Litrato;
Nakikinig ako ng mga kanta sa youtube nang makaramdam ako ng pagkagutom.
Tinungo ko 'yong kusina saka nag sandok ng pagkain.
Nakailan rin ako ng sandok ng kanin at ulam.
Tocino 'yong ulam ko na sinabayan ng fried rice.
Kung nandito si mama tiyak mas masaya 'yong tanghalian ko. Haist.
Kung hindi lang siya namatay dahil sa car accident siguro hindi ako ganito kalungkot ngayon.
Naghuhugas ako ng mga pinagkainan nang mabasag ko 'yong isang plato.
Shit. Anong ibig sabihin nito? Bakit feeling ko may mangyayaring masama?
Iwinasik ko na lamang 'yong mga negatibong bagay saka pinaglatuloy 'yong paghuhugas ng mga baso't pinggan.
Maya-maya lang nasa kwarto na rin ako at nagpapahinga nang makaramdam ako ng antok.
"Hello? Tao po?" Katok ko sa isang lumang bahay na nasa tapat ko.
Hindi ko alam kung papaano ako nakarating dito at kung saang lugar ito.
Katok lamang ako nang katok nang mapagdisiyunan ko na lamang buksan ang pinto, nag babasakaling nakabukas ito.
Nang pihitin ko ang door knob bigla na lamang itong bumukas.
Pumasok ako sa bahay.
Nahagilap nang mata ko 'yong isang picture frame na nakasabit sa ding-ding.
Isa itong litrato ng isang masayang pamilya.
Bigla akong kinilabutan nang biglang napatingin 'yong nanay ng nasa frame sa akin.
Ang talim ng tingin na ipinupukol nito sa akin.
Hindi ko napigilang mapaatras sa kinatatayuan ko pero habang paatras ako nang paatras palapit naman nang palapit ito.
At bago pa man ako makapag react naramdaman ko na lamang 'yong malamig sa likuran ko.
Shit. Dead end.
Nagsasalita 'yong babaeng nasa litratro ng lengwaheng hindi ko maintindihan. Habang palakas nang palakas 'yong sinasabi nito ay parami nang parami rin 'yong pagbagsak nang mga gamit dito sa kinatatayuan ko. Mga simento bitak-bitak na. Napasigaw na lamang ako at ang sumunod ko na lamang nalaman ay napa bangon na ako sa pagkakahiga ko. Shit, panaginip lang pala. Tinignan ko muna 'yong orasan na naka dikit sa ding ding namin pero kinilabutan lamang ako nang mapagtantong 'yong katabi ng orasan namin ay 'yong litratong nasa panaginip ko. At ang babaeng iyon, ay ang nanay ko.
"Ikaw. Ikaw ang pumatay sa akin"
BINABASA MO ANG
Ang tinta ng aking panulat
PoetryCompilation of short stories and some of my poems I posted from my previous account on facebook. Iyan iyong Brooklyn Paisley, Brooklyn Paisley II, Julie Virginia, and etc. I hope magustuhan niyo po ito. Comment down below and let me know about what...