Chapter 10.3

724 15 7
                                    

(Continuation of Quen's POV)

3 months past... Madami na din kaming nashoot at halos patapos na din ang movie... Madalas na din kaming nagkakakwentuhan about life and etc., partner na din kami sa lunch,nakakatuwa nga eh.... Naging malapit na din kami ni Kath sa isa't-isa, as in close friends..

Location: Antipolo

Maaga kaming nag pack-up, na sa hotel kaming lahat ngayon.... Medyo maulan din kaya minabuti na ni Direk na ipagpatuloy na lang ang shooting pag medyo ok na ang panahon..

Bumaba ako sa lobby, nakita ko si Kath nagsosoundtrip habang nakapikit at sumasabay sa kanta....

(Crazy Love by Kath este Kim Chiu)

"'Cause we can never be

More than friends and it hurts me

Every time I close my eyes

All I see is you..."

Napangiti ako ng marinig siyang kumakanta.... Bigla siyang dumilat nagulat ako dahil napatingin siya sakin kaya lumingon ako sa ibang direksiyon.....

"Uy Quen, nandito ka pala!" Sabi niya...

"Ah oo nga eh, hahahaha!!!" Yun na lang nasabi ko..

"Bakit hindi mo ko kinalabit, para alam kong nandito ka?" Tanong niya...

"Mukha kasing nagrerelax ka, ayoko namang makaistorbo kaya pinakinggan na lang kita." Paliwanag ko.

"Ahhh ganon! Nakakahiya naman narinig mo pa tuloy yung boses ko." Sabi niya, parang nahihiya pa nga siya eh...

"Ano ka ba!! Ayos nga eh!! Maganda nga boses mo!" Sabi ko, sabay ngiti....

"Ikaw talaga! Bolero ka din noh!" Nagblublush na siya, hahaha!! Grabe ang pula ng pisngi niya.

"Hindi seryoso ako noh! Maganda boses mo, promise!" Sabi ko,sabay ngiti..

"Sige na nga, salamat sa pagtitiyaga pakinggan ang boses ko. Una muna ko Quen ah, akyat muna ko saglit.." sabi niya...

"Sabay na tayong umakyat, papunta na din ako ng room." Aya ko.

Hinatid ko na si Kath sa kwarto niya at ako naman dumiretso na rin sa room ko.

Nang biglang may kumatok..

"Pasok po." Sabi ko.

Nakita ko si Ms. A pala.

"Ate Ana, bakit po?" Tanong ko.

"Quen nag-text sina Vicky, gusto bumisita dito." Sabi ni Ate Ana..

"Oh sure!! Kailan?" Sabi ko.

"Ah sabihin ko bukas na lang, ok?" Sabi ni Ms. A.

"Ok, ok po" sabi ko.

My Superstar (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon