A/N: PAKYUUUUU KA PIKACHUUUTE xDD ~/Sinapak ka sabay sipa sayo at hinampas ka ng buong sala set :D
PS: Wala tong kwenta Har har har. Funny funny funny very very very . Short story itetch
PROLOGUE: (Just one day Vkook FF)
Kim Taehyung.
(1995-20XX)
"Kim..... Taehyung..." napatingin ako sa lapida na natatakpan na ng mga dahon at mukhang matagal na hindi nalinisan. Napakunot ang noo ko, Tsk. Kaya naman umupo ako at dahan dahan tinanggal ang mga dahong nakatakip sa kanya.
Taon-taon ako pumupunta sa cementeryo para dalawin ang taong ito.
Sabi nila mahalaga daw sya sakin..
Because I owe him.
Napangiti ako ng mapait . Umupo ako sa dahumang nakapaligid dito at muling pinagmasdan ang lapida nito.
Inilapag ko ang rosas na pula sa tabi ng lugar kung san sya nakalibing. Umihip ang hangin at tila may binulong na hindi ko maintindihan.
Dati pa ko nagtataka kung bakit pulang rosas ang binibigay ko. Pero iyon ang binilin sakin ni mama sa hindi malamang dahilan.
Lumipas ang ilang minuto ng napagpasyahan kong umuwi na.
Nagsimula ng umambon hanggang maging isang malakas na ulan.
dali-dali kong kinuha ang payong sa bag ko at binuksan. Niyakap ako ng malamig na hangin at kinantahan ng isang hindi maintindihang kanta ng ulan.
Tumalikod ako at nagsimulang humakbang...
Kim Taehyung...
Kim Taehyung..
Kim Taehyung...
humigpit ang hawak ko sa payong at pilit inaalala ang pangalan na iyon at kung anong naging papel nya sa buhay ko..
Importante daw sya sakin .. Pero bakit hindi ko maalala..
Pero bakit pagbinabanggit ko ang pangalan nya, Nalulungkot ako... pakiramdam ko may kulang sa pagkatao ko..
nagulat ako ng may pumatak na tubig sa braso ko..
Pero? nakapayong naman ako , Saan to galing?..
Naramdaman ko na muli itong pumatak.
Agad naman akong napahawak sa Mukha ko ng maramdaman kong basa ito ng likido na galing sa mata ko at hindi iyon ulan, kundi Luha..
Luha ng kalungkutan..
kinagat ko ang ibabang labi ko para tumigil ako sa pag iyak.. Pero hindi ito umepekto..
Ang lungkot.. Nalulungkot ako,
Bakit taon taon akong umiiyak sa taong hindi ko man lang maalala kung sino?
Bakit?
at bakit pakiramdam ko.. Iniwan ako... at nag iisa?
agad akong bumalik sa lapida ni Kim Taehyung at Umiyak...
nabitawan ko ang aking payong at bumagsak ako sa tapat ng lapida..Umiiyak ako sa taong tila estranghero lang sa Buhay ko.
Nakakatawa ka Jeon Jungkook.
Hinawakan ko ang lapida nito , Basang basa na ko ng ulan pero wala akong pakialam.
Hindi ko gusto ang pakiramdam na to.. Pakiramdam ko unti-unti akong pinapatay nito..Dahi sa kalungkutan.
"Bakit s-sa Tuwing dadalaw ako sayo hindi ko alam kung bakit umiiyak ako, Bakit- Bakit?" Para akong tanga na kinakausap ang bangkay kahit alam kong wala akong makukuhang sagot.. Lagi na lang ganito.
kinagat ko ang ibabang labi ko habang patuloy kong nararamdaman ang lamig ng tubig ng ulan na bumubuhos sa buo kong katawan.
"Kim.. Taehyung.."Muling tawag ko sa pangalan nya...
"Sino ka ba talaga?"
BINABASA MO ANG
Just one day (Haruman) Vkook FF.
FanfictionJungkook wants to remember his past, and Taehyung is a part of it.