Kabanata VII: Pagbagsak
Hindi ko na matandaan kung ano ang eksaktong nangyari kagabi. Ang huli kong natatandaan ay sumasayaw kami ni Giann at pagkatapos noon ay hinatid niya ako sa aking kwarto.
Naghilamos muna ako ng mukha at nagsipilyo dahil alam kong hindi ko na ito nagawa kagabi dahil sa labis na pagkaantok ko. Nagbihis na rin ako ng bikini at pinatungan lang ng isang malaking tisyort.
Maganda ang araw ngayon kaya naisipan ko ring lumangoy sa dagat. Hinanda ko na ang mga kakailanganin ko sa paglalangoy. Lumabas ako habang tinitingnan ang aking cellphone na may maraming abiso.
Karamihan dito ay kay Jasmine siguro'y hinahanap niya ako kahapon dahil bigla na lang akong nawala nang walang pasabi. Meron ding bagong dating na galing kay Giann.
Giann:
Hi miss beautiful. Magandang umaga!
Sumagot lang ako ng isang bati din at nagsimula na muling maglakad. Napagpasiyahan ko munang kumain ng umagahan kaya dumiretso muna ako sa cafeteria para sa buffet. Pinatong ko ang gamit ko sa isang lamesa at kumuha na ng pagkain.
Habang naka-pila ay napapansin kong panay ang tingin sa'kin ng ilang tagapamahala ng resort. Bakit kaya? Umagang-umaga?
Pabalik na sana ako ng lamesa nang mapansin kong may dalawang lalaki ang nakatayo sa may lamesa ko at parehas na may hawak na platong puno ng pagkain.
"Jackin, Giann, anong ginagawa niyo dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanilang dalawa.
"Para sa'yo nga pala," sabay pa nilang sabi at tiningnan nang masama ang isa't-isa.
"Um, salamat na lang, nakakuha na kasi ako ng pagkain ko eh. Tsaka medyo madami rin yung mga inihanda niyo para sa'akin. Pasyensya na."
Bahagya naman akong nakonsensya sa sinabi ko dahil bumakas ang dismaya sa kanilang mata.
"Kung gayon ay sasamahan na lang kitang kumain dahil hindi nakakagana kapag mag-isa ka lang," sabi sa akin ni Jackin.
"Ako rin. Pwede mo pa akong makausap tungkol sa resort na 'to o kahit sa iba pang bagay," sabat naman ni Giann.
Anong nangyayari? Noong isang araw nagkaroon lang kami ng kaunting tampuhan ni Giann. Noong isang araw din ay nakausap naman kami ni Jackin. Tapos ngayon, parehas na silang nakaupo dito sa lamesa ko at sinasamahan akong kumain.
"Sige, kayo ang bahala. Pero Jackin, hindi ka ba hinahanap ni Eunice? Baka nag-aalala na iyon sa'yo." Baka kasi magselos yun sa'kin.
"Wala na si Eunice dito sa Siargao. Kahapon ng hapon ay lumipad na siya pabalik ng Maynila para sa kanyang trabaho."
"Ah ganon ba.." Nagtataka ko pa ring sambit. Hahayaan lang siya ni Eunice dito nang mag-isa? Sabagay kung malaki naman talaga ang tiwala niya kay Jachin.
Pagkatapos kong kumain, sabay nilang hinablot ang plato ko para ilagay sa hugasan.
"Ako na ang maglalagay." Sambit ni Jackin.
"Hindi. Ako na," sabi naman ni Giann.
Para silang mga batang nag-aaway dahil lang sa isang plato, pero di na rin nagpumilit pa si Jackin at ibinigay na rin ang plato kay Giann.
"Akin na yung mga gamit mo, tutulungan na kitang magbitbit," sabi sa akin ni Jackin pagkaalis ni Giann.
Wala na rin naman akong nagawa dahil nakuha na niya ang mga gamit ko at nauna nang maglakad. Ipinatong niya ito sa isang upuan sa ilalim ng isang malaking payong.
"Salamat. Sige makakabalik ka na sa kwarto mo," pagpilit ko sa kanya.
"Sige, ingat ka," at sa wakas ay bumalik na rin siya sa kwarto niya.
Naglapag ako nang isang kumot sa buhangin dahil gusto kong magbabad ng kahit konti sa araw. Gusto kong umitim kahit konti dahil napuputlaan ako sa sarili ko. Sinuot ko ang aking salamin at tsaka padapang humiga sa nilapag kong kumot at nagbasa ng paborito kong libro.
Nakatulog ako sa pagbabad sa araw ngunit paggising ko nama'y may nakabalot narin na isa pang kumot sa akin. Buti na lang ay may ganito kundi ay kanina pa sana akong nasunog sa araw.
Bumangon ako at nakita si Giann na malalim din ang tulog sa upuan kung nasaan ang mga gamit ko. Dahan-dahan kong inilapag sa baba ang mga gamit ko upang hindi siya msikipan sa kanyang pwesto.
Pagkaalis ko ng gamit ay bigla na lang niyang hinila ang aking kamay at iniupo ako sa pagitan ng kanyang hita. Nakakandong tuloy ako sa kanya ang dahilan ng pagtingin sa amin ng ilan niyang katrabaho at ng mga turista.
"Huy, Giann! Ano ba 'to! Pinagtitinginan na tayo ng mga katrabaho mo oh," pangungulit ko sa kanya dahil nabigla pa rin ako sa ginawa niya.
"Hayaan mo sila, hindi ko sila hahayaang mang-istorbo sa sandali nating dalawa." Nakapikit niya pang sabi sa akin.
Mukha pa siyang inaantok kaya hinayaan ko na lang din muna ang pwesto naming dalawa kahit na ba hindi ito masyadong komportable para sa akin.
Tinitingnan ko lang ang ilang pamilyang turista na nandito sa Siargao at ang ilang magkasintahan na naghahabulan sa dalampasigan. Ang saya lang tingnan na masaya ang bawat taong nandito sa lugar na ito.
Dito nga talaga pumupunta ang mga tao kapag gusto nilang makaiwas sa mga problema nila at sa stress. Mga taong gustong makalimot, tulad ko. Mga gustong makabangon muli.
Lahat kaya ng mga tao dito, masaya? Kapag ba talagang nag-sasaya ka eh nakakalimutan mo na rin ang mga problema?
Tiningnan ko muli ang mga taong dumaraan. Kapag binabati nila ako ay binabati ko rin sila pabalik. Mas malaki na ata ang porsiyento ng mga dayuhan dito kesa sa mga tunay na Pilipino.
Naramdaman kong gumalaw na si Giann kaya inayos ko na rin ang aking tayo. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya binibitawan ang aking kamay.
"Giann, gusto ko na kasi lumangoy sa dagat. Pwede mo na bang bitawan ang kamay ko?" Hiling ko sa kanya na may halong pagmamakaawa.
Kinurot niya ang pisngi ko, "Aray! Humanda ka sa'kin!"
Tumakbo si Giann papunta sa dalampasigan dahil alam niyang hahabulin ko siya para lang makaganti. Paikot-ikot kaming dalawa at para kaming mga batang naglalaro sa ilalim ng mainit na sinag ng araw. Halos matagal din kaming tumatakbo at patawa-tawa lamang.
Unti-unti nang bumagal ang takbo ni Giann hanggang sa parang naging lakad na lang ito.
Kaya mas madali ko siyang naabutan ngunit hindi pa ako nakalalapit ay bigla siyang bumagsak na parang isang.
Nagulat ako sa nangyari, "Giann!"
Tumakbo ako palapit sa kanya at tiningnan ang kanyang kalagayan.
BINABASA MO ANG
Tala sa Isla
Teen FictionSiargao, isla kung saan nahahanap ang kapayapaan sa pag-ibig. Pinili ng mga tao upang umiwas sa pananakit ng ibang tao. Vianne, babaeng nasawi sa matagal na pag-ibig. Piniling magpakalayo sa gulong nadudulot sa kanya nang pag-ibig. Jackin, lalaking...