Natuto na ako;

9 0 0
                                    

Natuto na ako;

Bulok na 'yang mga sorry mo
'Yang mga pagpapaawa at mga palusot mo
Sa tingin mo madadala mo ako sa pag acting mo?
Kung sa tingin mo sa sarili mo actor, sana pala nagartista ka na lamang at hindi na sinaktang ang puso ko

Nadala na ako sa mga ginawa mo
Natuto na ako
Sawang-sawa na ako sa mga salitang hindi maka totohanang binibitawan mo

Matanong nga,
Ilang babae na ba ang pinaasa mo?
Hulaan ko
Lagpas daliri ko na ito sa dami siguro nang sinaktan at linoko mo

Alam mo, mahal naman kita e
Pero ayaw ko na
Dahil natatakot na akong maulit pa

Ilang second chance na ba ang binigay ko sayo?
Tatlo? Lima? Hindi ko na alam

Sinayang mo lamang ang pagibig ko
Pagod na pagod na ako
Kaya mahal, mamaalam na ako

Ang tinta ng aking panulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon