Chapter 10.2

721 18 2
                                    

Dumating na din sila Kath kasama ang iba pang staff ng unit nila. Pagkadating ay dumiretso na sina Kath at Marie sa kwarto nila.

"Kath, dito na natin ibaba yung mga gamit natin, tapos baba daw muna dahil dinner na tayo with the cast, staff, and crew...." Sabi ni Marie kay Kath..

"Ah sige, tara na." Sagot naman ni Kath.

Sabay baba na nilang dalawa mula sa kwarto.

Pagbaba ni Kath at Marie ay nandoon na ang ibang staff na kumakain at ang iba naman ay kumukuha pa lang ng pagkain sa buffet table. Lumapit na din sila ni Marie para kumuha ng pagkain. Habang kumukuha ng pagkain, hindi niya napansin na kasunod niya si Quen, na kumukuha din ng pagkain..

"Hi Ms. Kath" bati ni Quen

"Uy Quen" gulat na sabi ni Kath.

"Bakit hindi ka pumayag sumabay sakin kanina?" Tanong ni Quen kay Kath.

"Hindi pa ba tayo friends?" Dugtong pa nito habang nakasunod kay Kath papunta sa isang bakanteng table at doon umupo.

"Friends naman tayo." Sabi ni Kath sabay ngiti.

"Ayun naman pala eh." Sagot nito sabay ngiti.

"Sige, kain na tayo." Sabi ni Kath.

(Quen's POV)

When I saw Kath, hindi ko alam what would I feel, parang nakita ko na siya, I don't know, somewhere? Basta iba ang feeling ko sakanya, para talagang nagkita na kami. Pero paano? Eh cumlaude siya, sigurado ako sunog kilay to sa pag-aaral, parang wala naman siyang hilig sa t.v., sa showbiz.....

"Mukhang diet ka Quen ah!" Sabi ni Kath, hindi ko na kasi naubos yung salad na kinakain ko.

"Magwa-water na lang ako, naumay lang siguro,wait lang ha kuha lang ako ng water." Sabi ko. Nagnod naman siya kaya tumayo at kumuha na nga ng water.

"Ah Kath, alam mo parang nagkita na tayo?" Sabi ko sabay inom ng tubig.

"Ha?! Ako?" Parang nagulat siya.

"Hindi pa naman tayo nagkita, ah" Tanggi naman niya...

"Ahhh, ganun ba?" Nagtataka pa rin ako.

"Baka madami lang akong kamukha, hahahaha!!" Natatawang sabi niya..

Ngumiti na lang ako at napangiti na lang din siya....

Pero nagdadalawang isip pa rin ako,hindi naman sa hindi ako naniniwala sa sinabi ni Kath It's just that...... ah never mind.....

My Superstar (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon