How To Say Goodbye

28.4K 206 10
                                    



How To Say Goodbye...

...Falling in love with you is like getting more stiches. 

Written by: Pamela Claudio // All Rights Reserved 2012


PS: Najejeje ako sa iba kaya I decided to change some one shots. Hope you guys loved this one shot. 


Kathryn's POV 


I took a deep breath before walking in. Iniisip ko na tama ba ito. Tama ba na pupunta ako sa party na ito. 



“Ma. Pwede bang umuwi nalang ako? I don't feel so good.” 



“No. Nakakahiya. Kaya mo 'yan. It's been 2 years, Kath.” she showed her weak smile bago pumasok sa loob.



Wala akong choice. Pumasok na ako sa loob na nakangiti. My old friends are here, looking at me.



“Hey guys.” lumapit ako sa kanila at isa-isang niyakap. I'm glad to see them really. Pero iba kasi ang nararamdaman ko ngayon, sobrang kakaiba.




“Kath! Gumanda ka!” hiyaw ng kaibigan kong si Roselle. Bahay nila itong tinatapakan namin ngayon. I smiled.



“She haven't changed a bit, Ros. She's still the 16 year old Kath I've met.” sabi naman ni Kristina.




“I agree with Roselle. Gumanda nga siya.” sabi nito ni Diego. Napailing ako sabay tumawa.




“Teka nga, para bang ang tagal na nating hindi nakita si Kath ah?” John teased. Dahil doon ay natawa kami.



“Malamang! It's been years, bro.” 


Inikot ko ang mga mata ko sa bahay nila Roselle. Mabuti at wala siya. Wala pa siya.



“Wala pa siya, Kath.” sabi ni Kristina sabay tumango tango. I smiled. 



“Muling ibalik ba?” nakakalokong tanong ni Diego.



“Ano ba ang ibabalik?” iniiwasan ko 'yung topic na yan. Huwag na ngayon. Huwag na muna please. 



“Tumigil ka na muna, Diego.” sabi ni Roselle kay Diego kaya napatigil naman si Diego.



“What did I missed?”



Napalingon silang lahat maliban sa akin. I don't need to look back because I already know who he is. 



“Uy, pare!” sabay nilang bati sa kanya. Nararamdaman ko na papalapit siya sa amin. Gusto kong tumayo pero feel ko na-prank ako. Feel ko nalagyan ng invisible glue itong upuan bago ako umupo. 



Isa-isa niyang niyakap ang mga kaibigan ko. Este, namin pala. Matapos niyang yakapin ang katabi ko na si Kristina ay napatingin naman siya sa akin. 



“Hey.” he smiled. 



“Hi.” tumayo ako. Niyakap niya ako. Isang yakap na nadama ko muli after 2 years. 



Umupo na ako. Dahil bakante 'yung isang upuan sa tabi ko ay doon siya umupo. He wouldn't mind, but I care. I care a lot dahil katabi ko siya ngayon. Gusto kong lumipat ng pwesto kaso wag na. Ba ka pagtripan lang ako or what.



“Musta na kayo? It's been 2 years na rin 'noh?” he opened a topic. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko sila Kristina nalang muna.



“We've been great, really. Kayo nga ni Kath ang dapat naming tanungin eh. Kami naman, iisang university. Eh kayo? Kung saan na. Si Kath, sa UP. Ikaw naman, sa Ateneo. Mga rich kids kas kayo. Lalo ka na, Danilo ah! Pengeng pera!” 


Daniel John “Danilo” Padilla. Ngayon ko lang muli narinig ang pangalan niya. 


“Ang yayaman ng paborito naming loveteam eh.” nakakalokong sabi ni John kaya sinamaan ko siya ng tingin sabay ngumiti. Obviously, ayoko naman maging kill joy dito dahil lang dito sa katabi ko. Natawa naman si Daniel doon. I just chuckled. Nakakainis, badtrip talaga itong si John sobra. 


“Well, I've been fine. Ikaw ba, Kath? How are things?” napatingin siya sa akin kaya doon nasa akin na ang mga mata nila.



“Never better. I'm great, I guess.” 



“Ang boring niyo sumagot!” reklamo ni Diego.



“Too offensive, Diegs. What he meant was magkwento naman kayo sa mga buhay niyo!” Roselle smiled blissfully. 



“So, ah. Sino ba muna?” I laughed sabay tumingin kay Daniel. Napansin ko na napatingin din siya sa akin. 



“Ako nalang muna?” he chuckled. I nodded. 



“Well? Wala talaga akong maikukwento sa inyo. Tutok talaga ako sa pag-aaral ngayon. I really need to finish college.” pagkukwento niya.




“Why? Eager to get married?” pagloloko ni Kristina. Napakunot ang noo ko. Maybe he really is. 



“No. I need to prove to someone something. Pero para sa akin na iyun.” he grinned. 



“Si Danilo talaga natuto na magsikreto. Ikaw naman, Kath!” sabi ni Diego kaya napalunok ako.



“Well ako naman, ganun din katulad ni Daniel. Books before guys muna siguro.”



“Ito talagang favorite loveteam namin, ang boring ng buhay. Magdate nga kayo para maging makulay na ang buhay niyo!” John teased. Napataas ako ng kilay. 




“Huwag ka nga, John! Kath and I are just friends. Right, Kath?” napatingin ako sa kanya. He was smiling pleasantly. 


“Oo nga! Parang baliw ito si John eh!” I defended. Napansin ko na nag-smirk si Roselle sabay tumawa naman ng palihim si Kristina tapos si Diego naman ay uminom ng juice at si John naman ay tumawa nalang. 


Tinawag na kami nila Mama para kumain. Hindi lang naman gathering namin ito eh. Gathering kasi ito ng mga parents namin. Eventually, we are close kaya 'ayun we planned to reunite again. Ayaw ko lang talaga magpakita muna ngayon. Hindi pa kasi ako handa. So 'ayun, hiwalay kami ng table sa mga magulang namin para naman magkaroon kami ng time na kami naman ang mag-usap. 



“Iniisip ko kung mag-out of town tayo ngayong summer. Malapit na rin naman bakasyon eh.” biglang inopen na topic ni Roselle.



“Great idea! Nakakamiss ang 2.4.6 group!” natutuwang sabi ni Kristina. 2.4.6 kasi pag magbibilang kami kung ilan kami ay binibilang by pair. Example, John-Kristina; Roselle-Diego at kami ni Daniel. Hence, 2..4..6. 


“Oo nga! Libre ng pinakakamamahal nating loveteam!” hiyaw ni Diego.


“Quit with the loveteam, Diego.” I teased him habang iniikot sa tinidor 'yung spaghetti.



“Bakit ba kasi? Nakakamiss lang tuksuhin kayong dalawa ni Dan eh!” he defended. 



“There's nothing between us and you don't need to make fun of us.” 



Napatingin silang lahat sa akin na seryoso ang mukha. Dahil naman doon ay nag-iba ang aura ni Daniel.

“He was just joking, Kath.” sabi ni John sa akin.

I went back to my senses. Nasesense na nila ang kabitteran ko. 


“I know. Medyo nakakapikon lang kasi, I'm sorry.” 



Natahamik kami. Nang matapos kaming kumain ay nagpahangin muna ako sa veranda. Gusto ko nang umiyak. Sobra. Nakita ko muli si Daniel. Sinaktan niya ako. Rather, it was really an “indirect heartbreak” two years ago. 


We were 16 years old. Fourth year high. Sa aming magkakaibigan ay si Daniel ang pinaka-close ko. Para na siyang bestfriend ko halos. Sino ba ang hindi ma-fafall sa kanya? 



“Kath. Help me out.” nagulat ako dahil umupo siya sa harapan ko. He was tensed. 



“Yeah?” I was busy scribbling with my notes. Graduation na kasi in 2 weeks. Valedictorian ako and I need to make a speech. 




“How do you say goodbye without hurting people?” he asked straightforwarded. 


Napakunot ang noo ko. Ano ang pinagsasabi nito? 



“All goodbyes are torn, Daniel John. Except if the one you are going to tell is your enemy.” 




“Hindi. Paano nga kasi? I need your help.” he pleaded. 



Sinara ko ang notebook ko at tinignan siya.



“Kanino ka ba magpapaalam?” 



“S-Sa kanya!” he pointed the girl who was busy playing with another girl's hair.



“What's with her?” hindi naman sa pag-iinterfere. I just wanna know. I wanna know who she is.



“A-Ah. Basta. Ganda niya 'noh?” he smiled. 



“Ah. O-Oo.” I opened my notebook once again sabay nagpatuloy na sa pagsusulat. 



“Huy, ano na?” 



“Ano ba, Dan?” 



“Hindi mo ba ako tutulungan?”



“Too complicated.” kinuha ko na 'yung notebook, tinago sa bag at tumayo na.



“Goodbye is the one word that is very hard to say. Hindi ko nga kaya mag-goodbye na may saya eh. Paano kita matutulungan?” tumalikod na ako sa kanya. 





Nagsimula na magpatak ang mga luha ko noong araw na iyun. Minsan, iniisip ko na may chance ako kasi kaibigan ko siya, ka-close ko siya. Pwede siyang mainlove sa akin. Hindi pala.


Dumating ang graduation, hindi ko na siya pinansin. Kung lalapit siya sa akin ay kakausapin ko naman siya kaso para bang iniisip ko na wala na siyang kwentang kausap. Pag kinausap ko siya, baka mas lalo nanaman ako masaktan. 


Lumapit sa akin ang mga kaibigan ko, including him. We exchanged our congrats and hugs. 


Nang makalapit ako sa kanya. He hugged me.


“I'm going to study in Manila. Is this goodbye for both of us?” 



“I'm going to study in Manila too. But I'm afraid I can't spend time with you there.”



“Goodbye, Kathryn.”




“Goodbye, Daniel John.” 


I sadly walked away with a tear on my face. Bakit ba ang sakit marinig ng goodbye? 


“Kath.” napatigil ako sa pagrereminisce. Napalingon ako, si Daniel. 



“Hey.” I greeted. Tumabi siya sa akin sabay tumingin sa mga ulap.



“Hanggang ngayon, ganyan ka pa din. Hindi ko pa din nalalaman kung bakit naging ganyan ka.”



“Ganito na naman ako eh, noon pa.” sagot ko sa kanya.


He looked at me. Napataas siya ng kilay.


“Really?” tanong niya. Ramdam ko ang pagiging sarcastic niya. 



“Ano ba gusto mo aminin ko?” 



“Kung bakit iniwasan mo ako.” humarap ako sa kanya na may pagkagulat ko. 




“Hindi kita iniwasan!” depensa ko.



“You were. It was obvious.” 




“I wasn't.” 



Humarap siya sa akin at tinignan ako sa mata.


“Kitang kita sa mata mo na nagsisinungaling ka. What was the problem, Kath?” 



Gusto kong mahimatay ngayon sa mga titig niya. I just want to give up, hindi ko kaya. Hindi pwede. 


“I just got really busy back then, Daniel John. Okay? Hay nako. Balik na nga ako sa loob.” tumalikod na ako sa kanya pero nagulat ako hinawakan niya ang braso ko.




“Answer me.” 



“Answer you with what?” I gave him a confusing look. 



Nilapit niya ang mukha sa akin sabay tinignan ang labi ko. I swear he was looking at my lips. I could just die. 



“How to say goodbye without hurting someone.” 




“Honestly, I don't even know. Hindi mo ba nagawa sa babae mo na magpaalam?” 




“Gotcha.” he smirked. 



He cupped my face na ikinagulat ko. 



“I knew you were jealous. I sensed it before.” 




“W-What? No! Hell no!” Okay, I lied. But damn, ang galing niya manghula. 



“Yeah, you were.”



“Goodbye, Daniel John!” I decided to run immediately. Pero I was stunned, niyakap niya ako patalikod.



“You're not going anywhere without answering my question. I don't want another Goodbye.” 



Humarap ulit ako sa kanya. This time he was smiling.



“How do I even say goodbye without hurting you?” 


I sighed. Okay, fine. I'll keep clean.


“Don't say goodbye, goodbye means leaving and leaving means going away to somewhere were I might or not see you. Rather, say hello instead.” 


Lumabas ang dimples niya. God, pls I want to pinch them. 



“I knew it. You're the only one who would knew. So, hello Kath. Can I love you and never leave you?” 



I just died. 

KathNiel: One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon