Pagsubok;
Bawat pagpatak ng ulan
Ay kasabay ng iyong mga kamay na yumayakap sa aking nanlalamig na katawan
Mga ngiti sa labi ay abot hanggang langit
Pagtibok ng puso, damdamin ay hindi na napigilan pa
Kasiyahan ay pinili ko naLubos ang pagmamahal na inilalaan natin para sa isa't isa
Pagsuko pala ay wala sa bokabularyo nating dalawa
Sabay tayong lalaban
At sabay nating susulosyonan ang mga problemang dumadating na lamang basta-basta
Hindi na alam kung saan tutungo
Hindi na alam kung saang daan ba ang dapat tahakin
Basta't magkasama lamang tayong dalawa
Ay sapat na para malagpasan natin ang pagsubok na nakalaan para sa ating dalawa
BINABASA MO ANG
Ang tinta ng aking panulat
PoetryCompilation of short stories and some of my poems I posted from my previous account on facebook. Iyan iyong Brooklyn Paisley, Brooklyn Paisley II, Julie Virginia, and etc. I hope magustuhan niyo po ito. Comment down below and let me know about what...