Hustisya dapat isakatuparan, Tukso marapat lamang layuan;

3 0 0
                                    

Hustisya dapat isakatuparan, tukso marapat lamang layuan;

sa pag gawa ng masama ay maraming natutukso
kapit sa patalim ang mga tao
kahit alam na mali ito,
buwis-buhay pa rin nilang pinagpatuloy ito

maraming nawawalan ng buhay, ng pamilya at ng kasiyahan
maraming humihingi ng tulong
"hustisya, hustisya" sigaw ng madla

kinakailangang magnakaw para lamang may maitulong sa pamilya, lalo na't walang pang gamot si mama

kinakailangan din nilang mandukot ng mga paslit
para lamang may maibentang laman loob kapalit ng mga pera
ganyan ba talaga kayo kahayok sa pera at kinailangan niyo pang kumitil ng buhay?

mga sambayanan,
nawawalan na ng pag asa

bulong ng nalilitong isipan ko,
ano na nga bang nangyayari sa mundong ito?

mga babae
nawawalan na ng dignidad at pagkatao
mga taong pinag palit ang laman para lamang sa pansariling kaligayan
wala na silang pake sa nararamdaman ng iba,
masunod lamang mga luho nila
wal man lang ba kayong awa?

hindi ko na rin mabilang sa mga daliri ko kung ilan na ba ang nag s shabu at nagtutulak ng droga

matanong nga,
masaya ba kayo sa ginagawa niyo?

Ang tinta ng aking panulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon