-
Mellanie's Pov
....
Nagmamadali akong umuwi at pumasok agad sa kwarto ko.
Tumulo na naman yung mga luha ko. Pinahid ko ito at napatawa.
"Hahahahahah." Parang tangang tawa ko habang umiiyak.
Grabe,Diko inaasahan to. Akala ko ba wala na sila pero bat ngayon ikakasal na sila. At ang mas nakakatawa buntis siya. HA HA HA. Tanga mo Mellanie!!!
Dahil sa letcheng pangyayari noon napunta ako sa sitwasyon ngayon.
*flasback*
" Sofie!! Alam mo kami na ng Crush ko!! Gosh. Di ako makapaniwala. " kilig kung banggit kay Sofia.
"Talaga?!! Sino?.." Tanong niya.
"Dimo alam? Yung pinaka Crush ko..."sabi ko ng nakangiti.
"Huh? Si Dino? Mark? O si R-Renz..." Utal niyang sabi sakin ng mabanggit niya si Renz.
"Oo tama ka si Renz nga!!.."sigaw ko at tumili.
Nakita ko siyang napatanga o napahinto. Pero binalewala ko lang.
--------
After 2years na mag on kami ni Renz ay may hindi ako inaasahang pangyayari. Na naging dahilan ng lahat.
Autor's Pov
"Sofie I love you Okay? so wag kanang umiyak..." Tahan ni Renz kay sofie.
"Renz mahal din naman kita ah pero pano si Jade?...Renz... Sorry kasi minahal kita kahit alam kung mahal mo din siya..." Sofie said.
Hinug siya ni Renz at sinabi ang mga katagang gumuho sa mundo ni Lanie.
" Sofie, Ikaw lang ang mahal ko. Hindi ko siya minahal, Ikaw lang talaga..." Sabi ni Renz.
Tapos nagulat nalang silang dalawa ng may nabasag na Gamit.
Nasa kusina silang dalawa sa bahay ni Renz at di nila inaasahan na nandyan si Lanie.
Syempre sino bang girlfriend ang hindi kinakamusta ang kanilang boyfriend.
"Jade...."banggit ng Dalawa.
Napaiyak si lanie at ngumiti.
"Totoo ba yung sinabi mo Renz.. So after those years kahit katiting hindi mo ako minahal. 2yrs. Akong nagpakatanga sayo ganun!!... Renz naman... Dapat sinabihan mo ako. Hindi yung Maririnig ko lang sa usapan niyo..." Sabi ni Lanie at tuluyan ng humagulgol.
"Jadee.... Sorry...."sabi ni Sofie at lumapit kay Lanie. Pero isang napakalutong na Sampal ang natanggap ni Sofie.
"Talaga ...sofie pinagkatiwalaan kita pero ano to? Sofie naman Your my bestfriend pero bakit mo Ito nagawa sakin?" Naiiyak na sabi ni Lanie.
"Lanie ... Im so sorryyy... Please patawarin mo ako..."Sofie said.
" Sa tingin mo mapapatawad pa kita?... Sofie naman.. Ang sakit.. Ang sakit dito*turo sa puso niya* At hindi ko kayo mapapatawad."sabi ni Lanie at tinuro silang dalawa.
Umiiyak na din si Sofie. Nilapitan siya ni Renz ngunit iniwas iyon ni sofie at tumakbo.
Tinitigan niya lang saglit si Lanie bago sinundan si Sofie.
Wala man lang natanggap na salita si Lanie kay Renz. Kung bakit.. Bakit nagawa niya iyon sa kanya.
*End of flashback*
Oo ngat mayaman sila Renz, at may kaya sina Sofie at ako isang hamak na ampon lang. Kaya nga napunta ako sa gantong sitwasyon eh. Dahil ayaw kung pabigat lang ako sa itinuring kung pamilya kaya namasukan nalang ako bilang katulong.
Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi nalang sa Company nila daddy ako magtatrabaho. Oo mayaman ang umampon sakin.
Mabait naman Yung mga Nag ampon sakin. Except sa Nakakatandang kapatid ni Tiffany. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako nagtatrabaho sa Company ni daddy. Ewan ko ba lagi nalang niya ako pinakikialaman.
Napabuntong hininga ako at humiga ng pabagsak sa kama. Ngunit nagulat ako dahil biglang may narinig akong kalabog sa labas ng pinto.
Kinabahan ako ng unti. At tumayo para tignan iyon.
Nang mabuksan ko na ay laking gulat ko ng may tumulak sakin papasok sa kwarto ko at napahiga ulit sa kama.
" Mellanie Jade ......You're beautiful.. "sambit ni Xzavier. At inipit yung hibla ng buhok ko sa tenga ko.
Nangilabot naman ako. At bakit lasing tong lalaking ito?..
A/N: Sorry ang Lame ng Upadate ko. Please support. Thank you and Good bless.
YOU ARE READING
Maid of Mr. CEO
Teen FictionThis STORY is about the girl became a maid of an C.E.O. They both hate each other. Xzavier Love pissing her. lagi niyang pinaprank si Mellanie kaya minsan pag na puno na itong si Mellanie ay gagawa siya ng paraan para makapag revenge lang. Sa tingi...