Papakawalan na kita;

5 0 0
                                    

Papakawalan na kita;

Sa mga sandaling kapiling ka
Sa mga panahong kayakap ka pa
Sa mga oras na ako pa lamang
At sa mga pagkakataong tayo pa

Pero ngayon, papakawalan na kita
Unti-unting babagsak ang mga luhang namumuo sa aking mata
Habang paunti-unting aatras sayo upang pagmamahal ko sayo'y tuluyan nang mawala pa

Hindi tayo bagay
Na ikaw ay nakalaan para sa iba
Sa taong mamahalin , aalagaan, papakasalan, at ang babaeng makakasama hanggang sa huling paghinga mo

Ang tinta ng aking panulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon