Chapter 1.

1.2K 19 0
                                    

Diyos ko, bakit po nawala pa sa akin ang babaeng pinakamamahal ko? Ano bang naging kasalanan ko? Isip ko. Dumiretso agad ako dito sa bar, pagkatapos makipag break ni Lauren sa akin. Bakit? Para makalimot sa sakit na nararamdaman ko kahit sandali lang.

Ako nga pala si Elmo Magalona. Isang college student. Isa ako sa mga players ng basketball team sa school namin. Dean's Lister. Sabi nila, gwapo daw ako. Mayaman. Nasa akin na daw ang lahat. Siguro nga, NUNG UNA. Pero ngayon, tssss. Pano ba naman kasi, wala na ang babaeng pinakamamahal ko. Si Lauren Young. Siya lang ang unang babaeng minahal ko ng ganito. Baka nga, siya na din yung huli eh. Kaya napakasakit sa akin nung nakipag break siya. Ni di ko nga alam kung anong dahilan eh, wala naman akong nagawang mali. Haaaaaay, di ko na alam ang gagawin ko.

Pare. Si Rocco yun, ang bestfriend ko. Pinapunta ko siya dito. Alam ko kasing siya lang ang makakatulong sakin ngayon eh. Through ups and downs nandito siya lage sa tabi ko.

Andyan ka na pala, gusto mo? Inalok ko siya ng beer. Umiling siya. Himala ah, ano kayang nakain nito? 

Ano ka ba, nakaka ilang bote ka na oh? Kinuha niya sa akin ang bote ng beer na iniinom ko.

Ang sakit pare. Ayan na naman ang mga luha ko, nag uunahan sa pagbaba. Ang sakit, sakit. Ano bang nagawa ko? Sa 2 taon namin, binigay ko naman lahat ng oras at pagmamahal sa kanya. Kulang pa ba yon? At humagulhol na ako sa pag-iyak. Buti nalang konti nalang tao doon, past midnight na din kasi.

Moe, ano ka ba. Kung maka-iyak ka parang di ka lalaki ah. Aba, tinawanan pa ko ng kumag na to. Tiningnan ko siya ng masama. Di, I was only joking Moe. Alam mo kasi, may iba pang babae diyan oh. Di lang siya. Siguro di lang talaga kayo para sa isa't-isa.

Ewan ko, Roc. Parang di ko kaya.

-

Here ya gooooooo! Chapter 1, done. :D Vote, Comment. Click "Become my fan" button. :))))

Could You Be The One? A JuliElmo Fan Fiction.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon