Kabanata VI

513 6 0
                                    

Kabanata VI: Tingin


Oras na para sila ay magsabihan ng mga panata nila sa isa't-isa.

"Do you take, Alie, as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" Humarap ang pari kay Bern.

"I do," nakangiting sambit ni Bern habang nakatingin kay Alie.

Ganun din ang tinanong ng pari kay Alie, at parehas din naman ang sinagot niya.

"Okay, you may now say your own personal vows for each other," binigay na ng pari kay Bern ang mikropono upang ito'y makapagsimula.

"Sa pagpatak, ng bawat oras ay ikaw.."

Nakakatuwa silang tingnan na habang sinasabi ni Bern ang kanyang panata kay Alie ay hindi matanggal-tanggal ang tingin nila sa isa't-isa. Makikita mo talaga sa mata nila na mahal na mahal nila ang isa't-isa.

"Ikaw, ang pag-ibig na hinintay, puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na ikaw.."

"Ikaw lang ang tanging gusto kong makasama habang buhay, Alie. I love you so much." Pang-wakas na sambit ni Bern habang mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Alie.

Napapaluha ako habang pinapanood silang dalawa. Naiisip ko rin kung dadating ba sa buhay ko yung ganyang klase ng pag-ibig. Yung ang pagkaka-iingatan namin ang isa't-isa, mamahalin at bubuo ng sarili naming pamilya.

Habang iniisip ang mga ito ay hindi ko mawari kung bakit biglang pumasok sa utak ko si Giann.

Tinawagan ko muli siya ngunit hindi pa rin siya makontak. Lumilinga-linga ako sa paligid, hanggang makita ko siya sa isang tabi. Habang may tumutugtog na mabagal na kanta ay tila bang bumagal din ang pag-ikot ng mundo ko.

Nahanap namin ang mata ng isa't-isa. Nginitian niya ako at kinawayan. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa akin. Yung taong kanina lang ay nasa isip ko, ngayo'y katabi ko na.

Sobrang kisig niya tingnan ngayon sa suot niya. Napakagwapo niya kaya hindi ko maiwasang hindi mapatitig. Sa huli, ay tiningnan niya na rin ako.

"Yes po, ma'am, bakit ka po nakatingin sa akin? Gwapo ko ano?" tila pabirong sabi niya sa 'kin.

"Asa ka! As if naman ano!" Inirapan ko na lang siya para maitago ang pamumula ng aking pisngi.

Humarap na kaming parehas sa ikinakasal nang marinig namin ang lahat na nagpapalakpakan. Tapos na pala sila sa pagsabi ng kani-kanilang panata sa isa't-isa.

"I now pronounce, Mr. and Mrs. Cruz as husband and wife. You may now kiss your bride."

Unti-unti nang tinanggal ni Bern ang belo ni Alie. Naglapit ang kanilang mga mukha at kasabay nito ay may naramdaman akong humawak sa kamay ko.

Hinawakan ni Giann yung kamay ko. Tiningnan ko siya na para bang walang nangyayari sa pagitan naming dalawa. Pilit kong inaalis ang kamay ko ngunit ayaw niya talagang bitawan.

Pinipigilan ko na ang pag-init ng pisngi ko at pakiramdam ko sobrang pula na niya. Pagkatapos ng kasal, agad niya akong hinila para makalayo sa mismong kasal.

"Uy, Giann! Saan mo ba ako dadalhin? Baka hanapin ako nina Jas." Umarte siya na parang hindi ako naririnig at pinagpatuloy ang pagdala sa akin sa kung saan man kami pupunta.

Mukhang papunta kami sa dulo ng beach na 'to. Ang ganda, maaliwalas at tahimik lang. Pinatigil niya ako sa isang gilid.

"Stay there. Talikod ka muna, tanawin mo yung beach. Maganda naman diba? Pero mas maganda ka."

"Baliw!" Napalo ko siya sa sobrang kilig. Hindi ko na kasi mapigilan yung kilig ko! Paano ba 'to?!

Sinunod ko na lang ang gusto niya at tumingin sa dagat. Napakaganda ng isang sining sa harap ko. Saktong-sakto pa daahil palubog na ang araw kaya medyo kulay rosas ang langit ngayon.

"Viane," malambing na tawag ni Giann sa pangalan ko kaya humarap ako. Napatigil ako sa nakita ko.

"Wow. Ano 'to, Giann?" manghang-mangha ako sa nakita ko. Hindi ko aakalaing may gagawa ng ganitong klase ng surpresa sa akin.

Merong nakahandang lamesa at mga upuan na pandalawahan lamang. May nakatayong lalaki sa gilid na may hawak na gitara, tinutugtog niya ang isa sa mga paborito kong kanta. Mayroon ding mga pailaw paragumabay sa nilalakaran ko. Nakaayos din ang mesa at may mga pagkain ding nasa ibabaw nito.

"K-kailan mo 'to hinanda? Giann.. Grabe. I'm out of words. Hindi ka ba papagalitan ng manager niyo rito?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala. Alam niya lahat 'to and he's supportive. So won't you mind taking a seat with me, ma'am?" Sinundo niya ako sa kung nasaan ako kasi hindi talaga ako makagalaw dahil sa sobrang pagkagulat.

Hinila niya ang upuan para makaupo ako at binigyan niya rin ako ng lampin para hindi matapunan ang suot kong damit.

Hindi ako makasalita kasi nahihiya ako sa kanya. Hindi naman ako sanay na ganito siya sa akin. Kahit na kaunting araw pa lang kaming nagkakakilala, alam kong naging komportable na kami sa isa't-isa.

"Sorry, nagulat ba kita? Ayaw mo ba ng ganito?" Tiningnan niya ako kaya umiwas ako dahil hindi ko kayang tumitig sa mga magaganda niyang mata.

"No, it's not like that! It's just that hindi naman ako sanay na ganyan ka sa'kin. Parang kahapon lang parang galit ka pa, then now bigla kang nanggugulat. But, thank you. I appreciate it so much," nginitian ko siya para mapakita kong masaya ako sa ginawa niya.

"Pambawi ko 'to actually. Marami lang kasi talaga akong iniisip kahapon kaya medjo nabunton ko sa'yo. I'm sorry kaya rin ako nalate kanina kasi I was preparing for this."

Wala talaga akong masabi dahil hindi naman ito normal na nangyayari sa akin. Hindi naman ako sinanay ni Jackin sa mga ganito.

Pagkatapos naming kumain biglang tumayo si Giann at pumunta sa tabi ko, "May I have this dance?"

Wala akong nagawa kundi tanggapin ang alok niya. Sumayaw kami sa gitnang bahagi ng dalampasigan. Inilagay niya ang kanang kamay ko sa balikat niya at ang isa nama'y hinawakan niya. Nilagay niya rin ang kamay niya sa bewang ko at unti-unti kaming sumabay sa kanta.

"Wise men say, only fools rush in.."

Ramdam ko ang mga titig sa akin ni Giann. Siguro'y akala niya na hindi ako komportable sa nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para magkaroon ako ng lakas ng loob para yakapin siya.

Siguro sa lubhang saya na nararamdaman ko, nadala na lang din ako. Nagulat din si Giann sa ginawa ko pero naramdaman ko na rin niyakap niya ako pabalik.

Isa ito sa mga sandaling parang ayaw ko ng umalis muna at manatili na lang. Para bang ito na yung matagal ko nang pinakahihintay at sana hindi na siya ipagkait pa sa akin.

Hindi ko maintindihan sa sarili ko, minsan gusto ko si Giann, pero minsan hindi. Ayaw ko munang magpakasigurado sa nararamdaman ko dahil masyado pang maaga at hindi pa rin naman kami masyadong nagkakakilala. Basta ang alam ko lang ay masaya ako tuwing kasama siya at hindi ako nagkakaroon ng kahit anong malungkot na sandali kapag siya ang kasama ko.

"But I can't help.. falling in love with you.."

Tala sa IslaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon