OKAY sa notepad ko nanaman nilikha itong bahagi na ito XD hahaha.. Nakakaimbyerna na ang globe ha! Papabarang ko na sila!
Hahaha itatry ko lang kung keribels ko ang paragraph story xD di ko kasi keri ng oras ang POV eh xp
Mukhang mahaba haba ang part na ito :)
Isang linggo na ang nakakaraan simula nang mag paalam si Tyler na manligaw kay Krizzel. Natutuwa siya dahil CONSISTENT naman ang pan liligaw nito.
Aba naman daw. Nung unang araw nang panliligaw nito ay kulang nalang mag mukhang flower shop 'yung room nila. Nagulat pa siya dahil lahat ng kaklase niya ay hindi makapasok. Ayun pala nakatayo ang isang gwapong nilalang sa kanilang room at may hawak na banner na...
"Do not ENTER unless you're KRIZZEL" kaya hindi na siya nag taka kung bakit ganun ang lagay nang mga kaklase niya.
Tanga na siya kundi niya aamining kinikilig siya pero KINIKILIG talaga siya!
Hallelujah! Sigaw niya sa isip niya.
Habang naglalakad siya sa hallway ay palinga linga siya dahil baka may mag abot nanaman sa kanya ng 'sang tambak na green rose. Nag tataka nga siya kung bakit green rose. Kaya naisip niyang mahilig manuod ng teleserye. Diba sa palabas na "Green Rose" nila Jerico at Anne.
Natawa nalang siya sa mga naiisip niya.
"Baliw na talaga ako" iiling iling na nasambit niya. Siguro nga baliw na siya. Baliw na baliw sa pag mamahal.
Nagulat nalang siya nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likod. Anong laki nang ngiti niya bago ito lingunin. But to her dismay.. hindi pala ito ang inaakala nyang ito(?)
"Bakit ganyan ang mukha mo bruha ?! Parang ayaw mo naman na makita ako" Nagtatampong sambit nito.
"Hindi naman sa ganun Micah!" 'Napahiya kasi ako sa sarili ko' sabi niya sa isip niya.
"Eh anung ibig sabihin ng mukha mong yan?" sabay sibangot din nang dalaga. Nag tatampo siya sa kaibigan dahil parang hindi manlang nito naappreciate ang pag balik niya. Galing siya sa amerika para dumalaw sa mga magulang niya at kulang isang linggo lang siya doon. Hindi niya kasi makayanang mahuli sa balita. Tsismosa na kung tsismosa pero ayaw niyang meron siyang hindi alam. Kaya nga pati panliligaw ni Tj dito alam niya rin.
"Ang mukha ko ? Epitome of beauty !!" Mayabang na sabi niya sabay tawa. 'Pinili niyang ipihit sa iba ang usapan para naman hindi na maungkat ang pagtatampo nito. Alam niya kasi ang ugali ni Micah. Kaugali niya ito--hindi titigil hanggat hindi niya nalalaman ang gusto naiyang malaman. Kaya siguro ganun kalapit at kagaan ang loob niya dito.
"Okay! Mukhang nagkakalokohan na tayo dito!" Ganyan sila lagi mag biruan. Lahat nang papuri nito sa sarili nito ay pinalalabas niyang kasinungalingan. Baket nga ba? Trip niya lang! Natutuwa siya na kaya nitong sakyan ang topak niya. Kasi mas matindi ito kung topakin kumpara sa kanya.
"Nga pala lukaret, nakita mo na ba 'yung dalawang baliw ?" Si Erica at Zhel ang tinutukoy niya. Na hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikita.
"Duh! Ikaw palang kaya ang nakakaalam na nandito na ang DIYOSA, what do you expect !" Alam niya na babarahin siya nito matapos ang sabihin niya! Natatawa nalang siya--nasa gitna sila nang hallway at nag babarahan!
" Woah! Parang mangangain na ang lupa! Lagot ka bawiin mo 'yung sinabi mo! Hindi tanggap nang mahal na birtud!" Sabay hagalpak niya nang tawa. Hindi naman si Micah ang klase nang tao na pikunin. Pero hindi niya maintindihan kung bakit pag siya na ang kumakana dito, agad agad itong mapipikon. Siguro magaling lang talaga siya!
BINABASA MO ANG
The feeling's is not mutual...........yet???(Slow Update)
HumorMahal mo siya. Ang tanong mahal ka ba niya? Is the feeling not mutual YET?? Let's read their story for further updates! HAHAHAHA