Ang oras ay mahalaga;
Kung kaya mga pangyayari ay aking kinaiingatan
Gaya na lamang ng mga panahong akin ka pa
Panahong mahal mo pa ako at ang prinsesa ng buhay mo
Ang siyang kinaiingatan mo at itinuturing tila ba babasaging kagamitan mo
Na hindi dapat masira at pangalagaan lamang
Ang oras ay mahalaga
Kung kaya walang oras ang dapat masayang
Lumilipas ang panahon
Ang oras ay tumatakbo
Kaya kung kahapon ay tayo
Ngayon para na lamang akong hangin sayo
Isang hangin na dadaan-daanan mo
Nararamdaman mo pero parang wala na lamang sayo
Napaka laking epekto ng pagbabago
Kaya kung nasa sayo pa
ay ingatan mo
BINABASA MO ANG
Ang tinta ng aking panulat
PoezjaCompilation of short stories and some of my poems I posted from my previous account on facebook. Iyan iyong Brooklyn Paisley, Brooklyn Paisley II, Julie Virginia, and etc. I hope magustuhan niyo po ito. Comment down below and let me know about what...