Kabanata IX

461 5 0
                                    

Kabanata IX: Ibalik


Tulog si Giann nang makapasok kami sa loob ng kwarto. May mga pagkain din sa lamesa na siguro'y binili kanina ng manager niya.

Minamasdan ni Jackin ang buong kwarto ni Giann. Mula sa pinto hanggang sa kasulok-sulukan nito.

Simple lang naman ang kwarto ni Giann. Hindi masyadong maliit at hindi rin naman masyadong malaki. May mga sopa at mesa naman na maaring malagyan at maupuan ng mga bibisita sa kanya. May aircon din naman na nagbibigay ng lamig sa buong kwarto at telebisyon para magbigay sigla sa mga bisita upang hindi mainip.

"Viane, mauna na ako. I have something important to do pagbalik sa resort," sabi ni Jachin.

"Pwede ba akong sumabay sa'yo? I'll just get some of my clothes kasi balak ko dito na lang matulog mamayang gabi." Tumango naman siya sa sinabi ko at lumabas na kami sa kwarto ni Giann.

Tahimik lang ang naging buong biyahe namin papunta sa resort. Mabilis lang din dahil medyo malapit lang din naman ang ospital.

"Thanks for the ride, Jackin. Sige mauna na ako," akmang tatalikod na ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Viane, wait." pagpigil niya sa akin.

"Bakit?" Humarap ako sa kanya at nakita siyang nakatitig sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin dahil hindi ako sanay na may tumititig sa akin.

"I have something to say, promise me na hindi ka muna magbibigay ng kahit anong reaksyon." Kinabahan ako bigla sa kanyang sinabi.

"Um, ganito kasi. We're exes, I know. But, I really tried loving Eunice. She's my fiancé now. Mahal ko siya, I really do pero hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. I thought Eunice was the one for me. I was already willing to spend my whole life with her, but then I saw you again." Dagdag niya tila bang tumigil ang tibok ng puso ko.

Mali 'to e. Hindi 'to maari, may parte sa'kin na gustong sabihin na mahal ko pa rin siya at baka pwede pang kami na lang uli. Pero mali yon, maling-mali.

"Jackin, alam mong hindi pwede 'to. Mayroon kang Eunice, ako wala man ako, pero sa ngayon ay huwag mo na sanang paguluhin pa yung puso ko. Pagod na siya Jack, pagod na pagod." Naiiyak kong sinabi.

Hindi ko maintindihan. Ang gulo na ng utak ko.

Bakit sa dinami-dami ng pagkakataong sasabihin niya ang mga ganitong bagay sa akin ay ngayon lang? Bakit ngayon lang kung kailan huli na din ang lahat? Bakit ngayon kung kailan onti nalang ay mawawala na siya sa puso ko.

"Bakit?" pumipiyok-piyok na ang boses ko dahil sa labis na pag-iyak.

"Ikaw ulit, Vi. Ikaw parin pala. Noong umalis si Eunice para pumuntang Maynila, ang sinabi ko sa'yo ay may importante lang siyang gagawin, pero hindi. Bago ang araw na 'yon nagkaroon kami ng pagtatalo. Sinabi ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko. I got so heartless kasi wala na akong naisip noon kundi ikaw. Gusto kita mapasakin ulit, Vi. She then broke off our engagement and went back to her family," wala na ring tigil ang pagtulo ng mga luha sa mata niya.

Hindi na ako makasalita, talagang masyadong napupuno ng rebelasyon ang utak ko. Masyadong mabilis ang lahat.

"Sorry, kasi pinagulo ko na naman yung puso mo. Alam kong nagkakalaman na rin diyan si Giann. Napapansin ko yon, Viane. Sa tuwing magkasama kayo, lagi kang nakangiti tapos para kayong may mga sariling mundo-" pinunasan niya ang luha niya bago magpatuloy.

"Sa totoo lang, naiinggit nga ako eh, biruin mo sa akin ka lang masaya noon, sa akin ka lang tumititig ng ganon, tapos ngayon tinititigan kita kaya lang nakatingin ka na pala sa iba." Napaupo siya sa labis na pag-iyak.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga sinabi niya sa akin ngayon. Nauubusan ako ng sasabihin sa kanya.

"Jachin, ano 'to? Sorry wala akong masabi. It's just too much to take. One day you're showing me kung gaano mo kamahal si Eunice and that you're really proud of her but then ngayon you're going to tell me these things."

Hinawakan ko ang kamay niya, "Siguro nga may parte ka pa rin sa puso ko. Hindi naman yun mawawala Jachin eh, gusto ko lang namanmakalaya na sa bubble na puro memorya lang natin ang naalala ko. Kasi alam mo yun, sa halip na masasaya yung matandaan ko, sakit ang nangingibabaw eh."

"I still love you, Jach. Hindi ka nawala rito oh." sabay turo sa puso ko. "But if we continue this, maraming masasaktan at hindi ito tama. I'm sorry."

"Ano ba naman yan Jach! Pwede ba! Please stop confusing things! Okay na ak ako eh, konti nalang oh. Tapos babalik ka sa'kin at sasabihin mong mahal mo pa ako? Anong kalokohan 'to?!"

Sa sobrang inis ko ay tumakbo na ako palayo. Hindi ako papayag na ganon lang ang gagawin niya sa akin. Iiwan niya ako at magmamahal ng iba, tapos kapag nagsawa siya roon sa isa ay babalikan niya muli ako?

Hindi naman kasi ako isang laruan na basta mo lang mabibili diyan sa tindahan o di kaya'y parang buy and sell na kapag ayaw mo na ay ibebenta mo na sa iba.

Kapag ba sinubukan muli naming dalawa, mapapangako niya bang 'di na niya muli akong iiwan? Magiging ganon pa rin ba ang lahat tulad ng dati?

Tala sa IslaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon