Chapter 17- Party?

1.6K 31 2
                                    

Mellanie's Pov

Nakabihis na ako ng pambahay lang kasi dito lang naman talaga ako buong linggo. At yung mokong na yun. Ewan dina bumalik eh.

'syempre Mellanie di yun babalik dahil hindi niya naman ito kwarto.'

Aishhtt. Bat ba yun ang iniisip ko. Makalabas na nga at magluluto na ako.

Papuntang kusina

Dahan dahan akong naglalakad at tingin ng tingin sa Paligid. Malay niyo diba magpakita bigla yung Lalaking yun.

Nang makarating ako ng hindi siya nakikita ay nagsimula na akong magluto.Pagkatapos ay naglinis na rin.

Hours past.

Hapon na pala diko namalayan.Nakaupo ako ngayon sa couch at biglang may nag door bell.

*Ding Dong* *Ding Dong*

Tamad akong tumingin sa labas. Tatayo na sana ako ng makita ko si Manong Ced sa sliding window papasok sa bahay.

di na ako nag abalang tumayo. Napagod kasi ako sa kakalinis dito sa bahay.

" Lanie eha.. Ipinamimigay ni sir para daw sayo.."sabi ni manong ng makalapit siya sa akin at may inabot na box.

Tinignan ko naman si manong na may pagtataka?.

"Eh.. Aanhin ko to manong?.."

Ngunit napailing nalang si manong dahil hindi niya alam.

"Ah, cgeh po manong ako na ang bahala dito.."sabi ko at kinuha na yung box. Umalis naman si manong Ced at ito tinititigan ko lang yung box.

Napailing ako at binuksan ito. Nagulat ako sa laman non dahil isang Dress? May nakita akong papel dun at binasa.

' Hoy! Babae, suotin mo tong damit na to at pumunta ka dito sa address na ibinigay ko. Ngayon na asap!.'

Tch. Makababae eh. At nagmamadali pa. Di man lang ako susundoin.

Nagmamadali agad akong pumunta sa kwarto at naligo. Diko alam kung bat ako nagmamadali,pero bahala na.

Pagkatapos ay nagbihis na din.
Dina ako nag abalang magmake up. Eh sa ayoko eh.

Lumabas agad ako sa bahay at nakita si manong na binubuksan yung gate at nagulat ako dahil ang sakay non ay si Xzavier.

'Akala ko ba ako yung pupunta. Bat siya nandito? Baka hindi pala matutuloy o baka trip niya lang'

Hayss. Para nakong tanga dito. Kakausap sa sarili ko.

Lumabas siya sa kotse at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Tch. Wala man lang pinagbago. " Sabi niya.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ano daw?!! Afjksgagavah..

" Tch.. Ano ngayon!!..."angas kung sabi sa kanya..

Pero nagulat nalang ako dahil bigla niya akong hinila at pinapasok sa sasakyan.

" ehh..." Pagrereklamo ko pero natigil din dahil tinignan niya ako ng masama. Problema niya. Nagkibit balikat nalang ako at tumahimik na.


******


" Woy.. San na ba kasi tayo... Ang layo layo naman ng pupuntahan natin..."Reklamo ko.

Actually kanina pa kami nasa byahe parin. Eh kasi kanina dumaan pa kami sa Salon. Ewan ko sa kanya pero. Naiinis ako sa mga tao dun. Pakialaman ba naman yung kilay ko. Pati yung buhok ko ayun inayos dun. Tch. Ganun naba ka gulo buhok ko para ayusan.

'Lanie dimo ba alam yung salitang pagpapaganda..'sabi ng utak ko.

Napasimangot nalang ako ng hindi niya ako pinansin. Eh? Huhuh. Gusto ko na lumabas. At gumala!!! Sakit na kaya ng pwet ko kakaupo.

"Xzavier!!!..... Kasihhhhh !!!!..."Sigaw ko. Dahil bigla niya itong pinaharurot ang kotse sabay hinto.

"Aray!!.."daing ko dahil nabagok ulo ko. Ang sakit kaya.

"Magpapakamatay kaba!!!!..."galit kung sigaw sa kanya.

Bigla naman siyang bumaling sakin at tinitigan ng matalim. Kayat napalunok ako.

" Can't you just shut your mouth!!..."Galit niyang sigaw sabay bukas ng pinto ng kotse at padabog niya itong sinara.

Nainis rin naman ako kaya lumabas din ako. Ngunit napanganga ako dahil nasa isang napakaganda at napakalaking bahay kami ngayon.

Ang ganda ng ilaw sa labas at madaming magagarang kotse na nakaparada malapit samin.

Pero mas lalong napanganga ako ng makita ko yung lalaking papalapit sa amin. Its him!!

Napangiti ako nang abot tenga. Dahil naexcite tuloy ako.

"Bro.. Youre here.."sabi niya at bumaling sakin.

" Lanie! "Tawag niya sakin at yumakap bigla.

" Lance !.."balik kung tawag sa kanya.

"You're here too.. Its nice to see you again.."sabi niya. At humiwalay sa yakap ko. Syempre dahil may dalawang pares na mata ang nakatitig sa amin ngayon. Na animoy umuusok yung ilong sa galit. Tch. Bahala siya.

Inirapan ko lang si Mokong at bamaling kay Lance at ngumiti ng pagkatamis tamis.

"Let's go.."yaya ni Lance sakin. At iginaya ang kanyang kamay sa harap ko. Hahawak na sana ako sa kamay niya ngunit may humila sakin.

"She's my Date.. Lance.."malamig na tugon nito.

Napanguso nalang ako.

Naglakad na siya at hinapit yung bewang ko papalapit sa kanya. Naiwan si Lance dun na tumatawa.

Nakapasok na kami at madaming napatingin sa amin. Lalo na sa bewang ko. Dahil nandon yung kamay niya.

Tinignan ko lang siya. Seryuso lang siyang nakatingin sa daanan at patuloy sa paglalakad.

"Woy Xzavier.. Bitawan mo na nga ako..ang dami kasing tumitingin eh..."bulong kong reklamo sa kanya.

Pero di man lang niya ako nilingon. Tch. Bat biglang naging ganto siya??!!.. Bahala na nga.

Huminto siya kayat napahinto narin ako.

May tinitignan siya kaya napatingin din ako dun. Napahanga ako dahil napakaganda ng babaeng nasa harap ko..

"Oh, Xzavier. You're here....and.... With someone??.."sabi ng babae.

Napatungo naman ako dahil sa hiya.

" It's none of your bussiness Angel ..."Malamig na tugong sabi niya.

Angel? Diba siya yung .....Babaeng iniyakan niya nong nalasing siya??..

May konting kurot akong naramdaman sa dibdib pero isinawalang bahala ko lang iyon.

To be continue

Maid of Mr. CEOWhere stories live. Discover now