Chapter 25- Hangout with the Eggs

2.1K 72 31
                                    

_

Mellanie's Pov


Niligpit ko na higaan ko at inaayos yung mga damitan ko. Late ako nagising ngayon dahil na din siguro sa pagod kahapon, inuwi na din ni Xzavier si Baby Ysa kagabi kaya ang tahimik na naman ng mansion.


Tsk.


Ang laki ba naman nitong bahay na ito tas tatatlo lang ang tao. Nakakapagtaka lang dahil walang Ibang maid dito at iba pang trabahador.


Nakaupo ako sa kama ngayon habang nakatunganga lang nang biglang may kumatok sa kwarto ko.


*Tok*tok*tok*


Napatingin lang ako sa pinto at tumayo. Pagkalapit ko ay kumatok uli Ito.


" Bubuksan na sino ba yan? " Tanong ko habang nakahawak na sa Doorknob ayaw ko pa muna buksan baka kong sino pa yan. Naghihintay akong magsalita muna Ito.


" Lanie ija, pinapatawag ka ni sir Xzavier. "Rinig kong sabi sa labas ng kwarto ko. Si manong lang pala kala ko kung sino. Binuksan ko na yung pinto at hinarap si Manong Ced.


" Bakit daw po Manong? "


" Aba eh, hindi ko Alam. Inutusan niya lang akong ipatawag ka, wala na siyang Ibang sinabi. " Sagot ni manong. Ano kayang sadya non?


" Sige po Manong, bihis lang ako. " Isasarado ko na sana yung pinto nang harangin Ito bigla ni manong Ced. Napatingin naman ako sa kanya.


" Bakit po Manong? May sasabihin ka pa ba? " Tumango naman siya.


" May pinapasabi pa pala siya, wag ka na daw magbihis. Nasa garden siya ngayon, puntahan mo nalang. " Banggit ni manong at umalis na.


Tinignan ko lang si Manong na papaalis at tinignan yung suot ko. Inamoy ko rin ang sarili ko. Di naman ako nangangamoy so pwede na akong pumunta don.


Sinara ko muna yung pinto ng kwarto ko at tumingin sa salamin. Nakita ko sa repleka ng salamin ang buo kong katawan. Nilapit ko ang mukha ko at tinitigan ito baka kasi may laway pa ako sa pisnge O kaya muta sa mata. Kakahiya yun. Inayos ko narin yung buhok ko na medyo magulo at hinayaan itong nakalugay lamang.


Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na agad ako sa kwarto, baka kasi naghihintay na yun. Tapos ano naman kung maghintay siya? Aisht makaalis na nga. Wala naman akong pake kung maghintay siya.


Naglakad na ako papuntang garden dahil gaya ng sabi ni manong ay nandoon raw siya. Di pa nga ako nakakalapit ay may narinig akong ingay at splash ng tubig sa pool yung tipong parang may naliligo. Nasa gilid lang kasi ng Garden ang pool.



Nang matanaw ko na ay ang una Kong nakita ay si Xzavier at may katabi siyang isang lalaki na nagbabasa ng magazine pero nakatalikod silang dalawa sakin habang yung dalawa pang lalaki ay nasa pool naliligo. Natakip ko saglit ang bibig ko nang makita Kong umaahon si Dale habang inaayos niyo yung buhok niya na ngayon ay naglilipbite pa. Ampochi! Bat mas lalong pumogi ang winker nato? At ang mas lalong nakakapagpanganga sakin ay naka two piece lang siya eyste nakatrunks pala habang yung ano niya.... Yung ano, bakat.

Maid of Mr. CEOWhere stories live. Discover now