Kabanata XIII: Paalam
Nagising ako sa panibagong araw na naman. Ito na ang huling oras na malalanghap ko ang hangin dito sa Siargao.
Nilingon ko ang lalaking papangarapin ko ngunit hindi na muna sa ngayon. Naluha ako ng hawakan ang kanyang namumulang pisngi. Sana wala nang katapusan ang lahat ng ito. Hinalikan ko siya sa noo habang patuloy pa rin sa pagtulo ang aking luha.
Tumayo na ako at kinuha ang iilan kong gamit sa tabi. Huling sulyap ang nabigay ko sa taong pikit ang mata at walang kaalam-alam kung ano na ang nangyayari.
Tumakbo na ako papunta sa aking kwarto. Wala akong pakialam sa kung sino man ang mabangga ko dahil sa totoo lang ay sobrang sikip na nitong dibdib ko at hindi na ako makapagisip nang maayos.
Kahapon palang ay maayos na ang aking maleta. Alam kong papahirapan ko lang ang sarili ko sa gagawin kong desisyon pero wala na akong magagawa. Ayaw ko mang umalis sa lugar na ito pero kailangan.
Sa pagmamadali ko ay nabangga pa ako sa isang tao. Inangat ko ang aking tingin at pigil na hingang tumigil.
"Jachin.."
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Lumipat din ang tingin niya sa mga gamit at sa maletang hawak ko.
"Aalis ka na?" Hindi niya makapaniwalang tanong.
Tumango lang ako dahil alam kong pati siya ay masasaktan sa gagawin kong desisyon. Mahirap pero kailangan nilang tanggapin.
"Ngayon na ako lilipad papuntang Maynila. Hanggang ngayon lang kasi yung nabook kong flight. Sapat na naman siguro ang isang buwan."
"Bakit hindi mo sinabi? P-pano ako? Si Giann? Iiwan mo nalang ba lahat ng nangyari rito?" may bahid ng lungkot at inis ang pananalita niya pero hindi ko 'yon pinansin.
"So wala ka talagang balak magpaalam man lang? Ang unfair mo naman, Vi!"
"Unfair na kung unfair! Ayoko na kasi, tama na. Gusto mo ba malaman kung bakit ako pumunta rito?"
Hindi siya nagsalita kaya tinuloy ko na ang sasabihin ko, "Dahil sa'yo, Jach. Ikaw ang may pakana nito."
"Ako? Bakit ako?" naguguluhan niyang tanong sa akin.
"Kasi gusto kong makamove-on sa'yo. Kasi narealize ko na after ilang months, napatanong ako sa sarili ko, bakit ang bilis mong makahanap ng iba? Bakit ako, hindi ako makaalis sa'yo! Kahit wala na tayo bakit pianghahawakan ko pa rin yung mga pangako natin sa isa't isa! Ikaw ang unfair, Jach! Ikaw!"
Hindi ko na napigilan ang muling pagbuhos ng emosyon ko.
"Nung nalaman kong nandito ka rin, sabi ko, bakit ang dami-dami namang lugar, bakit dito pa ulit tayo magkikita? Gusto nga kitang kalimutan eh, pero bakit ayaw pa ng mundo na mawala ka rito oh!" sabay turo ko sa puso ko.
"Ang unfair mo kasi! Bigla ka na lang magsasabi ng mahal mo pa ako! Nakakainis kasi Jachin, akala ko okay na ako eh, tapos bigla mo na namang guguluhin yung utak ko."
Hindi na rin siya makapagsalita habang ako'y nagmumukhang baliw dito sa harapan niya. Nang mukhang hindi na siya makakasagot sa akin, pinili ko nang umalis ngunit hinawakan niya ang palapulsuhan ko.
"Bakit hindi ka na lang mag-stay? Bakit hindi na lang ulit maging tayo?" Nagmamaka-awang tono niya. Tumutulo na rin ang luha sa mga mata niya.
"Hindi pwede Jach. Naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko ngayon. Gusto ko si Giann pero gusto pa rin kita. Hindi ko alam, Jach. Magulo pa ang lahat. Mali 'to."
Hindi ko na pinapakialam kung sino na ang mga nakakakita sa amin dito. Basta ang gusto ko lang ay makaalis na.
Ngunit hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Lumuhod si Jachin at hinawakan ang kamay ko, "Please, Vi. Kahit hindi ka mag-stay para sa'kin. Masakit Viane. Masakit din para sa'yo 'to pero sana magandang dahilan ang ibibigay mo sa amin. Kahit konting eksplenasyon lang.""
Para naman ito sa aming tatlo. Upang hindi na mas magulo. Kung hindi man ngayon ang oras namin, ay baka sa future. Hindi naman natin hawak ang oras.
"Hindi talaga pwede. I'm sorry."
Umalis na ako at iniwan siyang nakaluhod doon.
Hindi pa rin tumitigil ang luha ko habang nakasakay sa tricycle na pinarentahan kong ihatid ako sa airport.
Nakaupo na ako sa isa sa mga bench dito at hinihintay ko na lang natawagin ang flight ko pabalik ng Maynila. Hindi pa ako kumakain dahil nawalan din ako ng gana dahil sa mga nangyari kanina.
Siguro nga ang pagpunta ko rito sa Siargao, hindi lang para magbakasyon. Marami rin naman akong natanto sa pagpunta dito.
Pumila na ako para sumakay sa eroplano. Hindi pa ako nakakalagpas ay may narinig na akong sumigaw ng pangalan ko. Isang pamilyar na boses.
"Viane!" nakita ko si Giann na hingal na hingal na tumatakbo na parang may hinahanap. Nang magkatinginan kami ay sinubukan niyang puntahan ako ngunit agad siyang pinigilan ng mga gwardya.
Nagmamakaawa siya sa kanila na hayaan siyang pumunta sa akin ngunit matigas ang mga ito at hindi siya pinayagan. Ayoko man na nakikita siyang nasasaktan ay hindi maalis sa isip ko na kailangan ko pa rin itong gawin para sa amin.
Kahit nakikita ko na siyang nahihirapan ay tumalikod na ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Sa pagtalikod ko'y doon na din bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Hanggang sa makaupo'y naaalala ko pa rin yung itsura ni Giann kanina na nagmamakaawa na makalapit man lang sa akin. Siguro nga mali na hindi man lang ako nagpaalam nang maayos pero mabuti na iyon kesa baka hindi pa matuloy ang pag-alis ko dito.
"You've arrived at NAIA International Airport. Thank you for choosing this flight."
Nagising ako sa boses ng isang istuwardes hudyat na nakarating na ako sa Maynila. Aaminin kong nangulila din ako sa amoy ng hangin dito sa Maynila. Ibang-iba kumpara sa Siargao.
Lumabas na ako sa paliparan at agad sumakay ng taxi patungo sa bahay na sandali kong iniwan para makapagisip-isip sa ibang lugar. Nakasulyap lang ako sa bintana ng kotse habang ito'y umaandar.
Namiss ko nga ang Maynila. Iba pa rin talaga kapag andito ka na.
Nakarating na ako sa studio kung saan ako tumitira noong college ako. Buti na lang ay may nakuha akong tagapag-alaga nito noon kaya medyo maayos pa naman ang itsura nito at natitirhan pa.
Naligo muna ako at nagpalit ng damit dahil maghahanap muna ako ng kainan sa labas. Baka ngayong ay mamahinga muna ako rito habang iniisip kung ano ang pwede kong gawin sa pagbalik ko rito sa Maynila.
Simpleng shorts lang at isang maluwag at malaking dyaket ang isinuot ko. Ipinares ko lang din ito ng tsinelas na nabili ko noong nasa Siargao pa ako.
Marami namang kainan malapit sa tinitirhan ko kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Tala sa Isla
Teen FictionSiargao, isla kung saan nahahanap ang kapayapaan sa pag-ibig. Pinili ng mga tao upang umiwas sa pananakit ng ibang tao. Vianne, babaeng nasawi sa matagal na pag-ibig. Piniling magpakalayo sa gulong nadudulot sa kanya nang pag-ibig. Jackin, lalaking...