Chapter 4.1

1K 19 4
                                    

Nang makarating na sila Kath at mama niya sa alabang town center, naghanap sila ng masarap na restaurant para doon makapag celebrate. Lumapit na ang waiter at umorder na ang mama niya ng biglang napatulala si Kath, hindi niya alam kung Nananaginip ba siya o hindi,dahil nakita lang naman niya ay si Quen kasama ang kapatid nitong si Javy na papasok sa restaurant. Sa loob loob ni Kath ay kinikilig ito at tuwang tuwa na makita ang iniidolo niya.

Nakaupo na sina Quen at Javy, mga 2 tables away sa table ni Kath at mama niya. Habang umuorder ang magkapatid, hindi mapigilan ni Kath tumitig habang nakangiti Kay Quenito. Ilang saglit ay napatingin si Quen sa kanya, ung tingin niya kay Kath ay parang pamilyar ang babae sakanya, siguro ay dahil laging nakakapunta si Kath sa mga mall shows at guestings niya..at napa ngiti na lang din si Quen sa dalaga.

Nailang naman si Kath kaya bigla niyang inalis ang titig sa idolo..eksakto ay dumating na din ang order nila at sinimulan na kumain. Ang mama niya ngumingiti ngiti lang sa anak dahil nakikita niya ang reaction nito.

Ilang saglit ay napansin ni Javy na nakangiti ang kapatid.

Javy: Bro! Ano nangyayari sayo at napangiti ka? Nagtataka ito sa kapatid. 

Quen: wala bro! Let's eat na!. At ngumiti lang ito sa kapatid.

Nauna natapos sina Quen at Javy.. natapos na din kumain ang mama ni Kath.. Si Kath naman ay nagmadali na din kumain dahil nakita niya patayo na din ang magkapatid at mukhang aalis na ang mga ito.

Nang nawala sa paningin ni Kath si Quen ay Iniikot ikot pa nito ang tingin,nang makita si Quen ay napatitig muli siya sa napaka gwapong lalake..Si Quen naman ay biglang napatingin at ngumiti na lang muli sakanya. Sabay tinapik ni javy at may tinurong store na hindi kalayuan sa restaurant na kinainan.

Umalis na din si Kath at ang mama niya para umuwi na.

Nang maka dating na sa bahay ay agad nag goodnight na si kath sa mama,at pumanik na sa kwarto niya. Pagkatapos magbihis at mag toothbrush.. humiga na siya sa kanyang Kama..paikot ikot lang ito  

At pa iba-iba ng pwesto ..biglang tinangal ang unan na nakatakip sa kanyang mukha ..naisip niya ung  

mga nangyari sa mall, at bigla na lang ito napangiti.. Hindi nagtagal ay pumikit na siya at nakatulog na rin.

My Superstar (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon