My Superstar Special Chapter

444 16 6
                                    

Kath’s POV

(4 years ago)

“Sweety! Honey! Baby! Love!Hubby! Quenito! Quen! Enrique Mari! Mangaganak na ata ako!” Sigaw ko sa asawa ko na kausap ko sa cellphone. Biglang may naramdaman ako na parang may sumabog at may lumabas sa ibaba ko.

“What? Okay-okay. Tawagin mo si Manang Gina. Relax ka Wife! Pupuntahan kita!” Sabi niya Relax pero mukhang sa tono pa langng boses niya siya ung natataranta. Alam kong nasa Pictorial siya ngayon para sa new endorsement niya. Sana talaga makapunta siya sa hospital, kailangan ko siya.

Narinig ko na bumukas ang pintuan ng kwarto namin ng asawa ko. Niluwa nito si Manang Gina at Andy.

“Manang Gina! Pumutok na ata ang panubigan ko!” sabi ko pa. lumabas ulit si Manang Gina, nabangit niya tatawagin niya ang driver at para maihanda na ang sasakyan na gagamitin namin, natira naman si Andy na inaalalayan ako.

“Hubby, nandyan ka pa ba?” balik ko sa cellphone ko. na distract ako ng pagpasok ni Manang Gina at Andy. Kapatid ni Quen na dumalaw ngayon dito saamin.

“Yeah I’m here wife.Nagpaalam na ko sakanila dito, itutuloy na lang namin ang shoot some other day. Ang importante nasa tabi mo ko mamaya. I’ll see you later. I can’t wait to see you andour twins. I love you Kath.” Okay. That melt my heart.

“I love you. Hihintayin kita. Ingat ka Quen.” Kahit na unexpected and twins namin ni Quen. Hindi niya ko pinabayaan. Alam ko sobrang risk ito para sa career namin dalawa pero ako,kami ng kambal ang pinili niya.

“Naku, tinawagan ko na ang driver. Okay na. nasa baba na. Kinuha ko na ang mga gamit na nakahanda na para sa araw na ito.” Si Manang Gina. At inalalayan na nila ako ni Andy pababa sa hagdan.

“Careful ate Kath. Breathe okay. Itetext ko si Kuya ate sasabihin ko kasama mo ko papuntang ospital.” Si Andy. Medyo nahihirapan nga ako huminga. Ang sakit na din ng tiyan ko. matigas na. handa na talaga lumabas ang kambal namin.

After ng Europe Tour namin ni Quen noon nag honeymoon kami. Nag lie low siya sa pag aartista niya. Inenjoy namin ang buhay mag-asawa. Nung nakabalik na si Quen sa trabaho ay agad naman dumating ang bunga ng pagmamahalan namin. Hindi namin inasahan. Dapat ay gagawa ulit kami ng pelikula ngunit hindi na ito natuloy dahil nagbuntis ako. Pero kahit hindi natuloy ang pelikula namin masayang masaya naman kami ni Quen dahil sa waakas makakabuo na kami ng sarili namin pamilya. Naging busy si Quen dahil sa comeback serye niya. Ipinagpatuloy niya ang pagbabalik niya sa trabaho habang ako ay buntis.

 Nagulat kami after ng Honeymoon namin. Agad naman akong nabuntis. 2 years  din siyang nawala sa Tv at big screen. Talagang sinulit namin ang panahon na wala siyang trabaho. Ako din naman ganun kaya na excite din ako kasi maraming offer saakin. Hindi ko na nga alam kung pag-aartista o pag-didirector ang pipilin. Kaya lang may mas importante ang dumating saamin ni Quen. Un ang kambal. Lalo kaming na-excite nung nalaman namin na magkakaron  na kami ng kambal.

“ahhhhhhhhh!!!”sigaw ko pa. ang sakit sakit na ng tiyan ko.buti nakasakay pa ako dito sa sasakyan. Nakita ko ang pag-alala nila Manang Gina at Andy.

“Ate konting tiis na lang. baby twins. Naku konting konti na lang. makakalabas na din kayo.” Hinaplos haplos pa ni Andy ang tiyan ko.

“Jusko. Konti na lang talaga Kath. Malapit lapit na tayo sa Ospital.” Sabi naman ni Manang Gina. Biglang may nag ring na phone.

“Andy sayo ata un.”si Manang Gina. Kinuha naman ni Andy at sinagot ang kanyang cellphone.

“Hello…Kuya. Yes… hmmm.” Un lang ang sagot ni Andy. Malamang ang asawa ko na ang kausap niya.

My Superstar (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon