Author's POV
Dumating na nga ang araw na napatawag si Kath at Quen sa office ng management, kinausap na sila ng isa sa mga boss ni Quen, nagulat si Kath sa mga sa mga pictures na nakita niya. Si Quen, walang bahid na gulat sa mukha nito pagtingin pa niya..
"Now can you tell us, ano gagawin natin pag inilabas na to sa public?" Si Mr. M tumingin sa dalawa.
"I think this is just a warning, sir." pagsabi pa ni Quen
"Warning Mr. Gil? Paano kapag nilabas na???"
"I'm sorry sir. Dapat po talaga nag ingat kami ni Quen" pagsumamo pa ni
Kath sa boss ni Quen.
"You don't have to feel sorry princess, ako bahala dito. Trust me" pagbulong ni Quen kay Kath, then hinawakan ni Quen ang kamay nito..
"Sir, I think bago pa lumabas yan mga picture namin ni Kath, mabuti pa tayo na mismo maglabas sa public." suggest ni Quen..
"May point ka, pero alam mong may LT ka ngayon, at makaka apekto yun sa career mo, nasa kontrata Quen na pwede ka namin pakielaman kapag sa career mo na ang usapin, kahit pa pribado ang relasyon mo kay Ms. Bernardo."
"Sir we'll be more careful. Sorry po." nakita ni Kath na may pag sumamo sa mukha ni Quen.. naiiyak na siya pero pilit niyang pinipigilan, dahil nakikita niyang pinaglalaban ni Quen ang relasyon na meron sila..
"You must Mr. Gil and Ms. Bernardo.. I'm very sorry if naapektuhan kayo ngayon."
Lumabas na sila Kath and Quen sa office ng Mr. M..
"Sige Quen.. una muna ko sa studio."
"Princess.." hinawakan niya ang kamay ng nobya..
"I know, naapektuhan ka kakayanin natin to ok?" nag nod lang siya sa nobyo..
"Sige na we need to be careful."
Hindi na niya nilingon si Quen, dumiretso na siya palayo sa nobyo.
Pumunta si Quen sa desk ng handler na si Ms. A
"I'm sorry for what happened Quenito."
"You don't need to be sorry ate Ana" malungkot si Quen, nakayuko lang sa tapat ng handler niya..
"Kung may magagawa lang ako eh. Mag ingat na lang kayo, sabi niyo kakayanin niyo diba? Ano man mangyari?" Tinapik-tapik pa niya ang alaga sa likod.
"Alam ko gusto din ni Mr. M na mag break kami ni Kath, hindi niya lang kami dineretso, that's why he gave us another chance." nakikinig lang si Ms. A sa alaga na nakikita niya mangiyak ngiyak na din..
"Pero hindi kami hahantong sa ganon ate.. I will never give up Kathryn." nag smile naman ang handler ni Quen sakanya.
Kath's Pov
Tahimik lang kami ni Quen sa loob ng kotse niya ngayon habang siya ang nag ddrive, siguro pinapakiramdaman niya ako kasi kanina pa naman tahimik na ko nung nagkita kami sa parking lot sinusubukan niyang ibahin ang mood ko.pero hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang ngumiti at magkunwari na ok ang lahat...
Hanggang nakadating na kami sa bahay, wala parin akong imik , pinagbuksan niya ko ng pinto then lumabas namn ako..
"Salamat sa paghatid ah?" hindi ako makatingin sakanya ng diretso..
"Kath," bigla niya ko hinila para mayakap niya, ngayon ung ulo ko nasa dibdib na niya...
"Alam ko nahihirapan ka, nahihirapan tayo, pero hindi ako bibitaw sayo princess. Never." pinipigilan ko umiyak pero kusang tumulo na lang ang luha ko, sabay kumalas siya sa yakap niya sakin at hinawakan ng dalawa niyang kamay ang mukha ko.
"Shhh... stop crying" pinunasan pa niya ang mga luha ko, mas lalo nagtuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko ng hinimas na niya ang mukha ko, hindi na siya tumigil na punasan ito..
"Kakayanin natin 'to princess kahit mahirap, just promise me na hindi ka bibitaw, ok?" nag nod lang ako sakanya, dahil patuloy patin ang pagluha ko, pero masaya ako na hindi siya bibitaw nalulungkot lang ako dahil sa isang iglap pwede siyang mawala sakin sa konting mali lang namin ng kilos..
"Sige na., may makakita pa satin, ok na lang ako magiging ok di ang lahat." nakawak parin siya sa mukha ko. Hawak ko naman ang siko niya, pero sa totoo lang hindi ko na ngayon alam kung magiging ok pa ang lahat..
"Hey, we can do this ok?? Magiging ok ang lahat., basta hindi tayo bibitaw sa isa't isa." Ako naman ang yumakap sa mahal kong prinsipe nang mahigpit na mahigpit..
"I love you princess, very very much.. Hindi ko kakayanin pag nawala ka sakin." binulong niya sakin, then pinatong niya ung ulo niya sa balikat ko naramdaman ko na umiiyak na din siya..
"Mas mahal na mahal kita Quen." unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sakin, nakita ko ung luha niya sa napaka mala anghel niyang mukha naramdaman ko ung luha niya ng dumapi na ung labi niya sa labi ko....
Nakaalis na si Quen. Nasa kwarto na ko ngayon, hindi ko mapigilan umiyak.. Alam kong mahalaga kay Quen ang trabaho niya, hindi lang siya basta basta na artista, hindi ko siya kayang papiliin between sakin at sa career niya, gulong gulo ang isip ko ngayon. Mahal na mahal ko siya.. Mahal na mahal..
![](https://img.wattpad.com/cover/5480135-288-k993657.jpg)
BINABASA MO ANG
My Superstar (KathQuen)
FanfictionIn every fairytale story, there will always be a prince and his princess. This time, there is a superstar and his ultimate fan. A story where every fan girl can relate to. :)