Oras;
Di inalintana ang oras na lumilipas
Walang pakealam sa mga minutong lumalampas
Makasama ka lamang kahit isang orasMahal, payakap nga?
Baka ngayon araw ko na lamang ito mararanasan
Kaya sana huwag mo nang ipagdamot paKapag lumisan ka na patungo sa malayong lugar
Wala nang magpapa alala na iinom ka na ng gamot
Wala nang mag aaruga sa tuwing may sakit kaKung makalimutan mo man ako
Nandito pa rin naman ako para ipaalala sayo kung papaano nagsimula ang kwento nating dalawaPagaling ka ha?
Sabi mo, papakasalan mo pa ako
Gagawa ng sariling pamilya
At mamumuhay nang masagana
Kaya sana, mahal, magiingat ka
BINABASA MO ANG
Ang tinta ng aking panulat
PoetryCompilation of short stories and some of my poems I posted from my previous account on facebook. Iyan iyong Brooklyn Paisley, Brooklyn Paisley II, Julie Virginia, and etc. I hope magustuhan niyo po ito. Comment down below and let me know about what...