Chapter 2: Transfering

20 1 1
                                    

Angel's POV

Naalimpungatan ako ng tumama sa mukha ko ang liwanag na galing sa araw. Tumingin ako sa orasan na nasa side table, 08:16 am at tska ako tumayo at dumiretso sa CR. Pagka tapos kong mag hilamos at mag toothbrush ay lumabas na ako ng kwarto.






Pagbaba ko ng hagdan ay napatingin ako sa kitchen then I saw kuya Josh. Napansin nyang nakatingin ako sa kanya kaya sinenyasan nya akong lumapit.





Every steps ko palapit kay kuya Josh ay iniisip ko kung galit pa din ba sya sakin dahil sa ginawa ko kagabi.




"Couz, don't worry hindi naman ako galit sayo. Hindi lang ako makapaniwala na tutulungan mo yung lalaking yon" walang emosyong sabi nya.

"Sorry..." Yan lang ang lumabas sa bibig ko. Naramdaman ko na lang na nakayakap na sakin si Kuya Josh.




Inabutan ako ni kuya Josh ng sandwich. I get the sandwich then I follow him to the Sala. Pag dating namin sa Sala ay nakaramdam ako na parang seryoso ang mukha ng lahat. Napatingin ako sa mga pinsan ko. Halatang seryoso silang apat pero, bakit kaya wala si Matty? At anong meron at hindi pumasok sa office sila mom and dad.


"Angel umupo ka. May importante kaming sasabihin sayo" seryosong sabi ni daddy


Umupo ako sa tabi ng mga pinsan ko. Importante nga siguro yung sasabihin nila kaya tumahimik na lang ako.

"Angel..." Panimula ni daddy. Parang kinakabahan na agad ako ahh..."Hindi ka na papasok sa Imperial University" dugtong pa nito.

Nanlaki ang mata ko ng narinig ko ang sinabi ni daddy. Pero bakit? Magandan naman record ko dun ahh.

"Alam ko na nagulat ka" pagpapatuloy nito. Nagulat? Hindi, gulat na gulat lang naman ako "Wag kang mag-alala. Hindi ka naman hihinto sa pag-aaral. Ipina-transfer ka lang namin sa ibang school" unti-unti akong napangiti.

"Gosh! Akala ko ba naman magho-home schooling na naman ako" sabi ko ng natatawa "Pero teka nga nasan si Matty? Bakit sya lang ata ang wala dito?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi ka magho-home schooling" sabi ni daddy na seryoso pa din ang mukha.

" Si Matty nasa school na napagta-transfer-an mo" napatingin ako kay kuya Kris.

"Makaka sama mo si Matty sa academy pero Hindi mo sya pwedeng kausapin" sabi naman ni mommy.

"What?! Makaka sama ko sya pero Hindi ko sya pwedeng kausapin?!" Halos napasigaw na ako sa gulat.

"Low your voice Angel" malamig na sabi ni daddy.

"Sorry po..." Yan na lang nasabi ko.

"Yun lang ang naisip na paraan ni Matty para maprotektahan ka nya sa loob ng academy na'yon" sabi ni kuya Kris.

"Kayo na ang mag sabi sa kanya ng iba pang details. I have to go, I have a meeting with the board members" sabi ni daddy. Yumakap ako sa kanila then pinanood ko ang pag-alis nila..

"So Dark Angel, are you ready to listen?"  Mapang-asar na sabi ni kuya Nathan.

"I will be willing and ready to listen, if you will never call me in that name again?" Walang emosyong sabi ko.

~~~~~~~~~~~~

After ng napaka habang usapan dalawa lang ang natandaan ko. Which is? I need to be careful inside of that academy, that's the first thing. And the second thing is I need to pack some of my things because once I enter on that academy I'm not allowed to go outside and they also said that I don't need to bring my gadgets because gadgets are not allowed inside.

"Angel...." Halos mapatalon ako ng biglang nag salita si Kuya Kris.

"Kuya, don't you know the saying knock before you enter?" Tanong ko kay kuya Kris na ikinatawa naman nya.

"I'm not here to listen to your lecture" malamig na sabi nya sabay upo sa kama ko.

"So....what brings you here?" Sabay taas ng kabang kilay ko.

"I'm here to say..... Take care... Couz..." Di ko namalayan na nakayakap na pala sya sakin. Yumakap na din ako sa kanya. Na miss ko to simula kasi nung mag-start akong sumali sa motor and car race Hindi na  ako pinapansin ni kuya Kris. I know why, at ngayon ko lang ulit narinig na tawagin nya akong couz. Kaya Hindi ko maiwasang matuwa.


"Don't worry kuya Kris. I promise I will always take good care of myself" sabi ko.

"Basta mag-iingat ka dun. Wala kami dun para protektahan ka" sabi nya. Tumango na lang ako.

"Couz, matulog ka na. Babyahe ka pa bukas" sabi ni kuya Kris bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Inihelera ko na yung mga bag na dadalhin ko for tomorrow. At tska ako humiga para matulog.

-------
A/N: Sorry for the super slow update. But I hope you enjoy reading my story. Please like and vote, also feel free to leave a comment

The Dark Heaven AcademyWhere stories live. Discover now