Ang kasikatang inaasam-asam mo;

2 0 0
                                    

Ang kasikatang inaasam-asam mo;

anong meron diyan sa sinasabi nilang fame
at hindi ko matukoy ito?
eto ba 'yong maraming nag r react at nag si si comment diyan sa mga post mo?
'yong pag rant at pam b bash ng tao sayo dahil sa kung gaano kalupit kang tao?
o dahil sa kilala ka lahat ng mga tao at hindi lamang ng mga specific friends diyan sa friend list mo?

nag tataka ako sa ibang tao dito sa paligid ko
at bakit nanghihila sila pababa para lamang sila'y umungat
matanong nga, fre
nakaka ganda ba 'yang pinag gagawa mo?

nalilito rin ako kung bakit mandudumog ito para lamang dumugi rin siya nito
ganito na ba talaga ang mga tao ngayon at hayok na hayok sila sa inaasam nilang kasikatang ito?

ano na nga bang nangyayari sa panahon ngayon at tila nagbago na ang dati at ngayon?

matanong nga,
nakakain mo ba ito?

Ang tinta ng aking panulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon