The LAST PART ..
Na dapat! Kaso biglang nag bago isip ko! :)
Enjoy!
Ngayon ang foundation day nang University at ang lahat ay abala sa mga final touches ng kani-kanilang mga booth. Unti-unti nang nag dadagasaan ang mga tao dahil open for public ang kanilang foundation day.
Sa kabilang banda tinatamad pumunta sa school si Krizzel sa hindi niya malamang dahilan. Para bang ayaw pa nang katawan niya na gumising. Tutal maaga pa naman natulog muna siya. Nagising lang siya nang biglang mag ring ang cellphone niya at unregistered number ang lumitaw. Agad niya itong sinagot ngunit pinatay naman agad ito nang tumawag. Ibababa na sana siya ang kanyang cellphone nang bigla naman 'tong nag "beep" ibig sabihin may nag text sa kanya.
Happy Birthday Princess
Simple as that. Wala siya ni katiting na ideya kung sino ito. Siguro magulang niya? Pero nakausap na niya ang mga ito nang nagdaan na gabi. At sinabing uuwi sila sa pilipinas sa susunod na buwan at importante daw.Nag tatampo man siya inintindi niya ang mga ito that's their lifestyle---business. Business is their life and breathe that's why she can't do anything but to understand.
Hindi na niya pinansin pa ang text na iyon. Nagbasa siya nang mga text sa kanyang cellphone kasi naman tuloy-tuloy lang ang pag bi-beep nito. That means dagsa ang text. Sanay na siya mula pa noon. Lagi nang ganito ang trato sa kanya ng tao.
Kahit nga hindi niya kakilala binabati siya nagugulat na nga lang siya at napakaraming nang nakakaalam ng number niya. Hindi naman din kasi siya pala text na tao. She's just using phone for accesories and emergency kaya wala lang sa kanya kung mawala lahat ng contacts niya kasi wala din naman siyang kailangan sa mga iyon.
Pero dahil kay Tj, lagi niyang tinitignan ang phone niya dahil simpleng "Good morning Izzy" lang nito at "Goodn night Izzy" ay kinikilig na siya at napapangiti.
Isang text ang nakapukaw sa mata niya. Text ni Micah. Katulad niya rin ito--wala sa bokabularyo ang salitang TEXTMATE o kaya TEXTING. Kung hindi nga lang daw kailangan ay hindi na ito gagamit pa nang cellphone.
'Himala' pag bubunyi niya sa isip. Pero naman sa sobrang iksi nang text nito parang labag pa sa loob nito na nagtext siya.
'San ka na?'
Ang tanging text nito. Nag expect pa naman siya na kaya siya tinext nito ay dahil binati siya. Pero hindi pala. Kahit si Erica at Zhel---wala!
Lalong lalo na si Tj ni blank message wala. Napaisip na tuloy siya kung sawa na bang mag hintay sa kanya si Tj. Kaya sinukuan na siya nito. Pero pangako niya na kapag tinanong siya ni Tj ng mga katagang 'Will you be my Girlfriend' sisigaw agad siya ng OO sa kahit anong lengguwaheng alam niya. She can't afford to lose the love of her life--she can't afford to lose Tj.
Naligo na siya at nag bihis. Pagbaba na pagbaba niya marami nang nakahanda sa hapag-kainan. Napabuntong hininga siya. Iniisip niya kung papaano niya mauubos ang ganoon karaming pagkain. Hindi siya matakaw at hindi siya palakain kaya estimated lang ang kinakain niya. Tinawag niya ang isa sa mga katulog niya at inutusan itong ipatawag ang iba pang katulong at mga driver pati na rin ang hardinero.
Nang dumating na ang mga ito. Inalok niya ang mga ito upang kumaen at tila nagulat sa sinabi pero dahil sa pakiusap niya ay umupo na rin ang mga ito. Masaya siyang nakipag usap sa mga ito na para bang hindi siya ang amo nang mga ito. Noong una ay nag aalin-langan pa ang mga ito pero di kalaunan nakagaanan na niya ang mga ito. Gusto niya nang ganon---ang mapalapit sa mga ito, ang hindi ito mailang sa kanya. Kasi para sa kanya ito na ang tumatayong pamilya niya.
BINABASA MO ANG
The feeling's is not mutual...........yet???(Slow Update)
ComédieMahal mo siya. Ang tanong mahal ka ba niya? Is the feeling not mutual YET?? Let's read their story for further updates! HAHAHAHA