best friend ko tomorrow. Ako lang nag-aayos para sa final preparations."

Hindi ko alam na pwede palang magdaraos ng mga ganitong klaseng pagdiriwang sa Siargao. Akala ko'y panay surfing lamang ang ginagawa dito. Ang ganda siguro kung dito ang magiging beach wedding.

"That's cool. Siguradong maganda yan. Uuna na ako, try ko maglibot. See you!"

"Sige, see you din!"

Nagkasalungat na kami ng daan, ako'y papunta sa dagat at siya naman ay papunta sa mga kwarto. Tahimik ang Siargao sa gabi, nakakapanibago nga at walang party na nagaganap. Kadalasan kasi kapag mga ganitong oras ay may mga tao na roon.

Nakitang kong papalapit sa akin si Giann kaya hindi na naman ako mapakali. Tila ba tumigil din ang mundo ko at para bang siya lang ang nakikita ko.

"Hey." Naabutan na naman niya akong nakatitig sa kanya kaya namula ako dahil sa kahihiyan.

"Why are you blushing though?" Natawa pa siya pagkatapos sabihin yun.

"Wala! Kumain na lang tayo!" Hindi niya ba nakikitang hiyang-hiya na ako dito ngayon sa harapan niya. Jusmiyo hindi ko nga alam kung paano ko pa nakakayanang tumabi ngayon sa kanya.

Tala sa IslaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon