Umalis muna ako sa eksenang iyon dahil hindi ko talaga kaya ang nakikita ko ngayon.
Baka nga nagkabalikan na sila pagkatapos siyang sundan ni Jach sa Maynila. Baka nga sa lahat ng oras na ito, sila talaga ang nakatadhana sa mata ng Diyos. Sila ang magsasama hanbang buhay.
At ako. Nandito lang. Nanonood sa kanilang masayang nagsasama bilang dalawang taong magkarelasyon.
Dumating ang gabi. Andito na naman ako sa tapat ng dalampasigan kasama ng mga bote ng alak na wala na ring laman.
Ito yung mga panahong iniisip ko na bakit hindi na lang ako? Bakit hindi na lang naging kami? Bakit ba ayaw ng mundo na maging masaya naman ako kahit minsan?
"Tsk. Pahingi naman ako niyan," nagulat ako ng tumabi siya sa akin at nilagukan ang iniinom kong beer.
"Viane."
"Hi. Long time no see," kitang-kita ko pa rin ang nagliliwanag niyang mata na nagrerepleksyon ng buwan at ang ngiti niyang nagbibigay kulay sa buhay ko.
"Um, hi. Bakit ka nandito? Baka may makakita sa'yo ah. Yung boyfriend mo baka magalit sa akin."
Mukhang nahalata niya ang tonong pagtatampo sa pananalita ko. Natawa siya nang bahagya pagkatapos noon.
"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
Umiling siya sa sinabi ko at binuksan ang isa pang beer na natira. Agad niya itong nilagok nang walang pag-aalinlangan.
"Naaalala mo ba yung mga kwentuhan natin noon habang nag-iinuman? Yung ganito lang din tayo. Chill lang, painom-inom, nasa harap ng dagat. Payapa."
Hinding-hindi ko naman nalimutan ang mga alaala ko na kasama siya. Lahat iyon ay nagmistulang pagsusulit na hindi ko dapat kailanman malimutan.
Natahimik kaming dalawa. Wala nang nagtangkang magsalita sa aming dalawa.
Kaya't nagdesisyon akong simulan ang bagong pag-uusapan.
"Viane." "Giann."
Sabay naming banggit.
"Sige na, ikaw na ang mauna," pag-papaubaya ko sa kanya.
"Sorry."
Mga salitang matagal ko ng gustong marinig mula sa kanya. Matagal ko hinintay ang pagkakataon na ito. At ngayo'y andito na nga siya sa tabi ko, pero parang may kulang pa rin. Ay, hindi nga pala kami.
"Okay na yun, ang tagal na rin noon. Kailan pala kayo nagkabalikan ni Jach?"
Puno nang pagtataka siyang tumingin sa 'kin, "Saan mo naman napulot ang balitang iyan?"
Taka ko rin siyang tiningnan pabalik. Mali ba ako? Eh bakit sila magkasama dito kung ganoon?
"Wala, narinig ko lang sa tabi-tabi."
Nginitian niya ako, "Hindi kami, Giann. Walang namamagitan sa amin."
Hindi ko alam pero nabuhayan ako sa sinabi niya sa akin. Para bang muli akong nagkaraoon ng kagustuhan na mabuhay at ituloy ang laban.
"T-talaga ba?" Mukha siyang natutuwa sa reaksyion ko kaya nabigla ako ng hinalikan niya ako sa pisngi.
"Bakit mo ginawa iyon?"
Nakakahiya dahil pautal-utal na akong magsalita sa harap niya. Mukha namang naaaliw siyang makita ang itsura ko.
Hindi ko na napigilan at niyakap ko siya. Nahanap ko na muli ang tahanan at mundo ko. Alam kong ito yun, itong ito.
"Namiss kita. Sana ganun pa rin ang nararamdaman mo para sa akin," sabi niya habang magkayakap kami.
Hinarap niya ako. Magkatapat na naman ang aming mga mukha. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa akin pero bigla kong nakita ang itsura niyang nakasuot ng isang wedding gown at naglalakad sa pasilyo. Nakita ko rin siyang magiging ina ng mga anak ko.
Tiningnan ko lang ang malalalim ngunit kulay kape niyang mata. Maluha-luha na kaming parehas ngayon dahil kahit hindi man namin ipaalam sa isa't isa, alam kong parehas pa rin kami ng nararamdaman.
Gaya ng dati, humiga kami at tumitig sa buwang napakabilog at napakaliwanag na saktong-sakto sa ilaw na nirerepleksiyon nito sa kanyang mga mata. Tinitigan ko lamang siya habang kami ay nakahiga.
Hindi pa rin ako makapaniwala.
Tumingin din siya sa akin pabalik. Hinawakan niya ang aking pisngi at inabot ang mukha sa akin upag mahalikan ako sa labi.
"Mahal na mahal kita Giann."
Ang sarap sa tenga na marinig iyon na lumabas mula mismo sa kanyang bibig, "Mahal na mahal rin kita, Miss V."
Napangiti siya at isinandal ang ulo sa aking balikat habang sabay kaming tumitig sa buwan na nagbibigay liwanag din sa mga bituing nakapalibot dito.
Sana hindi na matapos itong gabing ito. Tiningnan ko muli siya at hindi pa rin makapaniwala. Hinawakan ko ang kanyang pisngi upang mapatunayan.
Akala ko noon ang isla na ng Siargao ang tahanan ko't mundo. Hindi ko naman alam na nayayakap ko pala ang tahanan ko sa simula pa lang. Siguro nga hindi man gumana ang unang relasyon namin noon, pero ngayon ay sigurado na akong amin na ito.
Dito kami sa Siargao nagsimula, panandalian mang natapos, pero dito kami muling magsisimula ng panibagong kuwento ng aming pag-ibig.
Pagkatapos naming magdiwang, sabay kaming lumipad pabalik ng Maynila. Doon, nakita namin si Jackin.
Nakita namin siya, isa ng CEO ng kompanyang ipinamana sa kanya ng ama. Dito ay napatunayan ko na tama ang aking naging desisyon noon.
Siguro nga'y hindi lahat ng mga taong inaakala nating makakasama natin habang buhay ay mananatili. Sabi nga nila, ang pagmamahal ay mas matamis kapag hindi mo inaasahan lalo na sa hindi inaasahang tao o oras.
Pero para sa 'kin, nahanap ko na ang naging liwanag ng aking buhay sa isla ng Siargao.
Ang pangalan niya'y Giann, ang aking tala sa isla.
BINABASA MO ANG
Tala sa Isla
Teen FictionSiargao, isla kung saan nahahanap ang kapayapaan sa pag-ibig. Pinili ng mga tao upang umiwas sa pananakit ng ibang tao. Vianne, babaeng nasawi sa matagal na pag-ibig. Piniling magpakalayo sa gulong nadudulot sa kanya nang pag-ibig. Jackin, lalaking...